Kultura ng Palestina
Ang kultura ng mga Palestino ay naiimpluwensiyahan ng maraming magkakaibang kultura at relihiyon na umiral sa makasaysayang rehiyon ng Palestina. Ang kanilang kultural at lingguwistikong pamana ay isang timpla ng parehong mga elementong Arabe at mga dayuhang kultura na namumuno sa lupain at sa mga tao nito sa loob ng libu-libong taon.
Ang mga ambag pangkultura sa larangan ng sining, panitikan, musika, kasuotan, at lutuin ay nagpapahayag ng pagkakakilanlang Palestino sa kabila ng heograpikong paghihiwalay sa pagitan ng mga Palestino mula sa mga teritoryong Palestino, mga mamamayang Palestino ng Israel at mga Palestino sa diaspora.[1][2]
Binubuo ang kulturang Palestino ng pagkain, sayaw, alamat, kasaysayang pasalita, salawikain, biro, tanyag na paniniwala, kostumbre, at binubuo ng mga tradisyon (kabilang ang mga pasalitang tradisyon) ng kulturang Palestino. Ang folkloristang muling pagbuhay sa mga intelektuwal na Palestino tulad nina Nimr Sirhan, Musa Allush, Salim Mubayyid, at iba pa ay nagbigay-diin sa mga ugat ng kultura bago ang Islam.
Ang mahalagang 'di-nahahawakang pamanang pangkalinangan ng Palestina ay kinilala ng UNSECO, na may unang inskripsiyon para sa Palestinong hikaye na ginawa noong 2008 sa talaan nito ng 'di-nahahawakang pamanang pangkalinangan.[3] Sinundan ito ng karagdagang talaan noong 2021 para sa Palestinong pagbuburda,[4] at magkasanib na listahan sa iba pang Arabeng Estado para sa kaligrapiya at kaalaman at paggamit ng palmerang datilero.[5][6]
Tradisyonal na damit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga dayuhang manlalakbay sa Palestina noong huling bahagi ng ika-19 at unang bahagi ng ika-20 siglo ay madalas na nagkomento sa mayamang iba't ibang tradisyonal na pananamit sa mga mamamayang Palestino, at lalo na sa mga fellaheen o mga babaeng nayon. Hanggang sa dekada '40, ang kalagayang pang-ekonomiya ng isang babae, kasal man o walang asawa, at ang bayan o lugar na kanilang pinanggalingan ay maaaring matukoy ng karamihan sa mga kababaihang Palestina sa pamamagitan ng uri ng tela, kulay, hiwa, at mga motif ng pagbuburda, o kakulangan nito, na ginamit para sa damit na parang manto o "thoub" sa Arabe.[7]
Ang pagpapatalsik at paglikas ng mga Palestino noong 1948 ay humantong sa pagkagambala sa mga tradisyonal na paraan ng pananamit at kaugalian, dahil maraming kababaihan na nawalan ng tirahan ay hindi na kayang magbigay ng oras o pera upang mamuhunan sa mga kumplikadong burda na kasuotan.[8] Nagsimulang lumitaw ang mga bagong estilo noong dekada '60. Halimbawa, ang "anim-na-sangay na damit" na ipinangalan sa anim na malalawak na banda ng pagbuburda na bumababa mula sa baywang.[9] Ang mga estilong ito ay nagmula sa mga kampo ng mga lumikas, lalo na pagkatapos ng 1967. Ang mga indibidwal na estilo ng nayon ay nawala at napalitan ng isang makikilalang estilong "Palestino".[10] Ang shawal, isang estilong tanyag sa Kanlurang Pampang at Jordan bago ang Unang Intifada, ay malamang na umunlad mula sa isa sa maraming proyekto sa pagbuburda ng kawang-gawa sa mga kampo ng mga lumikas. Ito ay isang mas maikli at makitid na moda, na may kanluraning gupit.[11]
Noong 2021, ang Palestinong pagbuburda ay naitala sa talaan ng mga 'di-nahahawakang pamanang pangkalinangan ng UNESCO.[12]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ismail Elmokadem (10 Disyembre 2005). "Book records Palestinian art history". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 19 Abril 2007. Nakuha noong 2008-04-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Danny Moran. "Manchester Festival of Palestinian Literature". Manchester Festival of Palestinian literature. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Marso 31, 2008. Nakuha noong 2008-04-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Adam, Thomas; Stiefel, Barry L.; Peleg, Shelley-Anne (2023-04-17). Yearbook of Transnational History: (2023) (sa wikang Ingles). Rowman & Littlefield. pp. 17–18. ISBN 978-1-68393-379-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "UNESCO - The art of embroidery in Palestine, practices, skills, knowledge and rituals". ich.unesco.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Calligraphy". doi:10.1163/1570-6699_eall_eall_dum_0028. Nakuha noong 2023-11-10.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "UNESCO - Date palm, knowledge, skills, traditions and practices". ich.unesco.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jane Waldron Grutz (Enero–Pebrero 1991). "Woven Legacy, Woven Language". Saudi Aramco World. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-02-19. Nakuha noong 2007-06-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Saca, Iman (2006). Embroidering Identities: A Century of Palestinian Clothing. The Oriental Institute Museum of the University of Chicago. ISBN 1-885923-49-X.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Weir, Shelagh (1989) Palestinian Costume. British Museum. ISBN 0-7141-1597-5. p. 112.
- ↑ Skinner, Margarita (2007) Palestinian Embroidery Motives. A Treasury of Stitches 1850-1950. Melisende. ISBN 978-1-901764-47-5. p. 21.
- ↑ Weir, Shelagh (1989) Palestinian Costume. British Museum. ISBN 0-7141-1597-5. pp. 88, 113.
- ↑ "UNESCO - The art of embroidery in Palestine, practices, skills, knowledge and rituals". ich.unesco.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)