Pumunta sa nilalaman

Epiko ni Gilgamesh

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Epika ni Gilgamesh)

Ang Epiko ni Gilgamesh ay isang panulaang epiko mula sa sinaunang Mesopotamya na madalas ay itinuturing ang pinakamatandang umiiral na dakilang likha ng panitikan at ikalawang pinakamatandang teksto sa relihiyon, sumunod sa Mga teksto sa mga tagilo. Ang kasaysayang pampanitikan ni Gilgamesh ay nagsisimula sa limang tulang Sumeryo tungkol kay Bilgamesh (Sumeryo para sa "Gilgamesh"), hari ng Uruk, noong Ikatlong Dinastiya ng Ur (c. 2100 BK). Ang mga ito ay ginamit bilang sangguniang materyal para sa pinagsamang epiko sa Akkadiano. Ang unang nabubuhay na bersiyon ng pinagsamang epiko na ito, kilala bilang ang "Lumang Babilonyo" na bersiyon, ay mapepetsahan sa ika-18 siglo BK at pinamagatang Shūtur eli sharrī ("Higit sa Lahat ng Ibang mga Hari") matapos sa incipit nito. Iilan lamang ang mga umiiral na pragmento nito. Ang kalaunang "pamantayang" bersiyon ay mapepetsahan mula ika-13 hanggang ika-10 siglo BK at pinamagatan ng incipit na Sha naqba īmuru ("Siya na Nakakita sa Kailaliman", sa modernong kahulugan: "Siya na Nakakakita ng Hindi Alam"). Tinatayang dalawang-katlo ng mas mahabang 12 tabletang bersiyong ito ay naisalba. Ang ilang mga pinakamahuhusay na kopya ng Epiko ni Gilgamesh ay natuklasan sa mga gibang aklatan ng ika-7 siglo BK haring Asiryong si Ashurbanipal.

Itinatalakay sa unang kalahati ng kwento si Gilgamesh, hari ng Uruk, at si Enkidu, isang mabangis na tao na nilikha ng mga diyos upang pigilan si Gilgamesh mula sa pag-api sa mga tao sa Uruk. Matapos maging sibilisado si Enkidu sa pamamagitan ng pagsisimula ng sekswal sa isang patutot, naglakbay siya patungo sa Uruk, kung saan hinamon niya si Gilgamesh sa isang pagsubok ng lakas. Nanalo si Gilgamesh sa patimpalak; gayunman, naging magkaibigan ang dalawa. Magkasama silang naglakbay ng anim na araw sa maalamat na Gubat ng Sedro, kung saan balak nilang paslangin ang Tagapagbantay, si Humbaba ang Nakasisindak, at putulin ang sagradong Sedro. Ang diyosa na si Ishtar ay nagpapadala ng Bull of Heaven upang parusahan si Gilgamesh sa pagtanggi sa kanyang mga pag-akit. Pinatay nina Gilgamesh at Enkidu ang Toro ng Langit at pagkatapos ay nagpasya ang mga diyos na parusahan ng kamatayan si Enkidu at patayin siya.

Sa ikalawang kalahati ng epiko, ang pagkabalisa sa pagkamatay ni Enkidu ay naging sanhi upang magsagawa si Gilgamesh ng isang mahaba at mapanganib na paglalakbay upang matuklasan ang lihim ng buhay na walang hanggan. Sa kalaunan nalaman niya na "Ang buhay, na hinahanap mo, ay hindi mo kailanman mahahanap. Sapagkat noong nilikha ng mga diyos ang tao, hinayaan nilang ang kamatayan ang maging bahagi niya, at ang buhay ay ipinagkait sa kanilang sariling mga kamay." Gayunpaman, dahil sa kanyang mahusay na mga proyekto sa pagtatayo, ang kanyang salaysay ng payo ni Siduri, at kung ano ang sinabi sa kanya ng walang kamatayang tao na si Utnapishtim tungkol sa Dakilang Baha, ang katanyagan ni Gilgamesh ay nakaligtas matapos ang kanyang kamatayan na may lumalawak na interes sa kwento ng Gilgamesh na isinalin sa maraming wika at ay itinampok sa mga gawa ng tanyag na katha.

Tableta ng Dakilang Baha ng Epiko ni Gilgamesh na natagpuan sa Aklatan ni Ashurbanipal.

Naglalahad ang epikong ito ng kabayanihan at pakikipagsapalaran ng bayaning si Gilgamesh na hari ng Uruk sa Sumerya. Kabilang sa mga kuwento nito ang hinggil sa isang malaking baha at sa kung paanong nakaligtas ang isang mag-anak sa pamamagitan ng paggawa ng isang arko. Ang kuwentong ito ay mas nauna at ang pinaghanguan ng Arko ni Noe sa Lumang Tipan ng Bibliya.

Ang pinakamaagang mga tulang Sumeryo nito ay pangkalahatan ngayong itinuturing na mga natatanging kuwento sa halip na mga bahagi sa isang epiko. Ang mga ito ay mula sa maagang Ikatlong Dinastiya ng Ur (2150–2000 BK).[1] Ang pinakamaagang mga bersiyong Akkadian nito ay mula maagang ca. 2000 BK at malamang noong 1800 o 1700 BK nang ang isa o higit pang mga may akda nito ay humango sa isang umiiral na materyal ng panitikan upang lumikha ng isang epiko.[1] Ang pamantayang bersiyong Akkadian nito ay binubuo ng 12 tableta na inedit ni Sin-liqe-unninni sa pagitan ng 1300 BK at 1000 BK na natagpuan sa aklatan ni Ashurbanipal sa Nineveh.

Pagkakatuklas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pamantayang bersiyon ng Epiko ni Gilgamesh ay natuklasan ni Austen Henry Layard sa aklatan ni Ashurbanipal sa Nineveh noong 1849. Ito ay isinulat sa pamantayang Babilonio na isang diyalekto ng Akkadian na ginagamit para sa panitikan. Ang mga putik na tableta ng Epiko ni Gilgamesh ay natuklasan ni Hormuzd Rassam noong 1853.

Ang sentral na katauhan nito na si Gilgamesh ay simulang muling ipinakilala sa mundo bilang "Izdubir" bago tumpak na nabigkas ang logograpong kuneirporma ni Gilgamesh.

Ang pagkakatuklas sa arkeolohiya ng mga artipaktong mula ca. 2600 BC na nauugnay kay Haring Enmebaragesi na binaggit sa isang seksiyon ng orihinal na Sumeryong Epiko ni Gilgamesh na Bilgamesh at Aga bilang ama ni Aga ng Kish na lumusob sa Uruk ang nagpapatunay sa pag-iral ni Gilgamesh.

Mga salin sa ibang wika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Wikang Ingles

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang unang modernong salin nito sa wikang Ingles ay inilimbag ni George Smith noong mga 1870. Ang kamakailang mga salin nito sa Ingles ay kinabibilangan ng isinagawa sa tulong ng nobelistang Amerikanong si John Gardner at John Maier noong 1984. Noong 2001, lumikha si Benjamin Foster ng isang salin sa Norton Critical Edition Series na gumagamit ng mga bagong materyal upang punan ang maraming mga blanko sa mga nakaraang edisyon. Ang pinakadepinitibong salin sa Ingles nito ang dalawang bolyum na gawang kritikal ni Andrew George na tumalakay sa katayuan ng mga nakaligtas na materyal at nagbibigay ng ekshesis na tableta sa tableta na may dalawang wikang magkatabing salin. Ito ay inilimbag ng Penguin Classics noong 2000.

Wikang Arabiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang unang direktang salin nito sa wikang Arabiko mula sa mga orihinal na tableta ay isinagawa noong mga 1960 ng arkeologong Iraqi na si Taha Baqir.

Nilalaman ng mga tabletang pamantayang bersiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tabletang una

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kuwento ay nagsisimula sa pagpapakilala kay Gilgamesh na hari ng Uruk. Siya ay laging nagsasabi ng harurut.

Si Gilgamesh na 2/3 diyos at 1/3 tao ay umaapi sa kanyang mga tao na umiiyak sa mga diyos para tulungan. Para sa mga babae ng Uruk, ang pang-aaping ito ay may anyong droit de seigneur — o "karapatan ng panginoon" na makipagsiping sa mga bagong ikinasal na babae sa kanilang gabi ng kasal. Para sa mga lalake (ang tableta ay napinsala sa puntong ito), ipinagpalagay na ang mga ito ay pinapagod ni Gilgamesh sa pamamagitan ng mga laro, pagsusubok ng lakas o marahil ay pwersahang pagtatrabaho sa mga proyekto ng pagtatayo. Ang mga Diyos ay tumugon sa mga pagsusumamo ng mga ito sa pamamagitan ng paglikha ng isang katumbas kay Gilgamesh upang lituhin ito. Ang mga diyos ay lumikha ng isang primitibong tao na si Enkidu na natatakpan ng buhok at nabubuhay sa parang kasama ng mga hayop. Siya ay nakita ng isang tagapagbitag na ang kabuhayan ay nawasak dahil binubunot ni Enkidu ang kanyang mga bitag. Sinabi ng tagapagbitag kay Gilgamesh ang tungkol sa lalake at inihanda kay Enkidu para akitin ang isang patutot. Ang pang-aakit kay Enkidu ni Shamhat na isang patutot ng templo ang kanyang unang hakbang tungo sa kabihasnan at pagkatapos ng pitong araw ng pakikipagtalik sa kanya, siya ay nagmungkahi na ibalik siya sa Uruk. Samantala, si Gilgamesh ay nagkaroon ng mga panaginip na nauukol sa malapit na pagdating ng isang minamahal na bagong kasama.

Tabletang dalawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkatapos magsiping nina Enkidu at Shamhat, ang mga mabangis na hayop ay hindi na tumutugon kay Enkidu gaya ng nakaraan. Inihayag ni Shamhat na si Enkidu ay naging tulad ng isang diyos. Tinuruan ni Shamhat si Enkidu kung paano manamit at kung paano kumain. Sa pagkakaalam mula sa isang dumadaang dayuhan tungkol sa pagtrato ni Gilgamesh sa mga bagong kasal, si Enkidu ay nagalit at naglakbay tungo sa Uruk upang mamagitan sa isang kasal. Nang tangkain ni Gilgamesh na dalawin ang silid ng kasalan, hinarang ni Enkidu ang kanyang daanan at sila ay nag-away. Pagkatapos ng mabangis na paglalaban, kinilala ni Enkidu ang superior na lakas ni Gilgamesh at sila ay naging magkaibigan. Si Gilgamesh ay nagmungkahi ng isang paglalakbay sa Kagubatang Cedar upang paslangin ang kalahating-diyos na si Humbaba upang magkamit ng kasikatan at katanyagan. Sa kabila ng mga babala mula kay Enkidu at sa konseho ng mga Matatanda, si Gilgamesh ay hindi pipigilan.

Tabletang tatlo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga matanda ay nagbigay ng payo kay Gilgamesh para sa kanyang paglalakbay. Dinalaw ni Gilgamesh ang kanyang ina na diyosang si Ninsun na naghahanap ng suporta at proteksiyon ng diyos na araw na si Shamash para sa kanilang paglalakbay. Inampon ni Ninsun si Enkidu bilang kanyang anak at si Gilgamesh ay nag-iwan ng mga instruksiyon para sa pamamahala ng lungsod ng DUruk sa kanyang kawalan.

Tabletang apat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sina Gilgamesh at Enkidu ay naglakbay tungo sa Kagubatang Cedar ng Lebanon. Sa bawat ilang mga araw, sila ay nagkakampo sa isang bundok at nagsasagawa ng isang ritwal ng panaginip. Si Gilgamesh ay nagkaroon ng limang mga nakakatakot na panaginip tungkol sa pagkahulog sa mga bundok, mga kulog, mga mababangis na toro at isang ibong kidlat na humihinga ng apoy. Sa kabila ng mga pagkakatulad sa pagitan ng mga pigura sa kanyang panaginip at sa mas naunang mga deskripsiyon ni Humbaba, binigyang kahulugan ni Enkidu ang mga panaginip na ito bilang mga mabubuting omen at itinanggi na ang nakakatakot na mga larawan ay kumakatawan sa bantay ng kagubatan. Habang sila ay papalapit sa bundok Cedar, kanilang narinig si Humbaba na sumisigaw at kinailangang hikayatin ang bawat isa na huwag matakot.

Tabletang lima

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga bayani ay pumasok sa Kagubatang Cedar. Si Humbaba na bantay-ogre ng Kagubatan Cedar ay uminsulto at nagbanta sa kanila. Inakusahan niya si Enkidu ng pagtatraydor at nangakong aalisan ng lamang loob at ipapakain ang kanyang laman sa mga ibon. Natakot si Gilgamesh ngunit sa ilang nakakahikayat na mga salita ni Enkidu, ang labanan ay nagsimula. Ang mga kabundukan ay lumindol nang may kaguluhan at ang langit ay naging itim. Ang diyos na si Shamash ay nagpadala ng 13 mga hangin upang itali si Humbaba at siya ay nahuli. Ang halimaw ay nagsumamo para sa kanyang buhay at naawa si Gilgamesh sa kanya. Gayunpaman, si Enkidu ay nagalit at hiniling kay Gilgamesh na patayin ang halimaw. Sila ay parehong sinumpa ni Humbaba at pinatay siya ni Gilgamesh sa pamamagitan ng isang suntok sa leeg. Pinutol ng dalawang bayani ang maraming mga Cedar kabilang ang isang higanteng puno na pinaplano ni Enkidu na hugisin sa isang bakuran para sa templo ni Enlil. Sila ay gumawa ng isang balsa at naglayag pauwi sa kahabaan ng Euphrates kasama ng isang higanteng puno at ulo ni Humbaba.

Tabletang anim

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinakwil ni Gilgamesh ang mga pang-aakit ng diyosang si Ishtar dahil sa kanyang masamang pagtrato sa mga nakaraang mangingibig nito gaya ni Tammuz. Hiningi ni Ishtar sa kanyang ama na ipadala si Gugalana na toro ng Langit upang ipaghiganti siya. Nang itakwil ni Anu ang kanyang mga reklamo, nagbanta si Ishtar na bubuhayin ang mga patay na mas madami sa mga nabubuhay at lalamunin sila. Natakot si Anu at sumuko sa kanya. Dinala ni Uruk ang Toro ng langit tungo sa Uruk at ito ay nagsanhi ng malawakang pamiminsala. Ibinaba nito ang mga lebel ng Ilog Euphrates at pinatuyo ang mga basang lupain. Ito ay nagbukas ng malalaking mga hukay na lumamon ng 300 mga lalake. Nang walang anumang tulong ng diyos, inatake at pinaslang nina Enkidu at Gilgamesh ito at inalay ang puso nito kay Shamash. Nang tumangis si Ishtar, hinagis ni Enkidu ang isa sa mga ikaapat na likuran ng toro sa kanya. Ang siyudad ng Uruk ay nagdiwang ngunit si Enkidu ay nagkaroon ng panaginip na masama.

Tabletang pito

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa panaginip ni Enkidu, ang mga diyos ay nagpasya na ang isa sa mga bayani ay dapat mamatay dahil kanilang pinatay si Humbaba at ang Toro ng langit. Sa kabila ng mga pagpoprotesta ni Shamash, si Enkidu ay minarkahan para sa kamatayan. Sinumpa ni Enkidu ang dakilang pinto na kanyang hinugis para sa templo ni Enlil. Kanya ring sinumpa ang tagabitag at si Shamhat dahil sa pag-aalis sa kanya mula sa parang. Pinaalalahanan ni Shamash si Enkidu na si Gilgamesh ay magkakaloob ng mga dakilang parangal sa kanya sa kanyang puneral at gagala sa parang na nalamon ng lungkot. Nalungkot si Enkidu sa kanyang mga sumpa at pinagpala si Shamhat. Gayunpaman, sa ikalawang panaginip, nakita niya ang kanyang sarili na nabihag sa daigdig ng mga patay ng isang nakakatakot na anghel ng kamatayan. Ang daigdig ng mga patay ay isang bahay ng alikabok at kadiliman na ang mga naninirahan dito ay kumakain ng putik at nadadamitan ng mga balahibo ng ibon at pinangangasiwaan ng mga nakakatakot na nilalang. Sa loob ng 12 araw, ang kondisyon ni Enkidu ay lumala. Sa huli, pagkatapos managhoy na hindi niya matatagpo ang isang kamatayang pang bayani sa labanan, siya ay namatay.

Tabletang walo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Gilgamesh ay naghatid ng isang panaghoy para kay Enkidu kung saan ay tumawag siya sa mga kabundukan, mga kagubatan, mga parang, mga ilog, mga mababangis na hayop at sa lahat ng Uruk upang magdalamhati para sa kanyang kaibigan. Sa pag-alala sa kanilang magkasamang paglalakbay, hinatak ni Gilgamesh ang kanyang buhok at nagdamit sa pagdadalamhati. Siya ay nagkomisyon ng isang estatwang puneraryo at nagbigay ng mga regalo sa libingan mula sa kanyang lalagyan ng kayamanan upang masiguro na si Enkidu ay may isang kanais nais na pagtanggap sa sakop ng mga namatay. Ang isang malaking piging ay idinaos kung saan ang mga kayamanan ay inalay sa mga diyos ng daigdig ng mga patay. Bago ang patid sa teksto, may mungkahi na ang ilog ay sinumpa na nagpapakita ng isang paglilibing sa isang kama ng ilog gaya ng sa tumutugong tulang Sumeryo na Ang Kamatayan ni Gilgamesh.

Tabletang siyam

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang tabletang siyam ay nagbubukas kay Gilgamesh na gumagala sa parang na nadadamitan ng mga balat ng hayop at nagdadalamhati kay Enkidu. Sa takot sa kanyang sariling kamatayan, nagpasya siyang hanapin si Utnapishtim at alamin ang sikreto ng walang hanggang buhay. Kabilang sa mga ilang nakaligtas sa Malaking Baha, si Utnapishtim at ang kanyang asawa ang tanging mga tao na binigyan ng walang buhay ng mga diyos. Si Gilgamesh ay tumawid sa daaanang bundok sa gabi at naengkwentro ang isang mapagmataas na mga leon. Bago matulog, siya ay nanalangin para sa proteksiyon sa diyos na buwan na si Sin. Pagkatapos, sa pagkakagising mula sa isang nakakahikayat na panaginip, kanyang pinatay ang mga leon at ginamit ang mga balat nito para pandamit. Pagkatapos ng isang mahaba at mapanganib na paglalakbay, siya ay dumating sa mga kambal na tuktok ng Bundok Mashu sa wakas ng daigdig. Kanyang nakita ang isang lagusan na walang tao ang kailanman pumasok na binabantayan ng dalawang mga nakatatakot na taong-alakdan. Sa kompletong kadiliman, kanyang sinundan ang kalsada para sa 12 mga dobleng oras at nagawang makompleto ang paglalakbay bago siya maabutan ng araw. Siya ay dumating sa Hardin ng mga diyos na isang paraisong puno ng mga punong nahihiyasan.

Tabletang sampu

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pakikipagtagpo sa ale na asawang si Siduri na nagpalagay na dahil sa kanyang magulong hitsura na siya ay isang mamamatay tao, sinabi ni Gilgamesh ang layunin ng kanyang paglalakbay. Tinangka niyang pigilan siya sa kanyang paghahanap ngunit ipinadala niya siya kay Urshanabi na tutulong sa kanyang tumawid sa dagat tungo kay Utnapishtim. Sa bastang galit ni Gilgamesh ay kanyang winasak ang mga higanteng bato na nabubuhay kasama ni Urshanabi. Kanyang sinabi sa kanya ang kanyang kuwento ngunit nang kanyang hingan ng tulong ipinagbigay alam sa kanya ni Urshanabi na kawawasak lamang niya ng mga tanging nilalang na maaaring tumawid sa mga Katubigan ng Kamatayan na nakamamatay sa paghipo. Itinuro ni Urshanabi kay Gilgamesh na putulin ang 300 mga puno at hugisin ang mga ito sa mga polong bangka. Nang kanilang maabot ang isla kung saan nakatira si Utnapishtim, isinaad ni Gilgamesh ang kanyang kuwento na humihingi ng kanyang tulong. Sinuwat siya ni Utnapishtim na naghahayag na ang pakikipaglaban sa karaniwang kapalaran ng mga tao ay walang kabuluhan at nagbabawas ng mga kagalakan ng buhay.

Tabletang labingisa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Napagmasdan ni Gilgamesh na si Utnapishtim ay tila hindi iba sa kanyang sarili at itinanong sa kanya kung paano makakamit ang walang hanggang buhay. Ipinaliwanag ni Utnapishtim na ang mga diyos ay nagpasya na magpadla ng isang malaking baha. Upang iligtas si Utnapishtim, ang diyos na si Ea ay nagsabi sa kanyang magtayo ng isang bangka. Kanyang binigyan siya ng mga tiyak na dimensiyon at ito ay sinarhan ng mga pitch at bitumen. Ang kanyang buong pamilya ay sumakay kasama ng kanyang mga sanay na lalake at "lahat ng mga hayop ng parang". Ang isang marahas na bagyo ay lumitaw na nagsanhi sa mga takot na diyos na umurong sa mga langit. Nagdalamhati si Ishtar sa malawak na pagkawasak ng sangkatauhan at ang ibang mga Diyos ay tumangis sa tabi niya. Ang bagyo ay tumagal ng anim na araw at gabi kung saan pagkatapos ay ang "lahat ng mga tao ay naging putik". Si Utnapishtim ay tumangis nang kanyang makita ang pagkawasak. Ang kanyang bangka ay lumapag sa isang bundok at nagpalipad ng isang kalapati, isang layang-layang at isang uwak. Nang mabigo ang mga uwak na bumalik, kanyang binuksan ang kanyang arko at pinalaya ang mga nakatira dito. Si Utnapishtim ay naghandog sa mga Diyos na naamoy ang matamis na amoy nito at nagtipon. Itinaas at nangako si Ishtar na kanyang hindi kalilimutan ang mga makikinang na kwintas na nakabitin sa kanyang leeg at kanyang aalalahanin ang panahong ito. Nang dumating si Enlil na galit na may mga nakaligtas, kanyang kinondena siya sa pagpukaw ng baha. Kinastigo rin ni Ea siya sa pagpapadala ng hindi pantay na parusa. Pinagpala ni Enlil si Utnapishtim at ang kanyang asawa at biniyayaan sila ng walang hanggang buhay. Ang salaysay na ito ay tumutugma sa kuwento ng baha na nagtatapos ng Epiko ni Atra-hasis. Hinamon ni Utnapishtim si Gilgamesh na manatiling gising sa loob ng anim na araw at pitong gabi. Nakatulog si Gilgamesh at inutusan ni Utnapishtim ang kanyang asawa na maghurno ng tinapay sa bawat mga araw na siya ay tulog upang hindi niya maitanggi ang kanyang kabiguan na manatiling gising. Si Gilgamesh na naghahangad na matalo ang kamatayan ay hindi malabanan kahit ang pagtulog. Pagkatapos utusan ni Urshanabi na hugasan si Gilgamesh at damitan siya sa mga damit ng hari, sila ay bumalik sa Uruk. Habang sila ay lumilisan, ang asawa ni Utnapishtim ay humiling sa kanyang asawa na mag-alok ng regalong paglisan. Sinabi ni Utnapishtim kay Gilgamesh na sa ilalim ng dagat ay may nakatirang isang tulad ng boxthorn na halaman na magpapabatang muli sa kanya. Sa pagtatali ng mga bato sa kanyang mga paa upang makalakad sa ilalim, ay nagawa ni Gilgamesh na makuha ang halaman. Kanyang nilayong subukin ito bilang isang matandang tao kapag nakabalik siya sa Uruk. Sa kasawiang palad, nang huminto si Gilgamesh upang maligo, ito ay ninakaw ng isang ahas na naglaglag ng balat nito habang lumilisan. Si Gilgamesh ay tumangis sa kawalang kabuluhan ng kanyang mga pagsisikap dahil ngayon ay nawalan na siya ng lahat ng mga pagkakataon sa walang hanggang buhay. Siya ay bumalik sa Uruk kung saan sa pagkakita sa malalaking mga pader nito ay nagtulak sa kanya na purihin ang matagal na gawang ito kay Urshanabi.

Tabletang labingdalawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang tabletang ito ay pangunahing isang saling Acadiano ng mas naunang tulang Sumerian na Gilgamesh at daigdig ng mga patay bagaman iminungkahi na ito ay hinango mula sa hindi alam na bersiyon ng kuwentong ito. Ang mga nilalaman ng huling tabletang ito ay hindi umaayon sa mga nakaraang tableta: si Enkidu ay buhay pa rin sa kabila ng pagpatay ng mas maaga sa epiko. Dahil dito, at kawalan ng pagsasama sa ibang mga tableta at dahil ito sa katotohanang ito ay halos isang kopya ng mas naunang bersiyon, ito ay tinutukoy na isang 'inorganic appendage' sa epiko.[2] Sa alternatibo, iminungkahi na ang layunin ay upang ipaliwanag kay Gilgamesh at sa mga mambabasa ang iba't ibang mga kapalaran ng mga namatay sa kabilang buhay at isang pagtatangka na magbigay ng pagsasara [3]. Ito ay parehong nag-uugnay ng Gilgamesh ng epiko sa Gilgamesh na hari ng daigdig ng mga namatay [4] at isang dramatikong kulminasyon kung saan ang labindalawang tabletang epiko ay nagwawakas sa isa at parehong tema na ng pagkikita (pag-unawa, pagtuklas etc) kung saan ito nagsimula.[5]

Si Gilgamesh ay nagreklamo kay Enkidu na ang kanyang iba ibang mga pag-aari (ang tableta ay hindi maliwanag, ang iba ibang salin ay nagsasama ng isang tambol at bola) ay nahulog sa daigdig ng mga patay. Nag-alok si Enkidu na muling ibabalik ang mga ito. Sa pagkagalak, sinabi ni Gilgamesh kay Enkidu kung ano ang kanyang dapat at hindi dapat gawin sa daigdig ng mga patay kung siya ay babalik. Ginawa ni Enkidu ang lahat na sinabi sa kanyang huwag gawain. Pinanatili siya ng ilalim na daigdig. Si Gilgamesh ay nanalangin sa mga diyos na ibalik ang kanyang kaibigan. Sina Enlil at Suen ay hindi tumugon ngunit sina Ea at Shamash ay nagpasyang tumulong. Si Shamash ay gumawa ng isang biyak sa daigdig at ang multo ni Enkidu ay lumandog mula dito. Ang tableta ay nagwawakas kay Gilgamesh na nagtatanong kay Enkidu ng tungkol sa kanyang nakita sa daigdig ng mga patay.

Si Gilgamesh at ang punong Huluppu

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isinalin ni Samuel Noah Kramer (1932, inilimbag 1938)[6] ang isang Tabletang XII na pinetsahan noong 600 BK na isang saling Akkadiano ng tulang Sumeryo na "Bilgamesh (Sumeryo ng Gilgamesh) at ang mundong ilalim" na may petsang ca. 2000 BK. Ang ikalawang kalahati nito ay idinagdag sa Tabletang XII ng Epiko ni Gilgamesh.

Ayon sa tabletang ito, ang langit at lupa ay hiniwalay at ang mga tao ay nilikha. Pinili nina Anu at Enlil ang langit at lupa para kanilang tirhan. Si Ereshkigal ay binigyan ng mundong ilalim at si Enki ay tumungo sa isang kalalimang matubig sa ilalim ng mundo. Ang isang puno (tree) ay itinanim sa isang pampang ng Ilog Euphrates na hinipan ng hangin at tinangay sa ilog. Nakita ni Inanna na Reyna ng Kalangitan ang puno at inuwi ito sa kanyang "banal na hardin" at itinanim at inalagaan na umaasang mula dito ay makakagawa siya ng isang kama at trono. Nang ang puno ay lumago, si Inanna ay napigilan sa paggamit ng puno dahil ang ahas ay tumira sa ugat ng puno, ang isang ibong ay gumawa ng isang pugad sa tuktok ng puno at ang isang ki-sikil-lil-la-ke na isinalin bilang Lilith ay gumawa ng bahay sa gitna ng puno. Pumasok si Gilgamesh sa hardin ni Inanna at pinatay ang ahas ng kanyang palakol na sumindak sa ibon at ki-sikil-lil-la-ke. Kinalag ni Gilgamesh ang mga ugat ng puno at pinutol ito ng kanyang mga kasama. Mula sa sanga ng puno ay gumawa si Gilgamesh ng kama at trono para kay Inanna. Gumawa si Inanna ng dalawang bagay mula sa puno, ang pukku mula sa mga ugat nito at mikku mula sa korona at ibinigay niya ito ay kay Gilgamesh na hari ng Uruk. Isang araw, ang mga regalong ito ay nahulog sa mundong ilalim at si Gilgamesh ay nabagabag na hindi niya ito makukuha mula dito. Ang kasama ni Gilgamesh na si Enkidu ay sumagip sa mga ito ngunit napigilang makabalik sa mundo ng mga nabubuhay. Si Gilgamesh ay tumangis at mag-isang tumungo sa Ekur upang magsumamo sa templo ni Enlil ngunit si Enlil ay hindi namagitan para sa kanya. Pagkatapos ay tumungo siya sa Ur upang magsumamo kay Sin ngunit si Sin ay hindi rin namagitan para sa kanya. Pagkatapos ay tumungo siya sa Eridu upang magsumamo kay Ea. Si Ea ay namagitan at nagsumamo kay Nergal upang buksan ang mundo upang lumabas ang espirito ni Eridu mula sa mundong ilalim. Si Nergal ay nakinig at binuksan ang mundo at ang espirito ni Enkidu ay nag-ulat kay Gilgamesh kung ano ang karanasan ng kabilang buhay.

Impluwensiya sa Bibliya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Epiko ni Gilgamesh ay posibleng nag-uugat mula 3,700 taong nakakalipas. Ang unang bersiyong Lumang Babilonyong Epiko ni Gilgamesh ay isinulat noong ca. 1800 BK at mas naunang isinulat sa Tanakh ng Bibliya. Ang mga pagkakatugma sa Epiko ni Gilgamesh at Aklat ng Genesis ay matagal nang nakilala ng mga skolar.[7] Ang kuwento ng Arko ni Noe ay inaayunan ng mga skolar na hinango mula sa Epiko ni Gilgamesh.[8][9]

Epiko ni Gilgamesh Aklat ng Genesis
Si Enkidu ay binuo mula sa putik ng lupa ng diyosa ng paglikha na si Aruru. Si Enkidu ay kasama ng mga hayop. Si Enkidu ay tinukso ng babaeng si Shamhat Si Adan ay binuo mula sa alikabok ng lupa (Genesis 2:7). Si Adan ay kasama ng mga hayop. Si Adan ay tinukso ng babaeng si Eba
Pagkatapos makipagtalik ni Enkidu kay Shamhat, ang mga hayop ay hindi na tumutugon kay Enkidu gaya ng nakaraan. Inihayag ni Shamhat na si Enkidu ay naging tulad ng isang diyos.[10] Tinuruan ni Shamhat si Enkidu kung paano manamit at kumain.[11] Sinabi ng ahas kay Adan at Eba na sila ay magiging tulad ng diyos kung kakainin nila ang bunga ng Puno ng Kaalaman. Nang kainin nila ang bunga, kanilang nalaman na sila ay hubad at nagtago sa kahihiyan. Si Yahweh ay gumawa ng mga damit para sa kanila. (Genesis 3:5-8)
Ang lahat ng mga nabubuhay na nilalang na aking isinakay dito, Ang lahat ng aking kakilala at mga kamag-anak ay pinapunta sa bangka, ang lahat ng mga hayop ng parang… (Tabletang XI) Pumasok noon sa barko si Noe at ang kanyang asawa, kasama ang kanilang tatlong anak na lalaki na sina Shem, Ham at Jafet at ang kani-kanilang asawa. Pinapasok din niya ang bawat uri ng hayop---mailap at maamo, lumalakad at gumagapang sa lupa, at bawat uri ng ibon. (Genesis 7:13-14)
Ako ay nagpadala ng isang kalapati at pinalipad siya. Ang kalapati ay lumipad pabalik balik ngunit dahil walang pahingahang lugar para sa kanya, siya ay bumalik. At pagkatapos ay nagpadala ako ng layang layang at pinalipad siya. Ang layang layang ay lumipad pabalik balik ngunit dahil walang pahingahang lugar sa kanya, siya ay bumalik. Pagkatapos ay nagpadala ako ng isang uwak at pinalipad siya. Ang uwak ay ay lumipad papalayo at nakita ang pagbawas ng mga tubig. Siya ay lumapag upang kumain, lumipad papalayo at hindi na bumalik. (Tabletang XI) Pagkalipas ng apatnapung araw, binuksan ni Noe ang bintana ng barko na kanyang ginawa. Pinalipad niya ang isang uwak at ito'y nagpabalik-balik hanggang matuyo ang tubig sa lupa. Pagkatapos nito, pinalipad naman niya ang isang kalapati upang tingnan kung wala nang tubig. Palibhasa'y laganap pa ang tubig, hindi makalapag ang kalapati, kaya't nagbalik ito at muling ipinasok ni Noe sa barko.Pitong araw pang naghintay si Noe, at pagkatapos ay muli niyang pinalipad ang kalapati. Pagbalik nito kinagabihan, ito'y may tangay nang sariwang dahon ng olibo. Kaya't natiyak ni Noe na kati na ang tubig.Nagpalipas ng pitong araw si Noe saka pinalipad muli ang kalapati. Hindi na ito nagbalik. (Genesis 8:6-12)
Sa Bundok Nisir (Pir Magrun sa Iraq), ang bangka ay dumaong. Sa Bundok Nisir, ang bangka ay mabilis na nanatili at hindi lumayo...At pagkatapos ay pinalabas ko ang lahat sa mga apat na hangin at ako ay naghandog ng isang handog. Ako ay naghandog ng isang insenso sa harap ng bundok ziggurat...Naamoy ng mga diyos ang matamis ng amoy... Si Ishtar ay dumating at itinaas ang kanyang kwintas ng mga dakilang hiyas (bahaghari) bilang pag-ala ala sa dakilang baha. (Tabletang XI) Sumadsad ang barko sa Bundok ng Ararat noong ikalabimpitong araw ng ikapitong buwan. (Genesis 8:4) Si Noe ay nagtayo ng altar para kay Yahweh. Kumuha siya ng isa sa bawat malinis na hayop at ibon, at sinunog bilang handog. Nang maamoy ni Yahweh ang mabangong samyo nito... (Genesis 8:20-21) Sinabi pa ng Diyos, "Ito ang magiging palatandaan ng walang hanggang tipan na ginagawa ko sa inyo at sa lahat ng hayop: Palilitawin ko sa mga ulap ang aking bahaghari, at iyan ang magiging tanda ng aking pakikipagtipan sa inyo. Tuwing magkakaroon ng ulap at lilitaw ang bahaghari, aalalahanin ko ang aking pangako sa inyo at sa lahat ng hayop. Hindi ko na lilipulin sa baha ang lahat ng may buhay. (Genesis 9:13-15)
Sa paghahangad ni Gilgamesh ng imortalidad (walang hanggang buhay), siya ay sinabihang may umiiral na halaman sa ilalim ng dagat na may katangiang magpabatang muli sa mga matanda. Si Gilgamesh ay sumisid sa dagat at inakyat ang halaman. Gayunpaman, ang halaman ay ninakaw habang siya ay naliligo. Ang magnanakaw na nagnakaw ng halaman ng walang hanggang kabataan (everlasting youth) mula sa kanya ay walang iba kundi ang ahas.[12] Sinabi ni Yahweh kina Adan at Eba na huwag kumain ng bunga mula sa Puno ng Kaalaman na nagsasabing sila ay mamamatay kung gagawin nila ito. Hinikayat ng ahas sina Adan at Eba na kainin ang bunga na nagsasabing hindi sila mamamatay at magiging tulad ng diyos na nakakaalam ng mabuti at masama.[Genesis 3:2-5] Pagkatapos, sinabi ni Yahweh, "Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Baka pumitas siya at kumain ng bungangkahoy na nagbibigay-buhay at hindi na siya mamatay." (Genesis 3:22)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Stephanie Dalley (ed.). Myths from Mesopotamia: Creation, the Flood, Gilgamesh, and Others. Oxford University Press. ISBN 978-0-19-953836-2.
  2. Maier, John R. (1997). Gligamesh: A reader. Bolchazy-Carducci Publishers. p. 136. ISBN 978-0-86516-339-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Patton, Laurie L.; Wendy Doniger (1996). Myth and Method. University of Virginia Press. p. 306. ISBN 978-0-8139-1657-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Kovacs, Maureen (1989). The Epic of Gilgamesh. University of Stanford Press. p. 117. ISBN 978-0-8047-1711-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. A. Drafkorn Kilmer (1982). G. van Driel; atbp. (mga pat.). Zikir Šumim: Assyriological Studies Presented to F.R. Kraus on the Occasion of His Seventieth Birthday. p. 131. ISBN 90-6258-126-9. {{cite book}}: Explicit use of et al. in: |editor= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Kramer, S. N. Gilgamesh and the Huluppu-Tree: A Reconstructed Sumerian Text. Assyriological Studies 10. Chicago. 1938
  7. Gmirkin, Russell, "Berossus and Genesis, Manetho and Exodus.., Continuum, 2006, p. 103. See also Blenkinsopp, Joseph, "Treasures old and new.." Eerdmans, 2004, pp. 93–95.
  8. A. R. George (2003). The Babylonian Gilgamesh Epic: Introduction, Critical Edition and Cuneiform Texts. Oxford University Press. pp. 70–. ISBN 978-0-19-927841-1. Nakuha noong 8 Nobyembre 2012.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Rendsburg, Gary. "The Biblical flood story in the light of the Gilgamesh flood account," in Gilgamesh and the world of Assyria, eds Azize, J & Weeks, N. Peters, 2007, p. 117
  10. http://www.ancienttexts.org/library/mesopotamian/gilgamesh/tab1.htm
  11. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-10-10. Nakuha noong 2013-09-15.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. http://www.ancienttexts.org/library/mesopotamian/gilgamesh/tab11.htm