Pumunta sa nilalaman

Lyra

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lyra (konstelasyon))

Mga koordinado: Mapang panlangit 19h 00m 00s, +40° 00′ 00″

Lyra
Konstelasyon
Lyra
DaglatLyr
HenitiboLyrae
Bigkas /ˈlrə/
Simbolismoarpa
Tuwid na pagtaas18h 14m hanggang 19h 28m h
Pagbaba25.66° hanggang 47.71°°
KuwadranteNQ4
Area286 degring parisukat (sq. deg.) (ika-52)
Pangunahing mga bituin5
Mga bituing Bayer/Flamsteed
25
Mga bituing mayroong mga planeta9[1]
Mga bituing mas matingkad kaysa sa 3.00m1 (Vega)
Mga bituing nasa loob ng 10.00 pc (32.62 ly)3
Pinakamatingkad na bituinα Lyr (0.03m)
Pinakamalapit na bituinVega
(25.04 ly, 7.68 pc)
Mga bagay na Messier2
Mga pag-ulan ng meteorMga lyrid
Mga Lyrid ng Hunyo
Mga Alpha Lyrid
Kahangga na
mga konstelasyon
Draco
Hercules
Vulpecula
Cygnus
Natatanaw na mga latitud sa pagitan ng +90° at ng −40°.
Pinaka nakikita tuwing 21:00 (9 p.m.) sa panahon ng buwan ng Agosto.

Ang Lyra (Latin para sa 'kudyapi', Sinaunang Griyego: λύρα LY-rə)[2] ay isang maliit na talanyo sa hilagang emisperyo. Isa ito sa 88 modernong talanyong kinikilala ng Pandaigdigang Unyong Astronomiko at sa 48 talanyong nilista ng astronomong si Ptolemy noong ikalawang siglo. Kadalasang kinakatawan ito sa mapa gamit ng buwitre o agilang nagdadala ng kudyapi, kung kaya minsan ay tinatawag na Vultur Cadens o Aquila Cadens ("Nahuhulog na buwitre"[3] or "Nahuhulog na agila" sa Latin). Ang pinakamaliwanag nitong bituwin ang Vega, ay isa rin sa pinakamaliwanag na mga bituwin sa kalangitan kapag gabi, at bumubuo sa isa sa tatlong sulok ng asterismong "Summer Triangle."[4]

Mga tampok na katangian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lokasyon, lawak, at istruktura

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Napapaligiran ang Lyra ng Vulpecula sa timog, ng Herkules sa kanluran, Draco sa hilaga, at Cygnus sa silangan. Ika-52 ito sa 88 na mga modernong talampad sa lawak na sumasaklaw sa 286.5 digri kwadrado. Ang mga hangganan nito, na inilarawan ng Belhikong astronomo na si Eugene Delporte noong 1930 ay may hugis na mag 17 giliran.[5] Sa sistemang koordinadong equatorial (equatorial coordinate system), ang mga koordinado ng tuwid na pagtaas (right ascension) ng mga hangganan nito ay nasa pagitan ng 18h 14m at 19h 28m habang ang koordinado ng pagbaba o deklinasyon nito ay nasa pagitan ng +25.66° at +47.41°.[5] Noong 1922 itinakda ng Pandaigdigang Unyong Astronomiko o IAU ang daglat na "Lyr" upang pantukoy sa talampad nito.[6]

Sa hilagang emisperyo, nagpapakita ito sa kalangitan tuwing tag-init, habang ang buong talampad naman ay nakikita sa mga tao sa hilaga ng 42° timog latitud sa isang bahagi ng isang taon.[7] Ang pangunahing asterismo nito ay binubuo ng limang pinakamaliliwanag nitong bituin, at mayroon itong 73 bituing may liwanag na may magnitud na 6.5.[7]

Hitsura ng talampad ng Lyra sa kadiliman ng gabi kapag tiningnan ng mata nang hindi gumagamit ng teleskopyo o largabista
Larawan ng talampad ng Lyra na pinaganda ang kulay at mas malinaw na makikita ang mga detalye. May mga linyang nakaguhit upang mapakita ang pangunahing asterismo nito na binubuo ng limang bituin (na may mga pangalan na titik Griyego α, β, δ, Δ, at ε ayon sa kanilang respektibong kalakhang liwanag)

Ang pinakamaliwanag na bituin sa talampad ay ang Vega (o α Lyrae), isang main-sequence na bituin na may uring ispektral (spectral type) na A07a.[8] May layo lamang na 7.7 na parsec mula sa sistemang solar, nagbabago ang magnitud ng liwanag nito mula −0.02 hanggang 0.07 sa loob ng 0.2 araw, at tinuturing na isang uri ng bituing nagbabago-bago ng liwanag (variable star sa Ingles).[9] Noong 12,000 BCE, ang Vega ang bituing nagmamarka sa hilagang polo imbes na ang Polaris sa kasalukuyan at dahil sa presesyon ng aksis ng daigdig, ay babalik din sa posisyong ito sa susunod na 14,000 taon.[10][11]

Ang Vega, kasama na ang Epsilon (ε) Lyrae at Zeta (ζ) Lyrae, ay bumubuo ng isang hugis tatsulok. Ang Zeta Lyrae ay sa katunayan, isang multiple star system, o binubuo ng tatlo o higit pang halos magkalapit na bituing umiikot sa isang komun na sentro (barycenter); sa kaso ng Zeta Lyrae, ito ay tatlong magkakalapit na bituin.[12] Mas madali namang makita sa antiparas na ang Epsilon Lyrae ay binubuo ng dalawang halos magkalapit na bituin,[13] bagaman sa pamamagitan ng mga teleskopyo, maaari ring makita na ang dalawang "bituing" ito ay mismong pawang mga pares din ng dalawang magkalapit na bituin, habang nadiskubre rin kamakailan na may isa pang bituing umiikot sa isa sa dalawang pares na ito. Kung kaya, ang multiple star system ng Epsilon Lyrae ay binubuo ng limang bituin.[14]

Ang Delta (Δ) Lyrae naman ay hindi binary o multiple star system, bagkus ay isang optical double o dalawang bituing nagkataon lang na nasa parehong linya ng paningin (line of sight).[15][16][17] Ang dalawang bituing ito ay bahagi ng klaster ng mas maraming mga bituin.[18] Sa timog naman ng Delta Lyrae ay ang Gamma (γ) Lyrae, isang bughaw na higante (blue giant) na ikalawa sa may pinakamataas na lubos na liwanag sa buong talampad, at may layong 190 parsec mula sa sistemang solar.[19] Ang ikalima namang bituin ng talampad, ang Beta (β) Lyrae, ay isa ring binary system o binubuo ng halos magkalapit na mga bituin.[20][21][22] Sa sobrang magkalapit ng dalawang bituing bumubuo rito, humihigop ng materyal mula sa mas malaking bituin ang mas maliit na bituin sa pares na ito na siya namang nagdulot sa pagiging mas mataas ng masa ng mas maliit na bituin kumpara sa mas malaki nitong kalapit-bituin. Napalilibutan na rin ang mas maliit na bituin ng Beta Lyrae ng makapal na malapad na bilog na gaas at alikabok (accretionary disc).[23] Dahil ang posisyon ng disc na ito ay nakahanay sa linya ng paningin mula sa daigdig, sumasailalim ito sa laho na nagdudulot naman sa pana-panahong pagbaba ng kalakhang liwanag ng Beta Lyrae kada 13 araw.[24]

Mga deep-sky object

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang nebula na M57 o "Ring Nebula" ay matatagpuan sa talampad ng Lyra

Ilan sa mga deep-sky object na matatagpuan sa talampad ng Lyra ay ang Messier 57 (M57) o mas kilala bilang "Ring Nebula", na matatagpuan 2,000 sinag-taon mula sa sistemang solar at isa sa mga pinakakilalang nebula.[25] May liwanag itong 8.8[26] at unang natagpuan noong 1779 ng Pranses na astronomong si Antoine Darquier. Sa mga teleskopyo, makikitang may hawig ito sa isang singsing na may luntiang bahid sa palibot; may pagka-bilohaba ito dahil sa ang silindrong hugis nito ay nakapahilig sa isang anggulo relatibo sa linya ng paningin mula sa daigdig.[27] Mahahanap ang pwesto nito sa pagitan ng Gamma Lyrae at Beta Lyrae.[28]

Mahahanap din sa Lyra ang galaksiyang NGC 6745 na may hugis na bilohabang tila naipit na pilipit at may layong 208 milyong sinag-taon,[29] gayundin ang mga globular o mala-bilog na klaster ng mga bituin na Messier 56 (o NGC 6779),[30] at kalat na klaster ng mga bituin na NGC 6791 na nagtataglay ng mga bituing aabot sa 4 hanggang 8 bilyong taong gulang ang edad.[31]

Kasaysayan at mitolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Mitolohiyang Griyego, ang Lyra ay kumakatawan sa alpa ng tauhang si Orfeo na ibinigay sa kanya ng diyos na si Apolo; sa mito, ginamit ni Orfeo ang alpa upang halinahin si Hades sa pagtatangka niyang ibalik sa patay ang kanyang asawang si Eurydice. Ayon kay Eratostenes, inilagay ni Zeus ang alpa ni Orfeo sa kalangitan matapos paslangin si Orfeo ng mga kababaihang inayawan niya matapos ang pumalpak na tangka niyang ibalik sa patay ang yumao niyang asawa.[32]

Sa mga Kristiyanong mamamayan ng Wales sa Britanya noong panahong Medyebal, ang mga bituin ay ang alpa ni Haring Arturo o ni Haring David. Sa Persyanong manunula na si Hafiz, ito ay ang "alpa ng Zurah."[33]

Gayunman, iba naman ang pagpapakahulugan ng ibang mga kultura sa mga bituin sa bisinidad ng Lyra. Para sa mga Arabo, ito ay talampad na kawangis ng isang buwitre o agilang nakataklob ang pakpak,[32] gayundin sa mga katutubong Aborihino ng Australya, partikular ng grupong Wergaia, na nakikitang kahugis ito ng isang uri ng ibon sa kanilang lugar.[34] Sa mga sinaunang Inca naman, ang mga bituin sa bisinidad ng Lyra ay mas kilala bilang isa sa kanilang mga diyos na si Urcuchillay, na may hitsurang llama na may napakaraming kulay ang balahibo.[35] Para naman sa mga sinaunang Intsik, ang mga bituing bumubuo sa talampad ng Lyra ay ang bahagi ng kalangitan na Běi Fāng Xuán Wǔ (北方玄武) o "itim na pagong sa hilaga."[36]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://www.constellation-guide.com/constellation-list/lyra-constellation/
  2. Lesley Brown: The New Shorter Oxford English Dictionary.
  3. Bistue, Belen (Mayo 23, 2016). Collaborative Translation and Multi-Version Texts in Early Modern Europe. Routledge. pp. 72–73. ISBN 978-1317164357.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Pasachoff, Jay M. (2000). A Field Guide to Stars and Planets (4th ed.). Houghton Mifflin Field Guides. ISBN 978-0-395-93431-9.
  5. 5.0 5.1 "Lyra, Constellation Boundary". The Constellations. International Astronomical Union. Nakuha noong 25 Hulyo 2015.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Russell, H. N. (1922). "The New International Symbols for the Constellations". Popular Astronomy. 30: 469–71. Bibcode:1922PA.....30..469R.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 http://www.ianridpath.com/constellations2.htm
  8. Gray, R. O.; Corbally, C. J.; Garrison, R. F.; McFadden, M. T.; Robinson, P. E. (2006). "Contributions to the Nearby Stars (NStars) Project: Spectroscopy of Stars Earlier than M0 within 40 parsecs: The Northern Sample I". The Astronomical Journal. 132 (1): 161–70. arXiv:astro-ph/0603770. Bibcode:2006AJ....132..161G. doi:10.1086/504637. S2CID 119476992.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Breger, M. (1979). "Delta Scuti and related stars". Publications of the Astronomical Society of the Pacific. 91: 5–26. arXiv:astro-ph/0003373v1. Bibcode:1979PASP...91....5B. doi:10.1086/130433. S2CID 16994385.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Roy, Archie E.; atbp. (2003). Astronomy: Principles and Practice. CRC Press. ISBN 978-0-7503-0917-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Allen, Richard Hinckley (1963). Star Names: Their Lore and Meaning. Courier Dover Publications. ISBN 978-0-486-21079-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Eggleton, P. P.; Tokovinin, A. A. (Setyembre 2008). "A catalogue of multiplicity among bright stellar systems". Monthly Notices of the Royal Astronomical Society. 389 (2): 869–879. arXiv:0806.2878. Bibcode:2008MNRAS.389..869E. doi:10.1111/j.1365-2966.2008.13596.x. S2CID 14878976.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Burnham, Robert (1966). Burnham's Celestial Handbook. Dover Publications Inc. pp. 1151–1153. ISBN 0-486-24064-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Eggleton, P. P.; Tokovinin, A. A. (Setyembre 2008). "A catalogue of multiplicity among bright stellar systems". Monthly Notices of the Royal Astronomical Society. 389 (2): 869–879. arXiv:0806.2878. Bibcode:2008MNRAS.389..869E. doi:10.1111/j.1365-2966.2008.13596.x. S2CID 14878976.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Bakos, G. A.; Tremko, J. (1991). "A photometric and spectroscopic study of δ2 Lyrae". Contrib. Astron. Obs. Skalnaté Pleso. 21: 99–106. Bibcode:1991CoSka..21...99B.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Bakos, G. A.; Tremko, J. (1991). "A photometric and spectroscopic study of δ2 Lyrae". Contrib. Astron. Obs. Skalnaté Pleso. 21: 99–106. Bibcode:1991CoSka..21...99B.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Bakos, G. A.; Tremko, J. (1991). "A photometric and spectroscopic study of δ2 Lyrae". Contrib. Astron. Obs. Skalnaté Pleso. 21: 99–106. Bibcode:1991CoSka..21...99B.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Eggen, O. J. (1968). "Photometric evidence for the existence of a delta Lyrae cluster". Astrophysical Journal. 152: 77. Bibcode:1968ApJ...152...77E. doi:10.1086/149525.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. van Leeuwen, F. (2007). "Validation of the new Hipparcos reduction". Astronomy and Astrophysics. 474 (2): 653–664. arXiv:0708.1752. Bibcode:2007A&A...474..653V. doi:10.1051/0004-6361:20078357. S2CID 18759600.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Bastian, U. (2019). "Gaia 8: Discovery of a star cluster containing β Lyrae". Astronomy & Astrophysics. 630: L8. arXiv:1909.04612. Bibcode:2019A&A...630L...8B. doi:10.1051/0004-6361/201936595.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Mourard, D.; Brož, M.; Nemravová, J. A.; Harmanec, P.; Budaj, J.; Baron, F.; Monnier, J. D.; Schaefer, G. H.; Schmitt, H.; Tallon-Bosc, I.; Armstrong, J. T.; Baines, E. K.; Bonneau, D.; Božić, H.; Clausse, J. M.; Farrington, C.; Gies, D.; Juryšek, J.; Korčáková, D.; McAlister, H.; Meilland, A.; Nardetto, N.; Svoboda, P.; Šlechta, M.; Wolf, M.; Zasche, P. (2018). "Physical properties of β Lyrae a and its opaque accretion disk". Astronomy and Astrophysics. 618: A112. arXiv:1807.04789. Bibcode:2018A&A...618A.112M. doi:10.1051/0004-6361/201832952. S2CID 73647379.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Zhao, M.; atbp. (Setyembre 2008), "First Resolved Images of the Eclipsing and Interacting Binary β Lyrae", The Astrophysical Journal, 684 (2): L95–L98, arXiv:0808.0932, Bibcode:2008ApJ...684L..95Z, doi:10.1086/592146, S2CID 17510817.{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Harmanec, P. (2002). "The ever challenging emission-line binary β Lyrae". Astronomische Nachrichten. 323 (2): 87–98. Bibcode:2002AN....323...87H. doi:10.1002/1521-3994(200207)323:2<87::AID-ASNA87>3.0.CO;2-P.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. European Space Agency (1997). The HIPPARCOS and TYCHO catalogues. Astrometric and photometric star catalogues derived from the ESA HIPPARCOS Space Astrometry Mission. Bibcode:1997ESASP1200.....E. ISBN 9290923997. {{cite book}}: |journal= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Levy, David H. (2005). Deep Sky Objects. Prometheus Books. p. 123. ISBN 1-59102-361-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Wilkins, Jamie; Dunn, Robert (2006). 300 Astronomical Objects: A Visual Reference to the Universe. Buffalo, New York: Firefly Books. ISBN 978-1-55407-175-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Wilkins, Jamie; Dunn, Robert (2006). 300 Astronomical Objects: A Visual Reference to the Universe. Buffalo, New York: Firefly Books. ISBN 978-1-55407-175-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Levy 2005, p. 124.
  29. Wilkins, Jamie; Dunn, Robert (2006). 300 Astronomical Objects: A Visual Reference to the Universe. Buffalo, New York: Firefly Books. ISBN 978-1-55407-175-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. https://books.google.com/books?id=y4t_-459RPUC&pg=SA2-PA72
  31. "NASA - What's My Age? Mystery Star Cluster Has 3 Different Birthdays". www.nasa.gov (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-06-09. Nakuha noong 2017-02-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. 32.0 32.1 "Star Tales – Lyra". www.ianridpath.com. Nakuha noong 2023-08-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. https://books.google.com/books?id=l8V2DY3tQMgC
  34. "Wayback Machine" (PDF). web.archive.org. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2009-03-26. Nakuha noong 2023-08-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. https://books.google.com/books?id=v5KZH3yrd7wC&pg=PA110
  36. [https://web.archive.org/web/20110521232833/http://aeea.nmns.edu.tw/2006/0607/ap060703.html "AEEA �Ѥ�Ш|��T��"]. aeea.nmns.edu.tw. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-21. Nakuha noong 2023-08-05. {{cite web}}: replacement character in |title= at position 6 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)