Fernando Zóbel de Ayala y Montojo
Fernando Zóbel Montojo de Torróntegui | |
---|---|
Nasyonalidad | Pilipino Kastila |
Edukasyon | Paaralan ng Disenyo ng Rhode Island |
Kilala sa | Pagpipinta |
Kilusan | Modernism Espresyonismong Abstrakto |
Si Fernando Zóbel de Zangróniz Arrieta - Róxas de Ayala y Montojo de Torróntegui (27 Agosto 1924 – 2 Hunyo 1984), na nakikilala rin bilang Fernando M. Zóbel de Ayala, ay isang Mga Pilipino na mayroong ninunong mga Kastila na tagapagpinta ng mga larawang abstrakto at alaga ng modernismo, na isa ring negosyante at patron ng sining.
Kaagahan ng buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Fernando Zóbel sa Ermita, Maynila sa Pilipinas sa mag-anak ng mga Zobel, mga imigranteng Hudyo mula sa Alemanya na nanatili na sa Pilipinas. Siya ang anak na lalaki ni Enrique Zobel (1877–1943) at Fermina Montojo y Torrontegui, at isa siyang kasapi ng nakikilalang mag-anak ng mga Ayala.
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nag-aral si Zobel ng araling pangmedisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Pagdaka, nagkaroon ng kakulangang panggulugod si Zobel na pumuwersa sa kaniyang maging nakaratay sa higaan noong taong iyon. Upang mapalipas ang oras, nagbanghay-banghay ng mga guhit si Zobel ng anumang bagay na mahuhuli ng kaniyang paningin. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Santo Tomas at nagpunta sa Pamantasan ng Harvard noong 1946 upang makakuha ng degri sa kasaysayan at panitikan.
Huling bahagi ng buhay at kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkaraan ng dalawa niyang seryeng pangsining, nagsimulang magpinta si Zobel ng mga tanawin habang nasa ilog ng Júcar. Sa panghuling mga taon ng kaniyang buhay, nilikha ni Zobel ang Museo de Arte Abstracto Español (Museo ng Kastilang Sining na Abstrakto) sa Casa Colgadas sa bayan ng Cuenca, Espanya noong 1963. Naging isang tutor si Zobel at tumulong sa mga karera ng mga magpipintang Kastila, na ang ilan ay sina Antonio Lorenzo, Eusebio Sempere, Martín Chirino López, Antonio Saura at maraming pang iba. Hanggang sa pagsapit ng kaniyang kamatayan, gumagawa si Zobel na may kaugnayan isang seryeng tinawag na "Dialogos" (Mga Diyalogo) na mga pagtugon sa mga maestro ng sining na nakita niya sa mga museo sa palibot ng Europa. Noong 1983, pinatawan siya ni Haring Juan Carlos ng Espanya ng Medalla de Oro al Mérito en las Bellas Artes (Medalyang Ginto para sa mga Nagawa sa Magandang Sining). Namatay si Zobel dahil sa atake sa puso habang nasa Roma, Italya noong 2 Hunyo 1984.
Noong 2003, isang naglalakbay na eksibit na bumabalik-tanaw at nagpaparangal kay Zobel ang ginanap sa Cuenca at Seville, Espanya.[1] Noong 21 Mayo 2006, binigyan siya ng parangal ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Gloria Macapagal-Arroyo sa pamamagitan ng isang Presidential Medal of Merit dahil sa kaniyang mga naiambag sa sining noong habang nabubuhay pa.[2] Noong 24 Mayo 2008, ang isang akdang-sining ni Zobel na pinamagatang "Noche Clara" ay naipagbili sa Christie's ng Hong Kong sa halagang PHP 6,000,000, na nakagawa rito na maging pinaka mahal (may mataas na halaga) na akdang-sining mula sa Pilipinas.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Madrid museum pays tribute to Fernando Zobel". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Oktubre 2008. Nakuha noong 27 Agosto 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "6 Outstanding Artists conferred Presidential Medal of merit award". Office of the President. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Hulyo 2010. Nakuha noong 27 Agosto 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Zobel's 'Noche Clara' goes for P6M at Christie's". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Mayo 2021. Nakuha noong 27 Agosto 2010.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)