Pumunta sa nilalaman

Glasyolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Glaciology)

Ang glasyolohiya (Ingles: glaciology, mula sa Panggitnang Pranses na diyalekto o Pranko-Probensal na glace, "iyelo"; o Latin: glacies, "pag-iiyelo, pagniniyebe, iyelo"; at Griyegong λόγος, logos, "pananalita", literal na "pag-aaral ng iyelo") ay ang pag-aaral ng mga glasyer, o sa mas pangkalahatang diwa, ng iyelo at kababalaghang likas na kasangkot ang iyelo. Isa itong interdisiplinaryong agham pandaigdig na nagsasama-sama ng heopisika, heolohiya, heograpiyang pisikal, heomorpolohiya, klimatolohiya, meteorolohiya, hidrolohiya, biyolohiya, at ekolohiya. Ang epekto ng mga glasyer sa mga tao ang nagdaragdag sa larangang ito ng mga larangan ng heograpiyang pantao at antrolopolohiya. Ang pagkakaroon ng iyelo sa Mars at sa buwang na ang pangalan ay Europa ang nagdadala sa larangang ito ng komponenteng ekstraterestriyal o pangkalawakan.

Heograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.