Harapang patinig
Harapang patinig (Ingles: front vowel) ang mga patinig na sinasalita sa pamamagitan ng pagpuwesto ng pinakamataas na bahagi ng dila sa harapang bahagi ng bibig nang hindi gumagawa ng pag-ipit katulad ng sa mga katinig.[1] Kilala rin ang mga harapang patinig bilang mga malilinaw na patinig (Ingles: bright vowel) dahil sa pagiging mas "malinaw" ng mga patinig na ito (kung papakinggan) kesa sa mga likurang patinig.[2] Sa wikang Tagalog, [i] (hal. ilog) at [e] (hal. mesa) ang mga harapang patinig.[3]
PPA: Mga patinig | ||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| ||||||||||||||||||||||||||||||||
Ayos ng patinig: di-bilog • bilog |
Isang uri ng mga harapang patinig ang mga halos harapang patinig (Ingles: near-front vowel). Walang wika sa mundo ang gumagawa ng isang malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng mga harapan at halos harapang patinig.
Artikulasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa artikulasyon, nakaharap na patinig (Ingles: fronted vowel) ang mga patinig na nabubuo sa pamamagitan ng pagpuwesto ng dila paharap mula sa orihinal na puwesto nito, kumpara sa mga nakaangat at nakaurong na patinig. Sa ganitong pananaw, mas malawak ang saklaw ng mga nakaharap na patinig kesa sa tipikal na mga kinokonsiderang mga harapang patinig. Natutukoy ang taas ng nakaharap na patinig sa pamamagitan ng paggalaw ng panga, hindi sa dila. Bukod rito, posible ring maiharap ang patinig ng ilang mga katinig. [4]
Listahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakalista sa baba ang mga harapang patinig na may kaakibat na simbolo sa Pandaigdigang Ponetikong Alpabeto (PPA).
- nakasarang harapang di-bilog na patinig [i]
- nakasarang harapang nakapisil na patinig [y]
- halos nakasarang harapang di-bilog na patinig [ɪ]
- hlos nakasarang harapang nakapisil na patinig [ʏ]
- nakasarang gitnang harapang di-bilog na patinig [e]
- nakasarang gitnang harapang nakapisil na patinig [ø]
- nakabukang gitnang harapang di-bilog na patinig [ɛ]
- nakabukang gitnang harapang nakapisil na patinig [œ]
- halos nakabukang harapang di-bilog na patinig [æ]
- nakabukang gitnang di-bilog na patinig [a]
- nakabukang harapang bilog na patinig [ɶ]
Nasa baba naman ang iba pang mga harapang patinig na walang kaakibat na simbolo sa PPA.
- nakasarang harapang nakaumbok na patinig [yʷ]
- halos nakasarang harapang nakaumbok na patinig [ʏʷ]
- nakasarang gitnang harapang nakaumbok na patinig [øʷ]
- gitnang harapang di-bilog na patinig [e̞] o [ɛ̝]
- gitnang harapang nakapisil na patinig [ø̞] o [œ̝]
- gitnang harapang nakaumbok na patinig [ø̞ʷ] o [œ̝ʷ]
- nakabukang gitnang harapang nakaumbok na patinig [œʷ]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "front vowel" [harapang patinig]. Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Abril 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tsur, Reuven (Pebrero 1992). The Poetic Mode of Speech Perception [Ang Malatulang Moda ng Persepyon ng Pagsasalita] (sa wikang Ingles). Duke University Press. p. 20. ISBN 0-8223-1170-4 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Llamzon, Teodoro A. (Enero 1966). "Tagalog phonology" [Ponolohiyang Tagalog]. Anthropological Linguistics (sa wikang Ingles). 8 (1): 30–31. Nakuha noong 21 Abril 2023.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Moisik, Scott; Czaykowska-Higgins, Ewa; Esling, John H. (2012). "The Epilaryngeal Articulator: A New Conceptual Tool for Understanding Lingual-Laryngeal Contrasts" [Ang Artikulator na Epilaryngeal: Isang Bagong Kagamitang Konsepto para sa Pag-unawa sa mga Pagkakaibang Lingual-Laryngeal] (PDF) (sa wikang Ingles).
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)