Malikhaing pagsusulat
Ang malikhaing pagsusulat (Ingles: creative writing) ay anumang pagsusulat na lumalabas sa mga hangganan ng karaniwang prupesyunal, pampamamahayag, pang-akademiya, o teknikal na mga anyo ng panitikan, na pangkaraniwang nakikilala sa pamamagitan ng pagbibigay ng diin sa kagalingan o kasanayang pangpagsasalaysay, pagpapaunlad ng tauhan, at paggamit ng mga tropong pampanitikan. Dahil sa kaluwagan ng kahulugan, maaari para sa pagsusulat na katulad ng mga tampok na kuwento upang maituring bilang malikhaing pagsusulat, bagaman nakapailalim ang mga ito sa pamamahayag, dahil sa ang nilalaman ng mga tampok ay tiyakang nakatuon sa pagsasalaysay at pagpapaunlad ng tauhan. Ang mga akdang kathang-isip at hindi kathang-isip ay kapwa sumasailalim sa ganitong kategorya, kasama na ang mga anyong katulad ng mga akdang-buhay, mga talambuhay, mga maiikling kuwento, at mga tula. Sa kapaligirang pang-akademiya, ang malikhaing pagsusulat ay karaniwang pinaghihiwalay-hiwalay sa mga uring kathang-isip at panulaan, na may pagtutuon sa pagsusulat na nasa estilong orihinal, na salungat sa paggaya ng dati nang umiiral na mga henerong katulad ng krimen o katatakutan. Ang pagsusulat para sa pelikula at entablado— pagsusulat ng senaryo (screenwriting) at pagsusulat ng dula— ay itinuturo nang magkahiwalay, subalit naaangkop din sa kategorya ng malikhaing pagsusulat.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.