Pumunta sa nilalaman

Kabilang buhay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kabilang Buhay)

Ang kabilang buhay (Ingles: afterlife, life after death, the hereafter) ay ang pinaniniwalaang yugto sa buhay ng isang tao pagkatapos ng isang katangi-tanging pangyayari, partikular na pagkaraan ng kamatayan[1] o pagkatapus na pagkatapos mamuhay sa mundo. Tinatawag din itong sa kabilang buhay, kabilang daigdig, buhay pagkaraang mamatay, o buhay pagkaraan ng kamatayan.[1] Ito ang pinaniniwalaan ng mga tao na nangyayari pagkaraan ng kamatayan ayon sa iba't ibang mga aral ng kani-kanilang mga relihiyon. May ilang mga pananampalatayang naniniwala sa reengkarnasyon o ang pagbabalik sa buhay na nasa ibang katawan. Kinabibilangan ito ng Budismo at Hinduismo. May ibang mga relihiyong naniniwalang napupunta ang tao sa ibang pook pagkaraang mamatay, katulad ng langit, limbo, purgatoryo, at impiyerno. Kabilang sa mga ito ang Kristiyanismo, Katolisismo, Hudaismo, at Hainismo. May iba pang mga relihiyon na naniniwalang nagbabago ang mga tao at nagiging mga espiritung tinatawag na mga multo, aswang, o guni-guni.[2]

Sa Budismo, naniniwala sa muling pagsilang (Ingles: rebirth), sa bagong buhay, pagkatapos mamatay. Ang paniwala ay ang "karmikong tendensiya" o "ilog ng budhi" ang bagay ng transmigrasyon. Sa mga Tibetanong Budista, ang bardo ay ang intermedyo nang dalawang kabuhayan. Naniniwala naman ang Hindu sa kaluluwang mag-uunyon sa Diyos—ang moksha—pagkatapos ng mga reengkarnasyon (Ingles: reincarnation). Ang moksha sa Hindu o nirvāṇa sa Budista—ang pagtigil ng mga siklo ng kabuhayan at kamatayan—ay inaabot depende sa pagbubuti ng tao. Sa mga relihiyong ito, hindi "oportunidad" ang muling pagsilang o reengkarnasyon, kundi "pasan" (Ingles: burden).

Sa Shinto, sa kamatayan ng tao, may ilang posibleng destinasyon: sa malayong kabila ng karagatang may buhay-bata, sa di kitang mundong astral, sa mundo-ilalim, o kaya sa kabundukan para magguwardiya ng buhay pang pamilya.

Maraming pelikula at libro ay tungkol sa kabilang buhay. Ang isa ay ang pelikulang gawang Hapong After Life (ワンダフルライフ, Wandafuru Raifu) noong 1998; si Hirokazu Kore-eda ang direktor. Inilalarawan ng pelikula ang kabilang buhay na ang paboritong sandali sa buhay ng isang tao ay inuulit nang inuulit. Iba itong konsepto sa mga umiiral na relihiyon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Afterlife, kabilang buhay; hereafter - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Ghost". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Ghost, isinalin bilang multo, aswang, at guni-guni Naka-arkibo 2012-11-14 sa Wayback Machine..

PananampalatayaMitolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya at Mitolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.