Hilagang Kapuluang Mariana
Hilagang Kapuluang Mariana Sankattan Siha Na Islas Mariånas Commonwealth Téél Falúw kka Efáng llól Marianas Northern Mariana Islands | |||
---|---|---|---|
insular area of the United States, political territorial entity, unincorporated territory of the United States, territory of the United States, Mankomunidad | |||
| |||
Bansag: none | |||
Mga koordinado: 16°42′18″N 145°46′48″E / 16.705°N 145.78°E | |||
Bansa | Estados Unidos ng Amerika | ||
Itinatag | 1898 | ||
Ipinangalan kay (sa) | Kapuluang Mariana | ||
Kabisera | Capitol Hill | ||
Bahagi | Talaan
| ||
Pamahalaan | |||
• Governor of the Northern Mariana Islands | Arnold Palacios | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 464.0 km2 (179.2 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2020, Senso)[1] | |||
• Kabuuan | 47,329 | ||
• Kapal | 100/km2 (260/milya kuwadrado) | ||
Kodigo ng ISO 3166 | US-MP | ||
Wika | Ingles, Wikang Tsamoro | ||
Websayt | http://gov.mp/ |
Ang Komonwelt ng Hilagang Kapuluang Mariana, na bahagi ng Marianas, ay isang pangkat ng mga pulo sa Karagatang Pasipiko na isang kahatiang pampolitika ng Estados Unidos. Ang kabisera nito ay ang Saipan. Isa itong komonwelt na mayroong unyong pampolitika sa Estados Unidos sa isang istratihikong puwesto sa may kanluran ng Karagatang Pasipiko.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Hilagang Kapuluang Mariana, na kasama ang Guam sa timog, ay ang bumubuo sa Kapuluang Mariana. Ang kapuluang pantimog ay batong-apog, na may bai-baitang na anyo ng mga patag at matataas na lupa at panggilid o lumalawit na mga bahura ng mga bulaklak na bato. Ang panghilagang mga pulo ay mabulkan, na mayroong mga bulkang buhay sa Anatahan, Pagano at Agrihan. Ang bulkang nasa Agrihan ang mayroong pinakamataas na timbaw (elebasyon) na mayroong taas na 3,166 talampakan (965 m). Ang Bulkan ng Anatahan ay isang maliit na pulong mabulkan na nasa 80 milya (130 km) sa hilaga ng Saipan. Humigit-kumulang itong 6 milya (10 km) ang haba at 2 milya (3 km) ang lapad. Biglang nagsimulang pumutok at magbuga ang Bulkan ng Anatahan magmula sa silangan ng bunganga nito noong 10 Mayo 2003, noong bandang ika-6:00 p.m. (0800 UTC). Magmula noon ay naghalinhinan ang oras na pumuputok nito at ang oras na mahinahon. Noong 6 Abril 2005, tinatayang 1,800,000 cubic feet (50,970 m3) ng abo at bato ang naibuga nito, na nagsanhi na maanod ng hangin ang isang malawak na maitim na usok patimog sa ibabaw ng Saipan at Tinian.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Northern Mariana Islands lahok sa The World Factbook
- Hilagang Kapuluang Mariana sa Proyektong Bukas na Direktoryo
- Wikimedia Atlas ng Northern Mariana Islands
- Gabay panlakbay sa Hilagang Kapuluang Mariana mula sa Wikivoyage
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.