Pumunta sa nilalaman

Juan dela Cruz (seryeng pantelebisyon)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Juan dela Cruz
UriAksiyon, Horror, Pantasya, Komedya, Romansa
GumawaRondel P. Lindayag
Dindo Perez
NagsaayosJulie Anne R. Benitez
Lino S. Cayetano
Ethel M. Espiritu
Dindo Perez
Shugo Praico
Isinulat ni/ninaDindo Perez
Shugo Praico
John Joseph Tuason
DirektorMalu L. Sevilla
Avel E. Sunpongco
Francis E. Pasion
Jojo A. Saguin
Creative directorJohnny delos Santos
Pinangungunahan ni/ninaCoco Martin
Erich Gonzales
KompositorIdonnah Lopez Villarico
Rommel C. Villarico
Bansang pinagmulanPilipinas
WikaFilipino
Paggawa
Prodyuser tagapagpaganapEileen Angela T. Garcia
Hazel B. Parfan
ProdyuserBryan Paul Ramos
LokasyonPilipinas
PatnugotRenewin Alano
Oras ng pagpapalabas30-45 minuto
Lunes hanggang Byiernes tuwing 19:45 (PST)
KompanyaDreamscape Entertainment TV
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanABS-CBN
Picture format1080i (HDTV)
Orihinal na pagsasapahimpapawid4 Pebrero (2013-02-04) –
25 Oktubre 2013 (2013-10-25)
Kronolohiya
Kaugnay na palabasMy Little Juan
Website
Opisyal

Ang Juan dela Cruz ay isang seryeng drama sa Pilipinas na dinerekta ni Malu Sevilla. Ito ay pinangunahan ni Coco Martin bilang Juan dela Cruz, isang kalahating tagabantay at kalahating aswang na napaibig kay Rosario (Erich Gonzales). Ito ang pangalawang seryeng drama sa TV sa Pilipinas na ginawa ng ABS-CBN na nilikha at ipinalabas sa high definition.[1][2][3][4] Ang serye ay unang ipinalabas sa ABS-CBN at sa buong mundo sa TFC noong 4 Pebrero 2013. Pinalitan nito ang Princess and I.

Ang serye ay tungkol kay Juan dela Cruz, isang batang ulila na pinalaki sa isang simbahan ng isang Katolikong pari na nagngangalang Father Cito, ang nag-gabay sa kanya sa kabutihan at pananampalataya kay Hesu'Kristo. Ang debosyon ni Juan kay Kristo ay nagdulot sa kanya na tawagin si Kristo ng "bossing". Isang araw, pinatay si Father Cito ng isang magnanakaw at si Juan ay napadpad sa bahay ni Lola Belen sa Quiapo sa Maynila. Hindi batid ni Juan na siya ay may lahing aswang at anak ni Samuel Alejandro, ang Haring Aswang, at siya rin ang Anak ng Dilim. Siya ay tinadhana na mamuno sa mga aswang at sakupin ang sangkatauan. Ngunit, si Amelia, ang ina ni Juan, ay isang tao at isang Tagabantay, galing sa isang lahi ng mga tagapagtanggol na gingagamit ang Bakal na Krus para protektahan ang mga tao mula sa mga aswang.

Nang siya ay lumaki, si Juan ay sumali sa Kapatiran, isang grupo na ang layunin ay patayin ang mga aswang. Ang grupo ay sinanay si Juan upang maging susunod na Tagabantay. Sa pagsulong ng istorya ng serye, tumulong rin ang mga engkanto at diwata kay Juan na pawang may mas malaking papel sa patuloy na labanan ng mga aswang at tao.

Mga Pangunahing Tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Sekundaryong Tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Dagdag na Tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Panauhing Tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Espesyal na Pagganap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga palabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]