Padron:Unang Pahina/Alam ba ninyo

- ... na ang pangalan ng comune ng Recetto (nakalarawan) ay nagmula sa ricetto, isang uri ng portipikasyon sa Medyebal na Italya na isang pamayanang agrikultural na napaliligiran ng mga tore at pader?
- ... na ang Simbahan ng San Pedro at San Pablo sa Potsdam, Alemanya ay halimbawa ng arkitekturang eklektiko, pinaghahalo ang mga elemento ng mga estilong Bisantino, Romaniko, at Klasisismo?
- ... na ang Kastilyo Sforza, na itinayo ni Francesco Sforza noong ika-15 siglo, ay itinayo sa parehong pook ng Castrum Portae Jovis, ang castra pretoria o kuta ng Guwardiyang Pretoryano nang ang Milan ay nagsilbing kabesera ng Imperyong Romano?
- ... na ang pinakakilalang gusali ng Pamantasan ng Genova ay idinisenyo ng arkitektong si Bartolomeo Bianco?
- ... na ilang pamilya na lang ang gumagawa pa rin ng asin tibuok at tultul, dalawang tradisyonal at kakaibang asin mula sa Pilipinas?
- ... na pinanghihinalaang nagkaroon ng relasyon ang babaeng pintor na si Louise Abbéma at ang aktres na si Sarah Bernhardt?