TikTok

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
TikTok (Douyin 抖音)
Tiktok logo text.svg
(Mga) DeveloperByteDance
Unang labasSetyembre 2016; 5 taon nakakaraan (2016-09).
Beijing, Tsina
Nailabas sa buong mundo pagkatapos ng pagsanib sa musical.ly noong 2 Agosto 2018
Stable release
15.5.0 / 31 Marso 2020
Operating systemiOS, Android
Size308.3 MB (iOS)[1]
55.21 MB (Android)[2]
Mayroon sa40 languages[3]
TipoPamamahagi ng bidyo
LisensiyaSoftware na propyetaryo kasama ang Takdang Gamit
Ranggo sa AlexaIncrease 320 (Pandaigdigan, Abril 2020)[4]
Websitetiktok.com
Douyin (TikTok)
Tsino 抖音
Kahulugang literal "yumayanig na tunog"

Ang TikTok (Tsino: 抖音; Dǒuyīn) ay isang Tsinong social networking service na nagbabahagi ng bidyo na pagmamay-ari ng ByteDance, isang kumpanyang nakabase sa Beijing na itinatag noong 2012 ni Zhang Yiming. Ginagamit ito upang makapaglikha ng maikling bidyo ng sayaw, lip-sync, komedya, at talento.[5] Nailunsad ang app noong 2017 para sa iOS at Android sa merkado sa labas ng Tsina. Unang nilabas ng ByteDance ang Douyin para sa merkado sa Tsina noong Setyembre 2016. Nagkaroon ito sa Estados Unidos pagkatapos ng pagsanib nito sa musical.ly noong 2 Agosto 2018. Magkatulad ang TikTok at Douyin sa bawat isa at magkapareho na app sa pangkalahatan, bagaman tumatakbo ang mga ito sa magkahiwalay na mga server upang umayon sa mga restriksyong sensura ng Tsina. Pinapahintulot ng aplikasyon ang mga gumagamit na lumikha ng maiikling bidyong musika at lip-sync na may 3 hanggang 15 segundo[6][7] at maiikling umuulit na bidyo na may 3 hanggang 60 segundo. Sikat ang app sa Asya, Estados Unidos, at ibang bahagi ng mundo.[8] Makukuha ang TikTok sa Tsina bilang Douyin; nakabase ang mga server nito sa mga bansa kung saan mayroon ang app.[9]

Pagkatapos umanib sa musical.ly noong Agosto, umakyat ang pag-download at ang TikTok ay naging ang pinakadina-download na app sa Estados Unidos noong Oktubre 2018, ang unang app mula sa Tsina na natamo ito.[10][11] Noong 2018, makukuha ang app sa 150 merkado at sa 75 wika. Noong Pebrero 2019, ang TikTok, kasama ang Douyin, ay natamo ang isang bilyong pag-download sa buong mundo, na hindi kabilang mga na-install sa Android sa Tsina.[12] Noong 2019, naideklera ang TikTok bilang ang ikapitong pinakadina-download na app ng dekada, mula 2010 hanggang 2019.[13] Naideklera din ito bilang ang numero unong pinakadina-download na app sa App Store noong 2018 at 2019.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "TikTok – Real Short Videos". App Store (sa Ingles). Tinago mula sa orihinal mula 8 Hunyo 2019. Kinuha noong 30 Abril 2019.
  2. "TikTok". Play Store (sa Ingles). Tinago mula sa orihinal mula 26 Hunyo 2019. Kinuha noong 15 December 2018.
  3. "TikTok - Make Your Day". iTunes. Tinago mula sa orihinal mula 3 May 2019. Kinuha noong 3 December 2019.
  4. "tiktok.com Competitive Analysis, Marketing Mix and Traffic - Alexa". alexa.com (sa Ingles). Tinago mula sa orihinal mula 4 Disyembre 2019. Kinuha noong 2020-04-16.
  5. Schwedel, Heather (2018-09-04). "A Guide to TikTok for Anyone Who Isn't a Teen". Slate Magazine (sa Ingles). Kinuha noong 2020-03-18.
  6. "Top 10 TikTok (Musical.ly) App Tips and Tricks". Guiding Tech (sa Ingles). 2 Oktubre 2018. Tinago mula sa orihinal mula 20 Nobyembre 2018. Kinuha noong 20 Nobyembre 2018.
  7. "TikTok – Apps on Google Play". play.google.com (sa Ingles). Tinago mula sa orihinal mula 3 Pebrero 2019. Kinuha noong 20 Nobyembre 2018.
  8. "TikTok is fast becoming the most popular app in the world". The Industry Observer (sa Ingles). 2018-11-04. Tinago mula sa orihinal mula 5 Oktubre 2019. Kinuha noong 2019-04-30.
  9. "Forget The Trade War. TikTok Is China's Most Important Export Right Now". Buzz Feed News (sa Ingles). 16 Mayo 2019. Tinago mula sa orihinal mula 24 Mayo 2019. Kinuha noong 24 Mayo 2019.
  10. "Tik Tok, a Global Music Video Platform and Social Network, Launches in Indonesia-PR Newswire APAC". en.prnasia.com (sa Ingles). Tinago mula sa orihinal mula 25 Setyembre 2017. Kinuha noong 5 Enero 2019.
  11. "How Douyin became China's top short-video App in 500 days – WalktheChat". WalktheChat (sa Ingles). 25 Pebrero 2018. Tinago mula sa orihinal mula 29 Marso 2019. Kinuha noong 15 Marso 2018.
  12. "TikTok Pte. Ltd". Sensortower (sa Ingles). Tinago mula sa orihinal mula 24 Mayo 2019. Kinuha noong 24 Mayo 2019.
  13. Rayome, Alison DeNisco. "Facebook was the most-downloaded app of the decade". CNET (sa Ingles). Tinago mula sa orihinal mula 18 Disyembre 2019. Kinuha noong 2019-12-18.