Pumunta sa nilalaman

Gawaing seksuwal ng tao

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Gawaing pampagtatalik ng tao)

Ang mga seksuwal na gawain ng tao o aktibidad na pangseks ng tao o ugaling seksuwal ng tao ay ang ugali o asal kung saan ang mga tao ay nakakaranas at nagpapahayag ng kanilang seksuwalidad. May pana-panahong nagsasagawa ang mga tao ng samu't saring mga gawaing seksuwal, at dahil sa malawak na sari-saring mga kadahilanan. Ang akdibidad na seksuwal ay normal na nagreresulta sa kaantigang seksuwal at mga pagbabagong pampisyolohiya sa nalibugang tao, ang ilan ay hayag at lantad habang ang iba naman ay mas banayad. Kasama rin sa gawaing seksuwal ang kilos at mga aktibidad na sinasadya upang makahimok ng pagpansin seksuwal ng iba, katulad ng mga estratehiya upang makahanap at makaakit ng mga kapareha (panliligaw) o paghahanap ng kapareha, at ugali ng pagpapakita ng motibo, at interaksiyong personal sa pagitan ng mga indibidwal, katulad ng pagkerengkeng (flirting) at paglalaro bago magtalik.

Ang aktibidad na seksuwal ng tao ay mga aspetong sikolohikal, biyolohikal, pisikal, at emosyonal. Sa pambiyolohiya, tumutukoy ito sa mekanismong reproduktibo pati na sa payak na ganang biyolohikal na umiiral sa lahat ng mga espesye at maaaring sumaklaw ng interkursong seksuwal at pagduduop na seksuwal sa lahat ng mga kaanyuhan nito. Ang mga aspetong emosyonal ay tumutuon sa matinding kabuklurang personal at mga damdamin o emosyong nalilikha sa pagitan ng mga magkatambalang seksuwal sa pamamagitan ng isang gawaing seksuwal. Ang mga paksa o isyung pisikal sa paligid ng seksuwalidad ay sumasaklaw mula sa purong medikal na kunsiderasyon hanggang sa mga alintana o pakundangan hinggil sa pisyolohikal o kahit na sikolohikal at sosyolohikal na mga aspeto ng pag-aasal na seksuwal.

Sa ilang mga kultura, ang mga gawaing seksuwal ay itinuturing na katanggap-tanggap sa loob lamang nga kasal, bagaman pangkaraniwan din ang premarital at ekstramarital na pakikipagtalik. Ang ilang mga aktibidad na seksuwal ay ilegal sa buong mundo o sa ilang mga bansa, at ang ilan ay itinuturing na laban sa mga norma o gawi ng isang lipunan. Bilang halimbawa, ang seksuwal na gawain na kaugnay ang isang taong mababa ang edad kaysa edad ng pagpayag at pananakit na seksuwal ay pangkalahatang mga kasalanang kriminal sa maraming mga hurisdiksiyon.


TaoSeksuwalidad Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.