Emperador Koan
Emperador Koan 孝安天皇 | |
---|---|
Panahon | Pebrero 26, 392 BK – Pebrero 23, 291 BK (tradisyonal) |
Sinundan | Emperador Kosho |
Sumunod | Emperador Korei |
Asawa | Emperatris Oshi-hime |
Anak | |
Pangalan pagkamatay | |
Kun'yomi: Yamato-tarashihiko-kuni-oshihito no Sumeramikoto (日本足彦国押人天皇); O-yamato-tarashihiko-kuni-oshihito no Mikoto (大倭帯日子国押人命) On'yomi: Emperador Koan (孝安天皇) | |
Lalad | Imperyal na Bahay ng Hapon |
Ama | Emperador Kosho |
Ina | Emperatris Yosotarashi-hime |
Kapanganakan | Yamatotarashihikokunioshihito (日本足彦国押人尊) 427 BK |
Kamatayan | Pebrero 23, 291 BK (edad 137) |
Libingan | Tamate no oka no e no misasagi (玉手丘上陵) Gose, Nara, Hapon (maalamat) |
Pananampalataya | Shinto |
Si Emperador Koan (427 BK - Pebrero 23, 291 BK), na kilala rin bilang si Yamatotarashihikokunioshihito no Mikoto (Hapones: 大倭帯日子国押人命), ay ang ikaanim na emperador ng Hapon ayon sa kinamihasnang kaayusan ng halinlinan. Itinatagurian siya bilang isang "maalamat na emperador" ng mga mananalaysay dahil ang kanyang aktuwal na pag-iral ay pinagtatalunan. Sinasabing naghari siya mula 392 BK hanggang sa kanyang pagkamatay noong 291 BK, kung saan sinundan siya ng kanyang ikalawang anak na si Emperador Korei. Siya ang ikaanim at huling emperador na naghari sa panahon ng puktol ng Jomon, na tumagal mula 14,000 BK hanggang 300 BK. Ang kanyang kahalili ang naging unang emperador ng puktol ng Yayoi, na tumagal mula 300 BK hanggang 300.
Alam na Impormasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pag-iral ng hindi bababa sa unang siyam na emperador ay pinagtatalunan dahil sa hindi sapat na materyal na maaaring magamit para sa karagdagang pagpapatunay at pag-aaral. Dahil dito, itinatagurian si Koan ng mga mananalaysay bilang isang "maalamat na emperador", at niraranggo siya bilang ang ikalima sa walong emperador na walang tiyak na mga alamat na nauugnay sa kanila. Unang naikredito ang pangalang "Koan" kay Omi no Mifune, isang Hapones na palaaral at manunulat noong puktol ng Nara na diumano'y gumawa ng pangalan noong huling kalahati ng ika-8 dantaon. Sinasabi na maaaring pinalagi ang kanyang pangalan ilang dantaon pagkatapos ng buhay na itinalaga sa kanya, posible na noong panahon kung saan ang mga alamat tungkol sa pinagmulan ng halaring Yamato ay pinagsasama-sama bilang mga talaan na kilala ngayon na Kojiki.[1][2][3][4]
Maalamat na Salaysay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pangalan ni Emperador Koan ay nakasaad sa Kojiki at Nihon Shoki kung saan ang kanyang talaangkanan lamang ang nakatala. Isinilang siya noong 427 BK, at siya ang ikalawang na anak nina Emperador Kosho, ang ikalimang emperador ng Hapon, at Emperatris Yosotarashi-hime, isang anak ni Ametarashihiko-Kunio-shihito-no-mikoto. Nakilala siya bilang si Prinsipe Yamatotarashihikokunioshihito. Pormal siya na naging koronang prinsipe noong Pebrero 408 BK. Nakasaad sa Kojiki at Nihon Shoki na namuno siya mula sa palasyo ng Akitsushima-no-miya (Kojiki: 葛城室之秋津島宮; Nihon Shoki: 室秋津島宮) sa Muro sa kung ano ang makikilala bilang lalawigan ng Yamato (ngayo'y Prepektura ng Nara sa Honshu). Karaniwang inilalagay ang kanyang panahon ng paghahari sa 392 BK hanggang 291 BK. Sa panahon ng buhay ni Koan, ikinasal siya kay Yosotarashi-hime, at nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Prinsipe Okibi no Morosusumi at Prinsipe Oyamatonekohikofutoni. Namatay siya noong 291 BK. Ayon sa mananalaysay na si John S. Brownlee, ang sinasabing edad ni Koan na 137 ay "napakahaba", ngunit sinabi rin niya na hindi pambihira ang mga ganito para sa mga katha-kathang pigura. Dagdag pa niya na walang sinuman sa Hapon ang naabala sa kahabaan ng buhay ng mga dating emperador hanggang sa modernong panahon. Habang ang kanyang aktuwal na libingan ay hindi alam, tradisyonal siya na iginagalang sa isang imperyal na pang-alaalang dambana na kasalukuyang pinapanatili sa lungsod ng Gose. Ang dambanang ito ang itinalaga ng Imperyal na Sambahayang Ahensiya bilang kanyang mosoliem, at pormal ito na pinangalanang Tamate no oka no e no misasagi. Siya ay hinalinhan ng kanyang anak na si Prinsipe Oyamatonekohikofutoni, na sa kalaunan ay naging si Emperador Korei.[5][6][7][8][9][10]
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Kelly, Charles F. "Kofun Culture". www.t-net.ne.jp. Nakuha noong Mayo 7, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Shillony, Ben-Ami (2008-10-15). The Emperors of Modern Japan (sa wikang Ingles). BRILL. p. 15. ISBN 978-90-474-4225-7.
Kilala rin bilang ang "walong hindi dokumentadong monarko" (欠史八代, Kesshi-hachidai).
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Britannica Kokusai Dai-Hyakkajiten article "Ōmi no Mifune". Britannica.
- ↑ Aston, William George. (1896). Nihongi: Chronicles of Japan from the Earliest Times to A.D. 697, Volume 2. The Japan Society London. pp. 109, 138–141. ISBN 9780524053478.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Varley, H. Paul. (1980). Jinnō Shōtōki: A Chronicle of Gods and Sovereigns. Columbia University Press. p. 89. ISBN 9780231049405.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Brown, Delmer M. and Ichirō Ishida (1979). A Translation and Study of the Gukanshō, an Interpretative History of Japan Written in 1219. University of California Press. p. 251. ISBN 9780520034600.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ John S. Brownlee (Agosto 14, 1991). Political Thought in Japanese Historical Writing: From Kojiki (712) to Tokushi Yoron (1712). Wilfrid Laurier Univ. Press. p. 30. ISBN 9780889209978.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ponsonby-Fane, Richard (1959). The Imperial House of Japan. Ponsonby Memorial Society. pp. 29–30 & 418.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Genealogy of the Emperors of Japan" (PDF). Kunaicho.go.jp. Nakuha noong Mayo 8, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "孝安天皇 (6)". Imperial Household Agency (Kunaichō) (sa wikang Hapones). Nakuha noong Mayo 10, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)