Pumunta sa nilalaman

Ketsap na saging

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ketsap na saging
Ketsap na saging mula sa Pasig, Pilipinas na ipinares sa tostones na saging
Ibang tawagSarsa ng saging
UriKondimento
LugarPilipinas
Kaugnay na lutuinPilipinas
GumawaMaria Orosa
Pangunahing SangkapSaging

Ang ketsap na saging, kilala rin bilang sarsa ng saging, ay isang Pilipinong ketsap na gawa sa saging, asukal, suka, at espesya. Makayumangging-dilaw ang likas na kulay nito ngunit madalas itong kinukulayan ng pula upang magkahawig sa ketsap na kamatis. Unang iprinodyus ang ketsap na saging sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa kakulangan ng mga kamatis habang nasa digmaan, at kung ihahambing, mas mataas ang produksiyon ng mga saging noon.[1][2]

Paggamit[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mga sambahayang Pilipino, sinasahog ito sa iba't ibang mga putahe: ispageting Pilipino, torta, hotdog, hamburger, french fries, isda, baboy na binarbikyu sa uling, tinuhog na manok, pritong manok, at iba pang mga karne.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Maria Y. Orosa (1892–1945), isang Pilipinang teknologo sa pagkain, ang itinuring na nag-imbento sa produkto.[3][4][5]

Noong 1942, sinimulan ni Magdalo V. Francisco Sr ang malawakang-produksiyon ng ketsap na saging para sa komersiyo.[6] Siya ang nagtatag ng tatak na Mafran (pinagsama ang kanyang pangalan at apelyido).[7] Humingi ng pondo si Francisco kay Tirso T. Reyes upang palawakin ang kanyang negosyo at samakatuwid nabuo ang Universal Food Corporation (UFC, ngayon ay isang tatak sa ilalim ng NutriAsia) noong 1969.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "Food from The Philippines: Banana Ketchup" [Pagkain mula sa Pilipinas: Ketsap na Saging] (sa wikang Ingles). The Longest Way Home. Nobyembre 24, 2010. Nakuha noong Mayo 16, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Jose, Ricardo (1998). KASAYSAYAN The Story of The Filipino People [KASAYSAYAN Ang Kuwento ng Sambayanang Pilipino] (sa wikang Ingles). Philippines: Asia Publishing Company Limited. ISBN 962-258-230-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. National Historical Institute of the Philippines: MARIA Y. OROSA (1893–1945). Pioneering Food Technologist and Inventor [MARIA Y. OROSA (1893–1945). Payunir na Teknologo sa Pagkain at Imbentor] (sa wikang Ingles). Naka-arkibo 21-09-2013 sa Wayback Machine.
  4. Leonor Goguingco: "Maria Y. Orosa: In peace and war" [Maria Y. Orosa: Sa kapayapaan at digmaan] (sa wikang Ingles). Manila Bulletin, 2005. Online at the Internet Archive
  5. Roces, Alejandro R. "Maria Ylagan Orosa". PhilStar. Nakuha noong Agosto 16, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Soken-Huberty, Emmaline (Disyembre 5, 2019). "Taste of the Philippines: The Banana Ketchup Story" [Panlasa ng Pilipinas: Ang Kuwento ng Ketsap na Saging]. Gildshire (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 22, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Batangas, Buhay. "Maria Orosa: the Taal-Born Scientist credited with the Invention of the Banana Ketchup" [Maria Orosa: Ang Siyentipikong Ipinanganak sa Taal na ikinredito sa Imbensiyon ng Ketsap na Saging]. Buhay Batangas (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong Oktubre 26, 2020. Nakuha noong Oktubre 22, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)