Pumunta sa nilalaman

Manga na seinen

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang manga na seinen (青年漫画) ay isang manga na minimerkado o tinatarget ang mga batang lalaking adulto.[1] Sa wikang Hapones, literal nangangahulugan ang salitang "seinen" bilang "kabataan," subalit ang katawagang "manga na seinen" ay ginagamit din upang ilarawan ang tinatarget na mambabasa ng komiks tulad ng Weekly Manga Times at Weekly Manga Goraku na nilalayon para sa mga lalaki mula sa gulang 20 hanggang nasa linyang 50. Iniiba ang manga na seinen sa manga na shōnen na para sa mga mas batang lalaki, bagaman ma ilang manga na seinen tulad ng xxxHolic na may pagkakapareho sa manga na "shōnen." Maari ituon ng manga na seinen sa aksyon, politika, kathang-isip na pang-agham, pakikipagrelasyon, palakasan o komedya. Ang babaeng katumbas ng manga na seinen ay manga na josei.

Ito ang talaan ng mga nangununang mga seinen na manga sa Hapon na magasin sa sirkulasyon mula 1 Oktubre 2009 hanggang 30 Setyembre 2010.[2]

Pamagat Sirkulasyon
Weekly Young Magazine 807,871
Weekly Young Jump 768,980
Big Comic Original 729,750
Weekly Manga Goraku 500,000
Big Comic 454,000
Comic Kairakuten 350,000
Weekly Morning 340,209
Weekly Manga Sunday (lipas na) 300,000
Business Jump (lipas na) 285,334
Super Jump (lipas na) 277,500
Big Comic Spirits 260,024
Comic Shitsurakuten 250,000
Young Champion 250,000
Comic Ran 207,350
Big Comic Superior 204,125
Manga Action 200,000
Young King 200,000

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Everything about the Seinen Genre". jappleng (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2018-11-29. {{cite web}}: Cite has empty unknown parameter: |dead-url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2010 Japanese Manga Magazine Circulation Numbers". Anime News Network (sa wikang Ingles). 17 Enero 2011. Nakuha noong 30 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Wiktionary
Wiktionary
Tingnan ang seinen sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.