Pumunta sa nilalaman

Kopi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kopi
Isang tasa ng kopi
UriInihahain nang mainit o malamig
Rehiyong pinagmulanBritanikong Malaya

Ang kopi (Tsino: 㗝呸; Pe̍h-ōe-jī: ko-pi), na kilala rin bilang kapeng Nanyang, ay isang tradisyonal na inuming kape na matatagpuan sa ilang bansa sa Maritimong Timog-silangang Asya. Marami ang kapeina nito kaya madalas matapang ang timpla, at karaniwang nilalagyan ng asukal at/o mga pampalasang de-gatas. Nagmula ang inuming ito sa panahon ng Britanikong Malaya, na nag-ugat sa kultura ng Hainan. Hinango ang pangalan ng inumin sa salitang Malay para sa kape. Tumutukoy ang salitang Nanyang, na nangangahulugang "Dagat Timog" sa Mandarin, sa Maritimong Timog-silangang Asya.[1] Nakabatay ang bokabularyo ng kulturang kopi sa wikang Pukyen bilang resulta ng dagsa-dagsang imigrasyon sa Timog-silangang Asya mula sa rehiyong Minnan sa timog-silangang bahagi ng Lalawigan ng Fujian sa timog-silangan ng kalupaang Tsina. Karaniwang inihahain ang inumin sa mga kapihan, hokeran at kopitiam sa buong rehiyon.[2]

Sa Singapura, ang kopi itinuturing na mahalaga sa kultura[3] at bahagi ng pang-araw-araw na diyeta at pamumuhay ng maraming Singapurense. Nakaugalian na ng mga Singapurense sa lahat ng etnisidad at edad na angkupin ang kanilang kopi gamit ang wikang Pukyen.[4] Iba ang kapeng Singapurense sa mga ibang klase ng kape dahil sa pagsasangag at paghahanda nito batay sa isang baryasyon ng pamamaraang Torrefacto.[1] Kaya ang pagkokonsumo ng kape ay isang paraan para magtanghal ng pinagtigalawang (g)lokal na bersiyon ng kung ano ang kahulugan ng pagiging Singapurense.[5] Ang mga ikinababahala sa pagtaas ng mga kaso ng diyabetes ang nag-udyok sa gobyerno na maglikha ng mga kampanya upang bawasan ang pagkain ng asukal, lalo na tungkol sa mga matatamis na inumin o inuming dinagdagan ng asukal tulad ng Kopi O.[6] Posibleng makakaapekto ito sa pagkonsumo ng Kopi O.[6] Makikita nang mas detalyado ang kahalagahan ng kopi sa kultura ng Singapura sa tanging museo ng kopi ng Singapura.[7]

Sikat na inumin din ang kopi sa Brunay,[8] Malasya,[8] at Timog Taylandiya.[9] Ang Tenom sa Silangang Malasyong estado ng Sabah ay isang pangunahing prodyuser ng mga butil ng kape sa rehiyon,[10] na ginagamit sa pagsangag ng kopi.[11]

Etimolohiya at ugat sa Pukyen

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang kopi (nasa likuran), o kopi O (nasa harapan), na ipinares sa kaya toast ay sikat na pang-almusal sa Singapura.

Ang transendensiya ng wikang Pukyen sa lokal na kultura ng kopi ay maiuugnay sa kalitawan ng mga dayuhang Pukyen sa Malaya at kolonyal na Singapura.[12] Ayon sa kasaysayan ng imigrasyon ng mga Tsino, milyon-milyong residente ng Tsina ang umalis dahil sa mga likas na kalamidad at kawalang-katatagan sa politika noong ika-19 na siglo.[13] Sa umpisa, 50,000 Tsinoang nakarating sa Singapura – karamihan sa kanila, mga mangangalakal.[13] Lumobo ang bilang na ito sa 200,000 noong 1900 habang dumami nang dumami ang dumaan sa mga Estadong Malay at Silangang Indiyong Olandes papunta sa Singapura. Sa mga dumating, ang mga Pukyen ang bumuo sa pinakamalaking proporsyon ng mga pangkat ng mga diyalektong Tsino sa Singapura.[13] Kaya, nagkaroon din sila ng dominanteng bahagi ng mga industriya ng pagbabangko, pagmamanupaktura at kalakalan.[12]

Mga baryasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakasentro ang mga baryasyon sa estilo ng tradisyonal na kape sa densidad, dami ng asukal, at mga pagdaragdag ng ebaporada, kondensada o yelo. May lokal na bokabularyo ang kopi na ginagamit ng mga mamimili sa pag-oorder ng gusto nilang estilo ng kopi sa Malasya at Singapura.

Ang kopi ay salitang Malay at ginagamit kasabay ng iba't ibang wikang Tsino, kabilang dito ang Pukyen, Kantones at Mandarin. Sa Singapura, mayroong hindi bababa sa 54 pangunahing baryasyon[14] ng kopi na nag-iiba sa asukal, temperatura at kalaputan. Naiintindihan ang mga terminong ito sa mga hokeran at kapihan sa buong bansa.

Makikita sa ibaba ang mga pangalang ginagamit sa pag-oorder nitong mga baryasyon sa Singapura, pati ang mga kahulugan ng mga ito.[4][14]

  • Kopi: Kapeng may asukal at kondensada
  • Kopi O: Kapeng may asukal. Hinango ang "O" sa () ng Pukyen, na may kahulugang "itim".
  • Kopi O Kosong: Kapeng walang asukal at epaborada. "Sero" ang ibig sabihin ng "Kosong" sa Malay.
  • Kopi C: Kapeng may asukal at ebaporada. Hinango ang "C" sa unang titik ng Carnation, ang pinakakaraniwang tatak ng ebaporada na ginagamit sa Singapura.
  • Kopi Peng: Malamig na kapeng may asukal at kondensada. Hinango ang "Peng" sa () sa Pukyen.
  • Kopi Siew-Dai: Kapeng may mas kaunting asukal at kondensada. Hinango ang "Siew-Dai" sa (少底) ng Kantones.
  • Kopi Siew-Siew-Dai: Kapeng may napakakaunting asukal at kondensada.
  • Kopi Ga-Dai: Kapeng may mas maraming asukal at kondensada. Hinango ang "Ga-Dai" sa (加底) ng Kantones.
  • Kopi Gao: Kapeng may asukal, kondensada at napakalapot na konsentradong kape. Hinango ang "Gao" sa () ng Pukyen.
  • Kopi Di-Lo: Walang labnaw na kape. Hinango ang "Di-Lo" sa (直下) ng Pukyen.
  • Kopi Poh: Kapeng may higit na labnaw. Hinango ang "Poh" sa () ng Pukyen.

Bukod sa mga lokal na baryasyon, may mga kombinasyon at baryasyon din ng kopi sa mga ibang bansa. Kabilang dito ang yuenyeung (鸳鸯) o kopi cham na pinaghalong kape at tsaa na sikat sa Malasya at Hong Kong.[15] Tinatawag ding kapeng Nanyang ang kopi. 'Dagat Timog' ang kahulugan ng Nanyang sa Mandarin, at karaniwang tumutukoy ito sa Timog-silangang Asya.[1]

Talasanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "Traditional Breakfast of Kaya and Kopi" [Tradisyonal na Almusal ng Kaya at Kopi]. www.roots.sg (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Lai, Ah Eng (2015). "The Kopitiam in Singapore: An Evolving Story about Cultural Diversity and Cultural Politics" [Ang Kopitiam sa Singapura: Isang Pabagu-bagong Kuwento tungkol sa Pagkasari-sari ng Kultura at Politikang Kultural]. Food, Foodways and Foodscapes (sa wikang Ingles): 103–132. doi:10.1142/9789814641234_0006. ISBN 978-981-4641-21-0.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Aljunied, Khairudin (2014). "Coffee-shops in Colonial Singapore: Domains of Contentious Publics". History Workshop Journal. 77: 65–85. doi:10.1093/hwj/dbt011. S2CID 154985319 – sa pamamagitan ni/ng Oxford Academic.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Singapore Coffee Association" [Asosasyon ng Kape sa Singapura]. Singapore Coffee Association (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-08-04. Nakuha noong 2020-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Chang, Cheryl; McGonigle, Ian (2020-07-02). "Kopi culture: consumption, conservatism and cosmopolitanism among Singapore's millennials" [Kultura ng kopi: pagkonsumo, konserbatismo at kosmopolitanismo sa mga milenaryo ng Singapura]. Asian Anthropology (sa wikang Ingles). 19 (3): 213–231. doi:10.1080/1683478X.2020.1726965. ISSN 1683-478X. S2CID 216228666.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Ng, Kelly (2018). "Sugar? No thanks: Patrons opt for healthier option when asked to sweeten beverages themselves" [Asukal? Huwag na, salamat: Pinipili ng mga parokyano ang mas malusog na opsyon kapag sila mismo ang magpapatamis ng inumin]. TODAYonline (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Order kopi like a local" [Mag-order ng kopi na parang lokal]. www.visitsingapore.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 "Sabah's coffee capital of Tenom" [Tenom, ang kabisera ng kape ng Sabah]. Bernama (sa wikang Ingles). The Brunei Times. 17 Nobyembre 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Marso 2016. Nakuha noong 20 Marso 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Robusta coffee, native to Satun Province…a gem to preserve in the community" [Kapeng robusta, katutubo sa Lalawigan ng Satun...isang hiyas na dapat ipreserba sa komunidad]. Prince of Songkla University (sa wikang Ingles). Enero 28, 2019. Nakuha noong Abril 24, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Mail Mathew (24 Hulyo 2018). "Tenom raw coffee shortage" [Kakulangan ng hilaw na kapeng Tenom] (sa wikang Ingles). Daily Express. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Hulyo 2018. Nakuha noong 25 Hulyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Kopi popularkan daerah Tenom" (sa wikang Malay). Berita Harian. Nakuha noong Abril 24, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Guan, Kwa Chong; Lim, Kua Bak (2019-06-21). A General History Of The Chinese In Singapore [Isang Pangkalahatang Kasaysayan Ng Mga Tsino Sa Singapura] (sa wikang Ingles). World Scientific. ISBN 978-981-327-765-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 13.2 Leong-Salobir, Cecilia (2019). Singapore: Tasting the City [Singapura: Pagtitikim sa Lungsod] (sa wikang Ingles). New York: Palgrave Macmillan. pp. 83–111. ISBN 978-1-137-52223-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 "How to make a Kopi" [Paano Gumawa ng Kopi]. Fine Coffee Company (sa wikang Ingles).
  15. "Coffee or tea? With this drink, you get both" [Kape o tsaa? Sa inuming ito, makukuha mo pareho]. MNN - Mother Nature Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)