Mangaka

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Mangaka (漫画家?) ay isang salitang hapones para sa tagagawa ng isang komiks o kartun. Sa labas ng Hapon, tumutukoy ang manga sa isang librong pang-komiks sa Hapon at tumutukoy naman ang mangaka sa tagalikha ng manga, na kadalasang isang Hapones. Noong 2006, may 3000 propesyonal na mangaka ang nagtatrabaho sa Hapon.[1]

Nag-aaral ang ilang artista sa isnag kolehiyong pang-sining, paaralan na may kaugnayan sa manga, o kumuha ng tiwala sa isa ring mangaka, bago pumasok sa mundo ng propesyonal na artista. Subalit, may ilang tao na ang nagsimula ng isang manga kahit na wala ang kanyang katulong o ang pakikipagpaligsahan sa mga magasin. Halimbawa, nanalo si Naoko Takeuchi, ang gumawa ng Sailor Moon, sa isang patimpalak na sinusuportahan ng Kodansha, at nagsimula si Osamu Tezuka, ang gumawa naman ng Astro Boy kahit na walang katulong.

Magiging sikat ang isang mangaka sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang abilidad kapag umalaba ang kanilang interes sa institusyon, indibidwal o isang demograpiko ng kumokunsumo ng manga. Hamlimbawa, mayroong ilang paligsahan na kung saan maaaring sumali ang isang mangaka, na sinusuportahan ng mga tagabago at tagalimbag ng manga. Kinikilala rin sila sa bilang ng manga na kanilang ginawa sa isang panahon lamang.[2]


Talababa[baguhin]

  1. McCarthy, Helen (2006). "Manga: A Brief History". 500 Manga Heroes & Villains. Hauppauge, New York, USA: Chrysalis Book Group. pp. 14. ISBN 978-0-7641-3201-8. 
  2. Schodt, Frederik L.: Manga! Manga!: The World of Japanese Comics, Kodansha International, August 18, 1997, ISBN 0-87011-752-1