Olyokminsk

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Olyokminsk
Олёкминск (Wikang Ruso)
Өлүөхүмэ (Yakut)
-  Lungsod[1]  -
Lungsod sa ilalim ng hurisdiksiyon ng distrito[1]
Olyokminsk is located in Russia
Olyokminsk
Olyokminsk
Lokasyon ng Olyokminsk sa Rusya
Koordinado: 60°22′N 120°25′E / 60.367°N 120.417°E / 60.367; 120.417Mga koordinado: 60°22′N 120°25′E / 60.367°N 120.417°E / 60.367; 120.417
Coat of Arms of Olekminsk (Yakutia) (1790).png
Eskudo de armas
Kalagayang administratibo (as of June 2009)
BansaRusya
Kasakupang pederalRepublika ng Sakha[1]
Distritong administratiboDistrito ng Olyokminsky[1]
LungsodOlyokminsk[1]
Sentrong administratibo ngDistrito ng Olyokminsky,[1] Lungsod ng Olyokminsk[1]
Kalagayang munisipal (as of April 2012)
Distritong munisipalOlyokminsky Municipal District[2]
Urban na kapookanOlyokminsk Urban Settlement[2]
Sentrong administratibo ngOlyokminsky Municipal District,[3] Olyokminsk Urban Settlement[2]
Pinuno[kailangan ng sanggunian]Semyon Fedulov[kailangan ng sanggunian]
Estadistika
Populasyon (Sensus ng 2010)9,494 inhabitants[4]
Itinatag1635[1]
Katayuang Lungsod mula noong1783[kailangan ng sanggunian]
(Mga) kodigo postal[5]678100, 678139
(Mga) kodigong pantawag+7 41138[kailangan ng sanggunian]

Ang Olyokminsk (Ruso: Олёкминск, IPA [ɐˈlʲɵkmʲɪnsk]; Yakut: Өлүөхүмэ, Ölüöxümə) ay isang lungsod at sentrong pampangasiwaan ng Distrito ng Olyokminsky sa Republika ng Sakha, Rusya. Matatagpuan ito sa kaliwang pampang ng Ilog Lena, 651 kilometro (405 milya) timog-kanluran ng Yakutsk, ang kabisera ng republika. Ang populasyon nito (ayon sa Senso 2010) ay 9,494 katao.[4]

Kilala ang lungsod sa ilang mga gusaling gawa sa kahoy na matatag pa rin kahit na buhat ang mga ito bago ang ika-20 dantaon wooden architecture, kasama ang Kapilya ng Alexander Nevsky (1891) at ang Katedral ng Ating Tagapagligtas (1860).

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Itinatag ito noong 1635[1] bilang isang ostrog ng mga Cossack na pinamunuan ni Pyotr Beketov, sa kaliwang pampang ng Ilog Lena katapat ng bunganga ng Ilog Olyokma. Inilipat kalaunan ang kuta nang ilang kilometro salungat sa agos, sa isang kinatatayuang hindi gaanong bahain kapag tagsibol.

Bilang tagpuan ng trapiko sa ilog sa Lena at Olyokma, naging himpilan ito para sa mga ekspedisyon ng mga Ruso pasilangan at kalaunan ay naging sentro ng pangangalakal sa ruta ng ilog patungong Yakutsk. Ginawaran ito ng katayuang panlungsod noong 1783.

Dito ipinatapon ang mga Disyembristang manghihimagsik na sina Nikolay Chizhov at Andrey Andreyev.

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, itinayo rito ang isang palapagan para sa rutang panghimpapawid ng Alaska-Siberia (ALSIB) na ginamit upang ilulan ang Amerikanong mga sasakyang panghimpapawid ng palatuntunang Lend-Lease patungong Silangang Prontera.[6]

Demograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Historical population
TaonPop.±%
1979 10,595—    
1989 11,478+8.3%
2002 10,003−12.9%
2010 9,494−5.1%
Senso 2010: [4]; Senso 2002: [7]; Senso 1989: [8]; Senso 1979: [9]

Ekonomiya at impraestruktura[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pagproseso ng tabla at ang isang planta ng kuryente ay mga pangunahing bahagi ng ekonomiya ng lungsod, pati na rin ang pagsasaka sa paligid nito.

Pinaglilingkuran ang Olyokminsk ng Paliparan ng Olyokminsk Airport (IATA: OLZ).

Klima[baguhin | baguhin ang batayan]

Amg Olyokminsk ay may klimang subartiko (Köppen climate classification Dfc). Ang mga taglamig ay may mga katamtamang temperatura mula –34.6 hanggang −26.6 °C (−30.3 hanggang −15.9 °F) sa Enero, habang ang mga tag-init ay may mga katamtamang temperatura mula +12.0 hanggang +24.8 °C (53.6 hanggang 76.6 °F) sa Hulyo. Sa mga buwan ng tag-init ng Hunyo, Hulyo, at Agosto, kadalasang lumalagpas sa +30 °C (86 °F) ang mga temperatura tuwing araw. Mas-mataas ang pag-ulan sa tag-init kaysa sa ibang mga bahagi ng taon.

Malak ng kapanahunan sa Olyokminsk
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taunan
Sukdulang taas °S (°P) 2.8
(37)
1.0
(33.8)
11.2
(52.2)
18.8
(65.8)
31.9
(89.4)
35.4
(95.7)
36.5
(97.7)
37.7
(99.9)
31.9
(89.4)
18.2
(64.8)
6.1
(43)
−0.7
(30.7)
37.7
(99.9)
Balasaking taas °S (°P) −26.6
(−15.9)
−20.4
(−4.7)
−8.1
(17.4)
3.3
(37.9)
13.3
(55.9)
22.2
(72)
24.8
(76.6)
21.2
(70.2)
11.5
(52.7)
−0.8
(30.6)
−16.6
(2.1)
−26.0
(−14.8)
−0.18
(31.67)
Arawang tamtaman °S (°P) −30.7
(−23.3)
−25.9
(−14.6)
−15.1
(4.8)
−2.9
(26.8)
7.1
(44.8)
15.3
(59.5)
18.4
(65.1)
14.6
(58.3)
6.1
(43)
−5.0
(23)
−20.8
(−5.4)
−29.9
(−21.8)
−5.73
(21.68)
Balasaking baba °S (°P) −34.6
(−30.3)
−30.7
(−23.3)
−21.8
(−7.2)
−9.2
(15.4)
1.0
(33.8)
8.5
(47.3)
12.0
(53.6)
8.8
(47.8)
1.4
(34.5)
−9.0
(15.8)
−24.9
(−12.8)
−33.7
(−28.7)
−11.02
(12.16)
Sukdulang baba °S (°P) −60.1
(−76.2)
−57.6
(−71.7)
−47.4
(−53.3)
−35.1
(−31.2)
−16.1
(3)
−4.7
(23.5)
0.2
(32.4)
−4.4
(24.1)
−14.5
(5.9)
−32.1
(−25.8)
−49.1
(−56.4)
−57.2
(−71)
−60.1
(−76.2)
Balasaking kadanligan mm (dali) 17
(0.67)
11
(0.43)
9
(0.35)
10
(0.39)
32
(1.26)
39
(1.54)
58
(2.28)
50
(1.97)
40
(1.57)
21
(0.83)
21
(0.83)
18
(0.71)
326
(12.83)
Araw ng balasaking pag-ulan 0 0 0.2 3 15 16 15 15 16 5 0.1 0 85.3
Araw ng balasaking pag-niyebe 27 23 18 11 3 0.1 0 0 2 20 27 27 158.1
Balasaking halumigmig na matungay (%) 80 79 71 60 57 63 69 74 75 77 82 80 72.3
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 38 116 211 249 268 295 308 241 152 93 60 17 2,048
Sanggunian #1: pogoda.ru.net,[10]
Sanggunian #2: NOAA (sun only, 1961-1990)[11]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 1.8 Registry of the Administrative-Territorial Divisions of the Sakha Republic
  2. 2.0 2.1 2.2 Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Ref531); $2
  3. Law #172-Z #351-III
  4. 4.0 4.1 4.2 Russian Federal State Statistics Service (2011). "Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1]. Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa Ruso). Russian Federal State Statistics Service.
  5. Почта России. Информационно-вычислительный центр ОАСУ РПО. (Russian Post). Поиск объектов почтовой связи (Postal Objects Search) (sa Ruso)
  6. Igor Lebedev. Aviation Lend-Lease to Russia. Nova Publishers, 1997, pp. 44–49
  7. Russian Federal State Statistics Service (21 May 2004). "Численность населения России, субъектов Российской Федерации в составе федеральных округов, районов, городских поселений, сельских населённых пунктов – районных центров и сельских населённых пунктов с населением 3 тысячи и более человек" [Population of Russia, Its Federal Districts, Federal Subjects, Districts, Urban Localities, Rural Localities—Administrative Centers, and Rural Localities with Population of Over 3,000] (XLS). Всероссийская перепись населения 2002 года [All-Russia Population Census of 2002] (sa Ruso).
  8. "Всесоюзная перепись населения 1989 г. Численность наличного населения союзных и автономных республик, автономных областей и округов, краёв, областей, районов, городских поселений и сёл-райцентров" [All Union Population Census of 1989: Present Population of Union and Autonomous Republics, Autonomous Oblasts and Okrugs, Krais, Oblasts, Districts, Urban Settlements, and Villages Serving as District Administrative Centers]. Всесоюзная перепись населения 1989 года [All-Union Population Census of 1989] (sa Ruso). Институт демографии Национального исследовательского университета: Высшая школа экономики [Institute of Demography at the National Research University: Higher School of Economics]. 1989 – via Demoscope Weekly.
  9. "Всесоюзная перепись населения 1979 г. Национальный состав населения по регионам России" [All Union Population Census of 1979. Ethnic composition of the population by regions of Russia] (XLS). Всесоюзная перепись населения 1979 года [All-Union Population Census of 1979] (sa Ruso). 1979 – via Demoscope Weekly (website of the Institute of Demographics of the State University—Higher School of Economics.
  10. "Weather And Climate - Climate Olekminsk" (sa Russian). Hinango noong January 20, 2013.
  11. "Climate Normals for Olekminsk". National Oceanic and Atmospheric Administration. Hinango noong January 20, 2013.

Mga pinagkunan[baguhin | baguhin ang batayan]