Pumunta sa nilalaman

Licerio Geronimo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Licerio Gerónimo
Kapanganakan27 Agosto 1855[1]
  • (Maynila, Kalakhang Maynila, Pilipinas)
Kamatayan16 Enero 1924[1]
LibinganSementeryo Norte ng Maynila[2]
MamamayanPilipinas

sI Licerio Imaya Gerónimo (Agosto 27, 1855 – Enero 16, 1924) ay isang Pilipinong heneral ng hukbong mapanghimagsik sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Higit siyang nakilala sa Digmaang Pilipino–Amerikano ng kaniyang mapatay si Heneral Henry Lawton sampu ng 13 pang Amerikanong kawal sa Labanan sa San Mateo noong 19 Disyembre 1899.

Ipinanganak si Geronimo sa Sampaloc, Tondo noong 27 Agosto 1855 kina Graciano Geronimo, na mula Montalban at Flaviana Imaya na mula Gapan, Nueva Ecija. Siya ang panganay sa anim na magkakapatid.

Nanirahan siya sa kanyang lolo noong siya'y siyam na taong gulang sa San Miguel de Mayumo, Bulacan. Sa gulang na 14, sinamahan niya ang kaniyang ama upang tumulong sa gawaing bukid. Dalá ng kahirapan, hindi nakapag-aral ng pormal si Geronimo, ngunit natutuo siyang magbasá at magsulat sa tulong ng isang kaibigang nagturo sa kaniya ng alpabeto.

Dalawang ulit siyang nag-asawa, makaraang yumao ang kaniyang unang asawa na si Francisca Reyes. Nagkaroon naman siya ng limang anak sa kaniyang pangalawang asawa na si Cayetana Lincaoco na taga-San Mateo. Nabuhay siya sa pamamagitan ng pagsasaka at pamamangka sa ilog Marikina at Pasig ng mga pasaherong patungong Maynila.[3]

Himagsikang Pilipino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nahikayat na sumanib si Geronimo sa lihim na samahan na Katipunan ng kaniyang amain na Felix Umali, alguacil mayor ng Barrio Wawa ng Montalban.

Isa si Geronimo sa mga Katipunerong sumalakay sa imbakan ng pulbura ng mga Espanyol sa San Juan del Monte noong 30 Agosto 1896. Inorganisa din niya ang mga puwersang pinamumunuan niya sa Montalban, San Mateo at Marikina.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Licerio I. Geronimo, Wikidata Q43305624
  2. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:SanMaeojf5812_05.JPG.
  3. Dumindin, Arnaldo. "Philippine-American War, 1899-1902: Dec. 19, 1899: General Henry Lawton dies at San Mateo" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-03-23. Nakuha noong 2019-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)