Pumunta sa nilalaman

Kilusang Bagong Lipunan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kilusan ng Bagong Lipunan)
Kilusang Bagong Lipunan
TagapanguloImelda Marcos (emeritus)
PanguloEfren Rafanan Sr.
NagtatagFerdinand Marcos
Punong-KalihimJosephine Gandol
ItinatagPebrero 1978; 46 taon ang nakalipas (1978-02)
Humiwalay saPartido Nacionalista
Partido Liberal (Pilipinas)
Punong-tanggapan1611 Orcel II Bldg., Quezon Avenue, Lungsod ng Quezon
PalakuruanMaka-bayan
Konserbatismo (1978–86)[1][2][3][4]
Anti-komunismo[4][5]
Populismong maka-kanan (1978–86)
Mga Panig: (1978–86)
Sentrismo
Libertarianismo[6]
Kasapian pambansaUniTeam
Opisyal na kulay     Asul,      Puti,      Pula, and      Dilaw
Mga puwesto sa Senado
0 / 24
Mga puwesto sa Kamara de Representante
0 / 300
Website
www.kbl.org.ph

Ang Kilusang Bagong Lipunan (KBL), noon ay tinawag na Kilusang Bagong Lipunan ng Nagkakaisang Nacionalista, Liberal, at iba pa (KBLNNL), ay isang partidong pampolitika sa Pilipinas. Ito ay unang nabuo noong 1978 bilang isang koalisyon ng mga taga-suporta ng yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos para sa Pansamantalang Batasang Pambansa at ang nagsilbing sasakyang pampolitika sa ilalim ng kanyang rehimen.[7] Ito ay muling isinaayos bilang isang partido noong 1986 pagkatapos mapatalsik si Ferdinand Marcos,[8] bilang isa sa mga pinaka maka-kanan na partidong pampolitika sa buong bansa.[8]

Simula 1986, ang KBL ay nakipagpaligsahan sa pambansa at local na mga halalan sa Pilipinas ngunit nakakuha ng iisang puwesto lamang sa Kamara sa Ilocos Norte, na hawak ng dating Unang Ginang ng Pilipinas na si Imelda Marcos hanggang 2019.

Pagtatatag at Ideyolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga ugat ng ideolohiya ng konseptong "bagong lipunan" ay maaring mabalikan sa mga kadahilanan ng pagdedeklara ng Batas Militar noong Septyembre 1972.[9](p"66") Sa kanyang retorika, iginiit ni Pangulong Marcos na ang sistema ng "awtoritaryong konstitusyonal" ay karapat-dapat upang "mareporma ang lipunan" at makabuo ng "bagong lipunan" sa ilalim ng kanyang pamumuno.[9](p"29")[10][11]

Anim na taon matapos ang pagdedeklara ng Batas Militar, inangkin ni Marcos ang retorikang ito at ginamit ang parirala bilang pangalan ng koalisyon ng mga kaalyadong mga partido ng administrasyon noong sila ay tumatakbo para sa 1978 Halalang Pamparliyamentaryo sa Pilipinas.[7] Ibinalik ng koalisyon ang pangalang ito nang sila ay nareorganisa noong 1986.

Humiwalay na mga panig matapos ang Rebolusyong EDSA

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matapos ang Rebolusyong EDSA, na naghiwatig ng katapusan ng 21 taong kapangyarihan ni Ferdinand Marcos, siya, ang kaniyang pamilya at ang kanyang mga tanyag na mga loyalista, ang makinarya ng partido ni Marcos ay mabilisang nagkandawatak-watak sa maraming mga panig, kung saan ang naging piakamatagumpay ay ang Partido Nacionalista ni Blas Ople, isang reorganisadong Partido Nacionalista na pinamunuan ni Rafael Palmares at Renato Cayetano matapos ang pakamatay ni Senador Jose Roy, at ang reorganisadong Kilusang Bagong Lipunan na pinamumunuan naman ni Nicanor Yñiguez.[12][13]

Noong paanahon ng 1987 Plebisitong Konstitusyonal sa Pilipinas, ang muling nabuong KBL sa ilalim ni Yñiguez[8] - nanatiling matapat sa ideyolohiya ni Marcos, na sumasalungat sa Partido Nacionalista ng Pilipinas kung saan sila ay pumapanig sa bandang sentro ng espektrong pampolitika, at ang Palmares wing ng Partido Nacionalista at ang Kalaw wing ng Partido Liberal ay napaloob naman sa sentrong-kanan ng espektrong pampolitika.[12]

Paghihiwalayan sa Partido noong 2009

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Former logo of KBL

Noong 20 Nobyembre 2009, ang KBL ay kumampi sa Nacionalista Party (NP) sa pagitan ni Bongbong Marcos at Tagapangulo ng NP Senador Manny Villar sa Laurel House sa Mandaluyong.[14][wala sa ibinigay na pagbabanggit] Si Bongbong ay natanggal rin bilang miyembro ng Pambansang Komiteng Ehekutibo ng KBL noong 29 Nobyembre.[15] Kaya naman, ang NP ay nakipagputol sa KBL dahil sa mga pagtatalo sa loob ng koalisyon, ngunit si Marcos ay nanatiling parte ng talaang pangsenador ng NP.[14][wala sa ibinigay na pagbabanggit]

Mga kumandidato noong 2010 Halalan sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Vetellano Acosta – Kandidatong Pampangulo (talo)
  • Jay Sonza – Kandidatong Pangikalawang Pangulo (talo)
  • Talaang Pangsenado
    1. Alma Lood (talo)
    2. Hector Villanueva (talo)
    3. Shariff Ibrahim Albani (talo)

Tanyag na mga miyembro

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Ferdinand Marcos — ika-10 na Pangulo ng Pilipinas, Pangulo ng Senado, kongresista
  • Roberto "Amay Bisaya" Reyes Jambongana— Kumandidato bilang senador, kumandidato bilang gobernador ng Bohol, komedyante
  • Larry Gadon — Kumandidato bilang senador sa Halalang Pangsenador sa Pilipinas noong 2019,abogado; nagtaguyod para sa pagpapatalsik kay nakaraang Punong Hukom Maria Lourdes Sereno[16][17]
  • Jay Sonza[18]
  • Victor Wood[19]
  • Vicente Millora — Gobernador ng Pangasinan, kongresista/asambleista

Tanyag na mga nakaraang miyembro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagganap sa Halalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Halalan Kandidato Bilang ng Boto Bahagdan ng Boto Resulta ng Halalan
1981 Ferdinand Marcos 18,309,360 88.02% Panalo
1986 Ferdinand Marcos 10,807,197 53.62% Pinagtalunan; umalis ng bansa matapos ang Rebolusyong EDSA
1992 Imelda Marcos 2,338,294 10.32% Talo
1998 Imelda Marcos Umalis
2004 Sinuportahan si Fernando Poe Jr. na natalo
2010 Vetellano Acosta Natanggal
2016 Sinuportahan si Miriam Defensor Santiago na natalo
2022 Ineendorso si Bongbong Marcos ngayong kasalukuyan

Ikalawang Pangulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Halalan Kandidato Bilang ng Boto Bahagdan ng Boto Resulta ng Halalan
1986 Arturo Tolentino 10,134,130 50.66% Pinagtalunan; hindi tumuloy sa puwesto matapos ang Rebolusyong EDSA
1992 Vicente Magsaysay 699,895 3.43% Talo
1998 Hindi nakilahok
2004 Sinuportahan si Loren Legarda na natalo
2010 Jay Sonza 64,230 0.18% Talo
2016 Sinuportahan si Bongbong Marcos na natalo
2022 Sinusuportahan si Sara Duterte na tumatakbo ngayong kasalukuyan
Halalan Bilang ng Boto Bahagdan ng Boto Napanalunang Puwesto Nakuhang Puwesto Resulta ng Halalan
1987 16,356,441 4.36%
0 / 24
0 / 24
Talo
1992 12,691,686 4.59%
0 / 24
0 / 24
Talo
1995 8,168,768 4.47%
0 / 12
0 / 24
Talo
1998 Hindi nakilahok
2001 873,306 0.36%
0 / 13
0 / 24
Talo
2004 540,498 0.21%
0 / 12
0 / 24
Talo
2007 2,436,294 0.91%
0 / 12
0 / 24
Talo
2010 2,769,847 0.93%
0 / 12
0 / 24
Talo
2013 Hindi nakilahok
2016 1,971,327 0.61%
0 / 12
0 / 24
Talo
2019 3,487,780 0.96%
0 / 12
0 / 24
Talo

Kamara de Representante

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Halalan Bilang ng Boto Bahagdan ng Boto Mga Puwesto Resulta ng Halalan
Batasang Pambansa
1978 147,885,493 71.13%
137 / 190
Panalo
1984
110 / 200
Panalo
Kamara de Representante
1987 823,676 4.10%
11 / 214
Namuno sa minoryang bloc
1992 438,577 2.35%
3 / 216
Namuno sa minoryang bloc
1995 Nanalo ng isang puwesto sa ilalim ng tambalang KBL/NPC; sumali sa minoryang bloc
1998 35,522 0.15%
0 / 257
Talo
2001 Hindi nakilahok
2004
1 / 261
Sumali sa mayoryang bloc
2007
1 / 271
Sumali sa mayoryang bloc
2010 158,416 0.46%
1 / 286
Sumali sa mayoryang bloc
2013 94,484 0.34%
1 / 293
Sumali sa mayoryang bloc
2016 198,754 0.53%
0 / 297
Talo
2019 33,594 0.08%
0 / 304
Talo

*Isang miyembro ang nahalal sa ilalim ng tambalang KBL-Nationalist People's Coalition.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Celoza, A. (1997). Ferdinand Marcos and the Philippines: The Political Economy of Authoritarianism. Connecticut, USA: Praeger Publishers.Padron:Quote needed
  2. Timberman, D. (1991) A Changeless Land: Continuity and Change in Philippine Politics: Continuity and Change in Philippine Politics[patay na link]. USA: Taylor and Francis.Padron:Verification needed
  3. Bello, Madge; Reyes, Vincent (1986). "Filipino Americans and the Marcos Overthrow: The Transformation of Political Consciousness". Amerasia Journal. 13: 73–83. doi:10.17953/amer.13.1.21h54l86268n023n.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)Padron:Quote needed
  4. 4.0 4.1 Pinches, M. (1986). "Elite democracy, development and people power: contending ideologies and changing practices in Philippine politics"Padron:Quote needed
  5. Celoza, A. (1997). Ferdinand Marcos and the Philippines: The Political Economy of Authoritarianism. Connecticut, USA: Praeger Publishers.
  6. Landé, Carl (1996). Post-Marcos Politics: A Geographical and Statistical Analysis of the 1992 Presidential Election. Institute of Southeast Asian Studies. p. 37.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 "Philippines - Local government". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-07-24.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 Villegas, Bernardo M. (1958-02-01). "The Philippines in 1986: Democratic Reconstruction in the Post-Marcos Era". Asian Survey (sa wikang Ingles). 27 (2): 194–205. doi:10.2307/2644614. ISSN 0004-4687. Finally, at the extreme right is the reorganized Kilusang Bagong Lipunan (KBL) under Nicanor Yniguez, which remains loyal to Marcos.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 Brillantes, Alex B., Jr. (1987). Dictatorship & martial law : Philippine authoritarianism in 1972. Quezon City, Philippines: University of the Philippines Diliman School of Public Administration. ISBN 978-9718567012.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  10. Navera, G.S. (2019). "Metaphorizing Martial Law: Constitutional Authoritarianism in Marcos's Rhetoric (1972–1985)". Philippine Studies. 66 (4).{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Beltran, J. C. A.; Chingkaw, Sean S. (Oktubre 20, 2016). "On the shadows of tyranny". The Guidon (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 31, 2020. Nakuha noong Hunyo 20, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Villegas, Bernardo M. (1958-02-01). "The Philippines in 1986: Democratic Reconstruction in the Post-Marcos Era". Asian Survey (sa wikang Ingles). 27 (2): 194–205. doi:10.2307/2644614. ISSN 0004-4687.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Kimura, Masataka (Disyembre 1989). "The Revolution and Realigntnent of Political Parties in the Philippines (December 1985-January 1988): With a Case in the Province of Batangas" (PDF). Southeast Asian Studies. 27 (3): 352–379.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 "Feed a hungry child this Christmas". The Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 8, 2013. Nakuha noong Abril 19, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Filing of COCs at Comelec on Day 4". The Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 9, 2013. Nakuha noong Abril 19, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Editorial (Mayo 31, 2018). "Revising history — yet again". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hulyo 24, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Impeachment lawyer blasts 'yellow virus', denies he wants gov't post". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Oktubre 24, 2017. Nakuha noong Hulyo 24, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Legaspi, Amita (Marso 4, 2010). "Bongbong on KBL's Acosta: 'I don't even know what he looks like'". GMA News Online.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Ribaya, Rio Rose (Oktubre 31, 2012). "Victor Wood loses chance at Senate". Yahoo News.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)