Pumunta sa nilalaman

Pagbubuhat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pares ng naiaakmang dambel na may mga tig-2 kg (4.4 lb) na plato

Karaniwang tumutukoy ang pagbubuhat sa mga ehersisyong pisikal at palakasan kung saan nagbubuhat ang mga tao ng mga pabigat, kadalasan sa anyong dambel o barbel. Iba't iba ang dahilan ng mga tao para magbuhat. Maaaring kabilang dito ang: pagpapalakas ng katawan; pagtataguyod ng kalusugan at angkop na pangangatawan; pakikipagkumpitensya sa mga palakasan; at pagbuo ng matipuno at magandang pangangatawan.[1]

Isang tiyak na uri ng pagbubuhat ang Olimikong pagbubuhat sa palarong Olimpiko, karaniwang tinatawag na "pagbubuhat" lamang. Kabilang sa mga ibang palakasang pagbubuhat ang powerlifting, kettlebell lifting, at para powerlifting—ang pagbubuhat sa palarong Paralimpiko. Maaaring uriin ang pagbubuhat ayon sa iba't ibang paraan ng pagbubuhat ng pabigat, at/o ang mga binubuhat na pabigat. Mahalagang bahagi ang pagbubuhat sa atletismong lakas.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. See Brian J. Sharkey, Steven E. Gaskill, Fitness and Health (2007) [Kaangkupan at Kalusugan] (sa wikang Ingles), pa. 142, "Ang pagbubuhat gamit ang mga makina o mga libreng pesas ay karaniwang anyo ng isotonikong pagsasanay (Isinalin mula sa Ingles)".