Matcha

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Matcha
UriTsaang lunti

Ibang pangalan抹茶, "pinong pulbos na tsaa"
PinagmulanTsina

Maikling paglalarawanPulbos na tsaang lunti na ginilingang-bato mula sa Tsina

Pangalan ayon sa rehiyon
"Matcha" in Hanzⅰ
Pangalang Tsino
Tsino抹茶
Pangalang Koreano
Hangul말차
Hanja抹茶
Ibanag pangalang Koreano
Hangul가루차
Pangalang Hapones
Kanji抹茶
Kanaまっちゃ

Ang matcha[a] (抹茶) ay pinong pulbos ng dahon ng tsaang lunti na may espesyal paglilinang at pagpoproseso. Nagmula ito sa Tsina at tradisyonal ang pagkokonsumo nito sa Silangang Asya. Nagaganap ang karamihan ng produksiyon sa Hapon ngayon.[1] Pinapalaki sa malilim na lugar ang mga halamang ginagamit para sa matcha sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo bago ang pag-aani; tinatanggal ang mga tangkay at ugat sa pagpoproseso. Habang lumalago sa lilim, nagpoprodus ang halamang Camellia sinensis ng mas maraming teanina at kapeina. Iba ang pagkokonsumo ng pinulbos na matcha kumpara sa dahon o supot, dahil nakasuspinde ito sa likido, karaniwan tubig o gatas.

Isang tasa ng tsaang matcha

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Tsina noong dinastiyang Tang (618–907), pinasingawan ang mga dahon ng tsaa at ginagawang bloke para maitago at maikalakal. Inihanda ang tsaa sa pagbusa at pagdurog sa tsaa, dinekokta ang resultang pulbos sa mainit na tubig, at binudburan ng asin.[2] Noong dinastiyang Song (960–1279), pumatok ang paraan ng paggawa ng pinulbos na tsaa mula sa pinasingawang dahong tsaa na pinatuyo at ang paraan ng paghanda ng inumin sa pagbabati ng pinulbos na tsaa at mainit na tubig sa tason.[3]

Ginawang ritwal ng mga Budistang Chan ang paghahanda at pagkokonsumo ng pinulbos na tsaa. Inilarawan nang detalyado ng pinakaunang natitirang kodigong monastiko ng mga Chan, na pinamagatang Chanyuan Qinggui (Mga Tuntunin ng Kadalisayan para sa Monasteryong Chan, 1103), ang etiketa para sa mga seremonya ng tsaa.[3][4]

Dinala sa Hapon ang Budismong Zen at mga paraan ng paghahanda ng pinulbos na tsaa ni Eisai noong 1191. Sa Hapon, naging mahalagang bagay ito sa mga monasteryong Zen, at mula ika-14 hanggang ika-16 na siglo, lubos na pinahahalagahan ito ng mga miyembro ng matataas na antas ng lipunan.

Noong dinastiyang Yuan sa Tsina, sumikat ang babad-dahon na tsaa kumpara sa mga detalyadong ritwal ukol sa binating tsaa na nilinang sa korteng Song. Kaya unti-unting nawala sa Tsina ang uri ng tsaa na kilala natin ngayon bilang matcha, at imbes nito, luminang sa Hapon ayon sa mga estetiko at prinsipyo ng mga Hapones.[1]

Produksiyon[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinalamig na tsaang tencha, pinakuluan mula sa dahon na ginagamit sa paggawa ng pinulbos na matcha

Gawa ang matcha sa mga dahong tsaa na pinalaki sa lilim na ginagamit din sa paggawa ng gyokuro. Nagsisimula ang paghahanda ng matcha ilang linggo bago ang pag-aani at maaari tumagal nang hanggang 20 araw, kung kailan tinatakpan ang mga palumpong para maiwasan ang direktang liwanag ng araw. Nagpapabagal ito sa pagtubo ng halaman, nagpapataas ng kloropila, nagpapaitim sa dahon, at nagpapaprodus ng mga asidong amino, lalo na ang teanina. Pagkatapos anihin, kung inirolyo ang mga dahon bago ipatuyo katulad ng paggawa sa sencha (煎茶), tsaang gyokuro (hamog-hade) ang magiging resulta. Sapagkat kung inilatag ang mga dahon para matuyo, Magwawatak-watak nang konti ang mga dahon at magiging tencha (碾茶) ito. Pagkatapos, maaaring tanggalin ang ugat at tangkay, at igiling ang tencha sa bato para maging ang pino, matingkad-berde, at malatalkong pulbos na kilala bilang matcha.[1]

Talababa[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "Matcha", ang pinakaraniwang baybay, at naaayon sa romanisasyong Hepburn ng hiraganang まっちゃ. Sa romanisasyong Kunrei-shiki (ISO 3602), "mattya" ang baybay nito. Di-pamantayan at di-karaniwan ang baybay na "maccha".

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. 1.0 1.1 1.2 Heiss, Mary Lou; Heiss, Robert J. (2007). "Japan: Unique Teas and Introspective Customs". The Story of Tea: A Cultural History and Drinking Guide [Ang Kuwento ng Tsaa: Isang Kasaysayang Pangkultura at Gabay sa Pag-inom] (sa Ingles). New York: Ten Speed Press. ISBN 978-1-60774-172-5.
  2. Han Wei, "Tang Dynasty Tea Utensils and Tea Culture: Recent Discoveries at Famen Temple" [Kagamitang Pangtsaa at Kultura ng Tsaa Noong Dinastiyang Tang: Mga Kamakailangang Pagtuklas sa Templong Famen] (sa wikang Ingles), sa Chanoyu Quarterly blg. 74 (1993)
  3. 3.0 3.1 Tsutsui Hiroichi, "Tea-drinking Customs in Japan" [Kaugalian sa Pag-iinom ng Tsaa sa Hapon] (sa wikang Ingles), papel sa Seminar Papers: The 4th International Tea Culture Festival. Korean Tea Culture Association, 1996.
  4. "thezensite: The Origins of Buddhist Monastic Codes in China; book review" [thezensite: Ang Pinagmulan ng mga Budistang Kodigong Monastiko sa Tsina; pagsusuri ng aklat] (sa Ingles). thezensite. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Pebrero 2009. Nakuha noong 11 Marso 2009.