Pumunta sa nilalaman

Grimace Shake

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Grimace Shake
UriMilkshake
May-ariMcDonald's
Ipinakilala12 Hunyo 2023 (2023-06-12)
Itinigil9 Hulyo 2023 (2023-07-09)

Ang Grimace Shake ay isang milkshake na may lasang berry na binenta ng McDonald's sa Estados Unidos noong Hunyo 12 hanggang Hulyo 9, 2023. Diniriwang ang Grimace Shake ang ikalimampu’t isang kaarawan ni Grimace, isang karakter sa McDonaldland.

Sumikat ito sa TikTok at YouTube dahil sa #GrimaceShake trend, na kung saan may mga tao na itinala ang sarili na iniinom ang shake sa isang bidyo at nagpapakita sa mga kakaiba o nakakatakot na lokasyon. Sinabi ng McDonald's na ay hindi sila gumawa ng trend, ngunit tumaas ang kanilang benta dahil sa maraming atensyon na tinanggap nila. Isang parte ng promosyon ng McDonald's ay bumayad sila ng pera sa Fandom para palitan ang Wiki page ni Grimace para sa isang promosyonal na patalastas, na nakagalit sa mga fans nito.

Deskripsyon ng produkto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Grimace Shake ay isang lilang milkshake na may lasa ng berry. Ito ay isang kombinasyon ng banilyang soft serve at lasa ng mga iba't ibang berry. Ang eksaktong sangkap o lasa ng produkto ay hindi pa pinapalabas ng kompanya. Pinalabas ang shake sa sarili o sa parte ng Grimace Birthday Meal, na may kasamang french fries, at isang Big Mac o sampung piraso ng Chicken McNuggets.[1]

Sa Hulyo 2023, inanunsyo ng McDonald's ang kalabasan ng bagong produkto sa pag-iiba ng profile picture sa TikTok, Twitter, at Instagram sa isang imahe ni Grimace na tumitingin sa Grimace Shake.[2] Para samahan ang kalabasan ng meal, gumawa ng isang laro katulad ng Game-Boy ang kompanya na may pangalang Grimace's Birthday na ginawa ng Krool Toys, at ibang paninda na inspirado kay Grimace. Bumayad ng pera ang McDonald's sa Fandom para palitan ang artikulo ni Grimace sa wiki ng McDonald's para sa isang promosyon ng paninda, na naging kontrobersyal.[2]

Isang TikTok trend na may hashtag na #GrimaceShake ay biglang lumabas pagkatapos ng kalabasan ng shake.[3] Sa mga bidyo, kinukunan nila ang sarili para ipagbati nila si Grimace ng maligayang bati habang iniinom ang shake. Humihinto ang bidyo at kinukunan naman sila sa kakaibang posisyon at sa kakaibang lugar, o natutuklasan na namatay na nabuhusan ng inumin.[4] Ang mga bidyo nito ay pinapakita bilang isang krimen kung saan ang shake ay kalat-kalat, pinapakita na si Grimace ay isang mamamatay tao na responsable sa kanilang pag-ibang anyo.[5] TikTok user @thefrazmaz (Austin Frazier) ay isinasaalang-alang bilang lumikha ng unang instansya ng trend. Ang trend ay galing sa isang similar na trend na ginagamit ang Whopper galing sa Burger King na pinalabas para sa promosyon ng Spider-Man: Across the Spider-Verse dahil sa kanilang pagkakatulad sa kakaibang kulay na makikita sa produktong ito.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gibson, Kelsie (Hunyo 30, 2023). "What Does the Grimace Milkshake Taste Like? All About the Viral McDonald's Drink". People (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 16, 2023. Nakuha noong Hulyo 16, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Kayembe, Astrid (Hulyo 12, 2023). "Why was the internet obsessed with McDonald's mascot Grimace — and his shake?". Los Angeles Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 17, 2023. Nakuha noong Marso 6, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Andrew, Scottie (Hunyo 28, 2023). "How the McDonald's Grimace shake became the stuff of nightmares on TikTok". CNN (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 27, 2023. Nakuha noong Hulyo 18, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Ritzen, Stacey (Hunyo 27, 2023). "McDonald's Grimace Shake Inspires Morbid, Hilarious TikTok Trend". Men's Journal (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 6, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Holtermann, Callie (Hunyo 29, 2023). "In a TikTok Trend, Grisly Scenes of Purple Milkshake Horror". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 1, 2023. Nakuha noong Hulyo 1, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Tolentino, Daysia (Hunyo 29, 2023). "McDonald's Grimace breaks his silence on TikTok trend". NBC News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 18, 2023. Nakuha noong Hulyo 18, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]