Mga panandang pangkasaysayan ng Pilipinas
Ang mga panandang pangkasaysayan ay inilalagay ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (National Historical Commission of the Philippines o NHCP) sa Pilipinas at mga piling lugar sa labas ng bansa na nagpapahayag ng mahahalagang pangyayari, personalidad,[1][2] estruktura,[3] at mga institusyon mula sa pambansa at lokal na kasaysayan ng Pilipinas.[4] Ang mga plakang ito ay nagsisilbing permanenteng pahiwatig na ikinakabit sa pampublikong lokasyon ng mga gusali, monumento, o natatanging lugar. Ang mga lokal na munisipalidad at lungsod ay maaari ring maglagay ng mga pananda ng mahahalagang personalidad o pangyayari na mahalaga sa lokalidad. Maaari silang makakuha ng permiso mula sa komisyon, ngunit hindi pinahihintulutan ang paglalagay ng sagisag ng Republika ng Pilipinas.[5]
Bagaman maraming Pagmamay-aring Pangkultura ay may mga nakakabit na panandang pangkasaysayan, hindi lahat ng mga pananda ay nakaayon sa isa sa mga tiyak na kategorya ng mga Pagmamay-aring Pangkultura. Noong Enero 2012, ang buong bilang ng mga panandang pangkasaysayan ay 459.[6] Ngunit sa mga listahang ito, ang bilang ng mga pananda ay umaabot ng higit sa 1,300.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bago ang 1933, ilang sibikong pagkilos ang magsumikap na maglagay ng palatandaan sa mga makasaysayang pook at magtaguyod ng mga bantayog, gaya ng sa Sigaw ng Pugad Lawin, Bantayog ni Rizal, at lugar ng kapanganakan ni Andrés Bonifacio.
Ang pinakanauna sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan o National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ay ang Komite sa Pananaliksik Pangkasaysayang Filipino at mga Pananda. Itinatag noong Oktubre 23, 1933[7] sa ilalim ng Executive Order 451 sa ilalim ni Gobernador Frank Murphy sa panahong kolonyal ng Amerika, isa sa mga pangunahing tungkulin nito ay itakda ang mga pangkultura at pangkasaysayang mga niluma sa Maynila, na kung saan ginawa na rin sa buong Pilipinas. Ang mga unang marker na ikinabit noong 1934 ay Church of San Agustin, Fort Santiago, Plaza McKinley, Roman Catholic Cathedral of Manila, San Sebastian Church, Concordia College, Manila Railroad Company, Dr. Lorenzo Negrao, at Unibersidad ng Santo Tomas (kinalalagyan sa Intramuros). Ang ilan sa mga pananda ay nawala o nasira noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at mga bagong pananda ang ikinabit bilang pamalit para sa Simbahan ng San Agustin at Katedral ng Maynila. Ang batayan na hugis ng mga pananda ay nagbago sa pagdaan ng panahon. Sa pagdaan ng mga panahon, may mga pananda na naitatalang nawawala o ninanakaw at ibinebenta bilang mga bakal na ikakalakal.[8] Ang paglalagay ng mga pananda ay itinuloy ng mga sumunod sa PHRMC: ang Philippines Historical Committee (PHC), Pambansang Suriang Pangkasaysayan (National Historical Institute o NHI), at ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan o (National Historical Commission of the Philippines o NHCP). Nag-iba rin ang estilo ng mga pananda sa pagdaan ng mga taon.
Ang wika ng mga pananda ay pangunahin at nakararami sa Filipino, na mayroon din sa Ingles ay Espanyol. Ang unang pananda sa isang wikang rehiyonal ay inilagay sa Kapitolyo ng Lalawigan ng Cebu sa Lungsod Cebu. Ang mga pananda, sa parehong Cebuano at Filipino, ay inilagay noong 2008. Ang unang pananda sa Ilocano ay ikinabit sa Mansion House sa Lungsod Baguio noong 2009. Ang unang pananda sa Kapampangan at ikinabit upang ipagpunyagi ang Simbahan ng Lungsod Angeles noong 2017. Ang mga pananda sa labas ng bansa ay maaari ring nakasulat sa lokal na wika ng lugar kung saan ito ikinabit, gaya ng sa Berlin, Alemanya[9] na nakasulat sa Aleman at sa Ghent, Belhika,[10] na nakasulat sa Pranses (parehong pinagpupunyagi ng mga pananda si José Rizal). Dalawa sa mga unang pananda sa labas ng Pilipinas ay ikinabit sa Ghent, Belhika, kung saan tumira si José Rizal habang inilathala ang El Filibusterismo, at sa Dezhou, Tsina, kung saan si Paduka Batara, isang Hari ng Sulu na nagbigay ng tributo sa Emperador Yongle, ay tumira roon. Parehong ikinabit ang mga pananda noong 1959.
Pinakamarami ang mga pananda na may kinalaman kay Rizal, at nabanggit ng historyador na si Teodoro A. Agoncillo na noong panahon niya (nanilbihan siya sa NHCP mula 1963 hanggang 1985), na ang kanilang mga pinagsisikapan ay kalakhang nauubos sa pag-apruba, pagtatalakay, at muling pagsulat ng mga nakasulat sa mga pananda. Sa dami ng mga pananda na may kinalaman kay Rizal, biniro niya, “Aba! Pati ba naman eskinitang inihian ni Rizal ibig lagyan ng marker!”[11]
Noong 200, habang isinasagawa ang seremonyas ng pag-aalis ng tabing ng panandang National Federation of Women's Clubs in the Philippines sa Manila Hotel, nagbiro ang dating pangulo na si Fidel Ramos na ang paghahawi ng tabing pataas ay nagpaalala sa kaniya ng streaptease, at napatawa ang lahat. Iyon na ang huling pagkakataon na hinahawi ang tabing pataas, at mula noon, hinihila na lamang ang mga tabing.[12]
Noong 2011, sinabi ng NHCP na magsisikap pa ito na maglakay ng mas maraming pananda sa Visayas at Mindanao para sa kanilang lalong paglaki ng papel sa pambansang kasaysayan, sapagkat kalakhan ng mga pananda ay sa Luzon.
Ang Kudan o ang gusali ng embahada ng Pilipinas sa Tokyo ay itinakda bilang isang palatandaang pangkasaysayan ng NHCP at ginawaran ng pananda noong marso 3, 2004. Ito ang una at kasalukuyang natatanging pook sa labas na maging palatandaang pangkasaysayan.[13] Sa paghahawi ng tabing, binanggit ni Embahador Manuel Lopez na ang gusali bilang isang hiyas ng paglilingkod panlabas ng Pilipinas.[14]
Noong Hunyo 3, 2016, nagbigay ng pananda ang NHCP sa isang walang pangalang personalidad sa unang pagkakataon. Isang pananda ang inilagay sa Macabebe, pinararangalan ang pinuno ng Labanan ng Bangkusay, ang "unang katutubo na nagbuwis ng buhay para sa kalayaan."[15]
Mga panandang pangkasaysayan sa mga Rehiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga talaan ng mga panandang pangkasaysayan na ikinabit ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ay isang anotadong talaan ng mga tao, lugar, at pangyayari sa kasaysayan na inalala ng nasabing komisyon sa pamamagitan ng mga plakang cast-iron.
Mayroon ding mga panandang ikinabit ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan sa labas ng Pilipinas na may kinalaman sa bansa, at may hiwalay na talaan sa mga panandang ito.
- Pambansang Punong Rehiyon
- Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera
- Rehiyon I: Rehiyong Ilocos
- Rehiyon II: Lambak ng Cagayan
- Rehiyon III: Gitnang Luzon
- Rehiyon IV-A: Calabarzon
- Rehiyon IV-B: Mimaropa
- Rehiyon V: Rehiyong Bicol
- Rehiyon VI: Kanlurang Kabisayaan
- Pulo ng Negros
- Rehiyon VII: Gitnang Kabisayaan
- Rehiyon VIII: Silangang Kabisayaan
- Rehiyon IX: Tangway ng Zamboanga
- Rehiyon X: Hilagang Mindanao
- Rehiyon XI: Rehiyong ng Davao
- Rehiyon XII: Soccsksargen
- Rehiyon XIII: Caraga
- Awtonomong Rehiyon sa Muslim Mindanao
- Sa ibayong bansa
Galeriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Ateneo de Manila, Intramuros, Maynila (kasalukuyang nasa Komisyon)
-
Nielson Tower, Ayala, Lungsod Makati
-
Pang-alaalang Bantayog (World War II heroes of Pasig memorial), Abenida Caruncho, Malinao, Lungsod
-
Leon Ma. Guerrero (1915 - 1982), Nuestra Señora de Guia Plaza, Ermita, Maynila
-
Baguio Teachers' Camp, Lungsod Baguio
-
Mansion Syquia, Lungsod Vigan, Ilocos Sur
-
Simbahan ng Tumauini, Tumauini, Isabela
-
Republika Pilipina 1898-1901, Simbahan ng Inmaculada Concepcion, Lungsod Malolos, Bulacan
-
Simbahan ng Ibaan, Ibaan, Batangas
-
Labinlimang Martir ng Bicol, Lungsod Naga, Camarines Sur
-
Simbahan ng Miag-ao, Miag-ao, Iloilo
-
Tahanan ni Carlos P. Garcia, Lungsod Tagbilaran, Bohol
-
Kutang Pilar, Lungsod Zamboanga
-
Simbahang Inmaculada Concepcion ng Tamontaka, Lungsod Cotabato
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Talaan ng mga Pagmamamay-aring Pangkultura ng Pilipinas
- Talaan ng mga Pambansang Yamang Pangkultura ng Pilipians
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Cardinal's historical marker unveiled". GMA News. 7 Setyembre 2008. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Orejas, Tonette (13 Hunyo 2016). "NHCP corrects error over true hero of Battle of Bangkusay". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Reyes, Jonas (27 Nobyembre 2013). "Historical marker in Subic unveiled". Manila Bulletin. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Rosales, Mellanie (3 Disyembre 2010). "UP Cebu unveils historical marker". The Freeman. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://drive.google.com/file/d/0B9c6mrxI4zoYN0Ewdlk4WG9Ha28/view
- ↑ "LIST OF HISTORIC SITES AND STRUCTURES INSTALLED WITH HISTORICAL MARKERS" (PDF). National Historical Commission of the Philippines. 16 Enero 2012. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 31 Hulyo 2013. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Historical Markers Placed by the Philippine Historical Committee. Maynila: Bureau of Printing. 1958.
- ↑ Ocampo, Ambeth R. "Circumnavigator's paradox". Retrieved 2017-12-21.
- ↑ https://www.wikidata.org/wiki/Q23854678
- ↑ https://www.wikidata.org/wiki/Q30127147.
- ↑ Ocampo, Ambeth R. "Circumnavigator's paradox". Retrieved 2017-12-21.
- ↑ "PressReader.com - Connecting People Through News". www.pressreader.com. Retrieved 2018-01-29.
- ↑ "Envoy's residence in Japan becomes PHL's 1st overseas historical landmark". GMA News Online. Retrieved 2018-01-29.
- ↑ "Philippine Ambassador's Official Residence in Tokyo Proclaimed Philippine "National Historical Landmark" | Philippine Embassy – Tokyo, Japan". tokyo.philembassy.net. Retrieved 2018-01-29.
- ↑ "PressReader.com - Connecting People Through News". www.pressreader.com. Retrieved 2017-12-20.
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Isang talaan ng mga lugar at estruktura na may mga panandang pangkasaysayan noong 16 Enero 2012 Naka-arkibo 31 July 2013[Date mismatch] sa Wayback Machine.
- Isang talaan ng mga institusyon na may mga panandang pangkasaysayan noong 16 Enero 2012 Naka-arkibo 2 May 2013[Date mismatch] sa Wayback Machine.
- National Registry of Historic Sites and Structures in the Philippines
- Mga Palatuntunan sa Pagkabit ng mga Panandang Pangkasaysayan Naka-arkibo 2013-07-31 sa Wayback Machine.
Padron:Historical Markers of the Philippines Padron:Philippine Registry of Cultural Property