Crash Landing on You

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Crash Landing on You
Kilala rin bilang
  • Emergency Love Landing
  • Love's Crash Landing
  • Crash Landing of Love
Paglalarawan
Hangul사랑의 불시착
UriDramang romantiko[1]
Romantikong komedya[2]
GumawaStudio S
Isinulat ni/ninaPark Ji-eun
DirektorLee Jung-hyo
Pinangungunahan ni/nina
Pambungad na tema"Sigriswil" (Opening Title ver.) ni Kim Kyung-hee
(Mga) kompositorNam Hye-seung & Park Sang-hee
Bansang pinagmulanTimog Korea
WikaKoreano
Bilang ng mga kabanata16
Paggawa
Lokasyon
Oras ng pagpapalabas70–110 minuto
Production company(s)
Distributor
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilantvN
Banghay ng larawan2160p (UHDTV)
Orihinal na pagtakbo14 Disyembre 2019 (2019-12-14) – Pebrero 16, 2020 (2020-02-16)
Mga ugnay
Opisyal na websayt

Ang Crash Landing on You[4] (Koreano사랑의 불시착; RRSarangui Bulsichak; MRSarangŭi pulshich'ak; lit. Biglaang Paglapag ng Pag-Ibig) ay isang Koreanovela ni idinirekta ni Lee Jeong-hyo at pinagbibidahan sina Hyun Bin, Son Ye-jin, Kim Jung-hyun, at Seo Ji-hye. Ito ay tungkol sa Timog Koreanang erederang chaebol na, habang nagpa-paragliding sa Seoul, Timog Korea, ay tinangay ng isang biglaang buhawi at napadpad sa Hilagang Koreanong bahagi ng DMZ. Ipinalabas ang Koreanovela sa SBS sa Timog Korea at sa Netflix sa buong mundo mula Disyembre 14, 2019, hanggang Pebrero 16, 2020.

Ito ang SBS drama na may pinakamataas na marka at ang ikatlo sa Koreanovela na may mga pinakamataas na marka sa kasaysayan ng telebisyong de-kable.

Mga tauhan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga bida ng Crash Landing on You

Pangunahin[baguhin | baguhin ang batayan]

Isang bihasa pero walang imik na kapitan sa Hukbong Bayan ng Korea na nakapuwesto sa may Hilagang Koreanong DMZ. Iginagalang siya ng yunit na pinamumunuan niya at ng mga tagaroon ng rural na nayon na pinagtitirahan niya. Habang nanggagaling siya sa isang makapangyarihang pamilya sa pulitika (ang kanyang tatay ay direktor ng Pangkalahatang Kawanihan sa Pulitika), mas gusto niyang ilihim ang kanyang angkan. Kagilas-gilas sa piano, nag-aral siya para maging piyanistang pangkonsyerto sa Suwisa bago mapilitang sumali sa Hukbong Katihan ng Hilagang Korea matapos mamatay ang kanyang kuya (na talagang kasundo niya) sa isang kataka-takang aksidente sa kotse. Itinatago at pinoprotektahan niya si Se-ri matapos siyang mapadpad nang hindi sinasadya sa binabantayang teritoryo ni Jeong-hyeok. Habang tinutulungan niyang makabalik si Se-ri sa Timog Korea, nagsisimula siyang mapaibig kay Se-ri.
Isang Timog Koreanang erederang chaebol[5] sa Queen’s Group Chaebol. Mayroon siyang maligalig na kasaysayan sa pamilya dahil siya ay anak sa labas (ngunit minamahal siya ng kanyang tatay), na nagreresulta sa maigting na ugnayan sa kanyang pangalawang ina dahil sa maling pagkaunawa noong pagkabata at nalalapit na labanan ng paghahalili sa pamilya, at dahil sa ikalawang binanggit, pinaghinanakitan siya ng kanyang magkapatid sa ina at kani-kanilang asawa. Pagkatapos ng kasunduang pakasal na hindi na tuloy, nagkaroon siya ng mga mababaw na relasyon sa mga kilalang tao, ngunit hindi nagkaroon ng matalik na pakikisama. Gayunman, siya ay isang mayaman na negosyante na nagpapatakbo ng kanyang sariling matagumpay na kumpanya sa moda at kagandahan, Se-ri's Choice. Kilala siya sa pagiging mahigpit na amo, pagpapapansin sa publiko, at sa pagiging pihikan sa pagkain. Nakikilala niya si Ri Jeong-hyeok matapos siyang mapadpad sa Hilagang Korea dahil sa isang aksidente sa paragliding. Napaiibig siya kay Jeong-hyeok habang kinukupkop siya ni Jeong-hyeok sa Hilagang Koreanong nayon, kung saan naging matalik siya sa mga ajumma at apat na sundalo ni Kapitan Ri.
Isang matalino, kaakit-akit, ngunit mahirap na Timog Koreanong manloloko na may pagkamamamayan sa Bretanya. Matapos ikalugi ng kanyang pamilya ang tatay ni Se-ri, nagpalapit siya sa kuya ni Se-ri, Se-hyung, upang lumustay mula sa kumpanya ng pamilyang Yoon. Sinubukang ipakasal ni Se-hyung si Se-ri kay Seung-joon para alisin siya, ngunit nadama ni Se-ri ang masamang balak ni Sung-joon sa kanilang unang pagkikita at tinanggihan siya. Gayunman, nakapagnakaw pa rin si Seung-joon mula sa kumpanya ng Yoon sa ilalim ng pagbabantay ni Se-hyung, at tumakas sa Hilagang Korea upang maiwasan ang pag-aresto, habang hinahabol siya ng mga butangero ni inarkila ni Se-hyung.
Isang eredera ng Hilagang Koreanong almasen at nangangarap na tselista na katipan din ni Ri Jeong-hyeok sa pamamagitan ng napagkasunduang kasal ng kani-kanilang mga magulang. Habang nahuhumaling siya kay Jeong-hyeok mula noong sila ay kaklase sa hayskul, hindi pala magkatugon ang kanilang damdamin, ngunit pumayag si Jeong-hyeok sa pag-aasawa dahil sa pagkadama ng obligasyon sa kanyang mga magulang. Matapos niyang matanto na iba ang minamahal ni Jeong-hyeok, napaiibig si Seo Dan kay Seung-joon.

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Dong, Sun-hwa (Nobyembre 18, 2019). "Sneak peek into romantic drama". The Korea Times. Nakuha noong Disyembre 15, 2019.
  2. "21.7%: 'Crash Landing on You' sets record for tvN drama". koreatimes (sa wikang Ingles). 2020-02-17. Nakuha noong 2020-05-30.
  3. 3.0 3.1 Kiew, Chelsea (Pebrero 18, 2020). "What Singapore fans say about K-drama Crash Landing On You and 7 things to know about the show". The Straits Times. Nakuha noong Pebrero 29, 2020.
  4. 4.0 4.1 Kang, Minji (Oktubre 20, 2019). "NETFLIX TO LAUNCH HIGHLY-ANTICIPATED ROMANTIC COMEDY CRASH LANDING ON YOU, STARRING HYUN BIN AND SON YE-JIN". Netflix Media Center. Nakuha noong Oktubre 23, 2019.
  5. 5.0 5.1 5.2 "21.7%: 'Crash Landing on You' sets record for tvN drama". The Korea Times. The Korea Times. Nakuha noong Marso 4, 2020.
  6. ""Crash Landing on You" Kim Jung-hyun, "My Life's Textbook Example"". HanCinema. Nate. Nakuha noong Pebrero 18, 2020.
  7. "Seo Ji-hye Joins Writer Park Ji-eun in "Emergency Love Landing"". HanCinema. Nate. Nakuha noong Hulyo 18, 2019.