Pumunta sa nilalaman

Paligsahang Pang-awitin ng Eurovision para sa mga Bata 2023

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Junior Eurovision Song Contest 2023 ay ang ika-21 na edisyon ng Junior Eurovision Song Contest na inorganisa ng European Broadcasting Union (EBU) at ng host broadcaster France Télévisions. Naganap ang paligsahan noong ika-26 ng Nobyembre 2023 sa Palais Nikaïa sa siyudad ng Niza sa Pransiya, matapos ang pagkapanalo ng bansa noong 2022 ng kantang Oh maman! [fr] ni Lissandro [fr]. Ito ang ikalawang pagkakataon na nag-host ang Pransiya ng Junior Eurovision Song Contest, ang pinakauna bilang Paris noong 2021.

Labing-anim na mga bansa ang nakilahok sa paligsahan, kasama na ang Estonya na makikilahok sa una nitong pagkakataon at ang Alemanya na babalik matapos ang pagliban nito noong nakaraang taon. Habang, ang Kasakistan at Serbia ay hindi nakilahok sa edisyon na ito. Ito rin ang unang pagkakataon na ang mga bansang nasa "Big Five" (Alemanya, Espanya, Italya, Pransiya, at Reyno Unido) sa Eurovision Song Contest ay sama-samang makikilahok sa paligsahan.

Si Zoé Clauzure ng Pransiya ang nagwagi ng paligsahan ng may kantang "Cœur". Ang Pransiya ang ikalawang bansang manalo sa Junior Eurovision Song Contest nang sunod-sunod, matapos ang Poland noong 2018 at 2019. Ang tatlong panalo ng Pransiya ang tumabla sa bilang ng panalo ng bansang Heorhiya, ang may hawak ng record sa may pinakamaraming panalo sa Junior Eurovision. Ang Espanya, Armenya, Reyno Unido and Ukranya ang kumumpleto ng top five. Samantala, ang Alemanya ay nakakuha ng pinakamataas nitong resulta (ika-9) at ang Albanya ay nakakuha ng ikalawang pinakamataas na resulta (ika-8). Habang ang Heorhiya naman ay tumabla sa kanilang pinakamababang resulta (ika-14) at ang Irlanda ay nagtapos ng huling puwesto sa una nitong pagkakataon.

Lokasyon[baguhin | baguhin ang wikitext]

Palais Nikaïa, ang lokasyon ng 2023 contest.

Naganap ang paligsahan sa Palais Nikaïa sa Niza,[1] matapos ang pagkawagi ng bansa sa 2022 edisyon ng kantang "Oh maman!" ni Lissandro.[2][3] Ito ang ikalawang beses na magho-host ang Pransiya ng Junior Eurovision Song Contest, ang ika-una bilang Paris noong 2021.[4]

Mga Bansang Kalahok[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Agosto 29, 2023, inanunsyo ng EBU na 16 na bansa ang lalahok sa paligsahan, kung saan ang Estonya ay magde-debut at bumalik ang Alemanya pagkatapos ng isang taong pagliban, habang ang Kasakistan at Serbia ay hindi lalahok. [5]

Mga Kalahok sa Junior Eurovision Song Contest 2023[6][7]
                Mga Bansahan na ng lumahok



Bansa Brodkaster (Mga) Mang-aawit Kanta Salin sa Tagalog Wika (Mga) Manunulat ng Kanta
 Albanya RTSH Viola Gjyzeli "Bota ime" "Ang Aking Mundo" Albanes
  • Eriona Rushiti
  • Enis Mullaj
 Alemanya NDR Fia "Ohne Worte" "Walang mga Salita" Aleman[a]
 Armenya AMPTV Yan Girls "Do It My Way" "Gawin Ko ng Aking Paraan" Armenyo, Ingles
 Espanya RTVE Sandra Valero "Loviu" "Mahal Kita" Kastila[b]
Estonia Estonya ERR Arhanna "Hoiame kokku" "Manatiling Sama-sama" Estonyo, Ingles
 Heorhiya GPB Anastasia at Ranina "Over the Sky" "Sa Ibabaw ng Kalangitan" Heorhiyano, Ingles
  • Betkho
  • Mebo Nutsubidze
 Hilagang Macedonia MRT Tamara Grujeska "Kaži mi, kaži mi koj" (Кажи ми, кажи ми кој) "Sabihin Mo, Sabihin Mo kung Sino" Macedonio, Ingles
 Irlanda TG4 Jessica McKean[c] "Aisling" "Panaginip" Irlandes
  • Niall Mooney
  • Ken McHugh
  • Will Weeks
  • Niamh Mooney
  • Sophie Lennon
 Italya RAI Melissa at Ranya "Un mondo giusto" "Isang Makatarungang Mundo" Italyano, Ingles
 Malta PBS Yulan "Stronger" "Mas Malakas" Ingles
  • John-Emil Johansson
  • Sandra Wikström
  • Isak Alvedahl
  • Elise Hedengren
  • Yulan
Netherlands Nederlandiya AVROTROS Sep at Jasmijn "Holding On to You" "Nakahawak Sa'yo" Olandes, Ingles Robert Dorn
 Polonya TVP Maja Krzyżewska "I Just Need a Friend" "Kailangan Ko Lang ng Isang Kaibigan" Polako, Ingles
 Portugal RTP Júlia Machado "Where I Belong" "Kung Saan Ako Nabibilang" Portuges, Ingles
 Pransiya France Télévisions Zoé Clauzure "Cœur" "Puso" Pranses
  • Noée Francheteau
  • Julien Comblat
  • Jérémy Chapron
 Reyno Unido BBC Stand Uniqu3 "Back to Life" "Balik sa Buhay" Ingles
  • Sky Adams
  • Jakke Erixson
  • Jack Hawitt
 Ukranya UA:PBC Anastasia Dymyd "Kvitka" (Квітка) "Bulaklak" Ukranyo, Ingles Svitlana Tarabarova

Mga Taga-presenta[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga taga-presenta simula sa kaliwa hanggang kanan: Laury Thilleman, Olivier Minne at Ophenya

Sina Laury Thilleman, Olivier Minne, at Ophenya ang mga taga-presenta ng palabas;[9] Si Olivier Minne ay dating nagpresenta ng 2021 edisyon. Si Ophenya naman, isang Pranses na influencer, ay naging isang "digital ambassador", na gumagawa ng mga posts sa social media channels ng Junior Eurovision.[10]

Ang opening ceremony, na naganap noong ika-20 ng Nobyembre sa Hotel Negresco, ay prinesenta nina Carla Lazzari, lumahok para sa Pransiya sa Junior Eurovision Song Contest 2019, at Manon Théodet. Habang nagaganap ang seremonya, ang bawat delegasyon ay tinanggap nina Laura Tenoudji at Ophenya, at isinagawa ang draw.

Resulta[baguhin | baguhin ang wikitext]

R/O Bansa Mang-aawit Kanta Salin Puntos Puwesto
1 Espanya Espanya Sandra Valero "Loviu" "Mahal Kita" 201 2
2 Malta Malta Yulan "Stronger" "Mas Malakas" 94 10
3 Ukraine Ukranya Anastasia Dymyd "Kvitka" "Bulaklak" 128 5
4 Republic of Ireland Irlanda Jessica McKean[c] "Aisling" "Panaginip" 42 16
5 United Kingdom Reyno Unido Stand Uniqu3 "Back to Life" "Balik sa Buhay" 160 4
6 Hilagang Macedonia Hilagang Macedonia Tamara Grujeska "Kaži mi, kaži mi koj" "Sabihin Mo, Sabihin Mo kung Sino" 76 12
7 Estonia Estonya Arhanna "Hoiame kokku" "Manatiling Sama-sama" 49 15
8 Armenya Armenya Yan Girls "Do It My Way" "Gawin Ko sa Aking Paraan" 180 3
9 Poland Polonya Maja Krzyżewska "I Just Need a Friend" "Kailangan Ko Lang ng Isang Kaibagan" 124 6
10 Heorhiya Heorhiya Anastasia at Ranina "Over the Sky" "Sa Ibabaw ng Kalangitan" 74 14
11 Portugal Portugal Júlia Machado "Where I Belong" "Kung Saan Ako Nabibilang" 75 13
12 Pransiya Pransiya Zoé Clauzure "Cœur" "Puso" 228 1
13 Albanya Albanya Viola Gjyzeli "Bota ime" "Ang Aking Mundo" 115 8
14 Italya Italya Melissa at Ranya "Un mondo giusto" "Isang Makatarungang Mundo" 81 11
15 Alemanya Alemanya Fia "Ohne Worte" "Walang mga Salita" 107 9
16 Netherlands Nederlandiya Sep at Jasmijn "Holding On to You" "Nakahawak Sa'yo" 122 7

Detalyadong resulta ng mga boto[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hinating resulta
Puwesto Pinagsama Hurado Botong Online
Bansa Puntos Bansa Puntos Bansa Puntos
1 Pransiya Pransiya 228 Pransiya Pransiya 136 Pransiya Pransiya 92
2 Espanya Espanya 201 Armenya Armenya 116 Espanya Espanya 86
3 Armenya Armenya 180 Espanya Espanya 115 Ukraine Ukranya 83
4 United Kingdom Reyno Unido 160 United Kingdom Reyno Unido 102 Alemanya Alemanya 74
5 Ukraine Ukranya 128 Albanya Albanya 70 Netherlands Nederlandiya 70
6 Poland Polonya 124 Poland Polonya 69 Armenya Armenya 64
7 Netherlands Nederlandiya 122 Netherlands Nederlandiya 52 United Kingdom Reyno Unido 58
8 Albanya Albanya 115 Malta Malta 51 Poland Polonya 55
9 Alemanya Alemanya 107 Ukraine Ukranya 45 Heorhiya Heorhiya 53
10 Malta Malta 94 Hilagang Macedonia Hilagang Macedonia 37 Albanya Albanya

Portugal Portugal

45
11 Italya Italya 81 Italya Italya 37
12 Hilagang Macedonia Hilagang Macedonia 76 Alemanya Alemanya 33 Italya Italya 44
13 Portugal Portugal 75 Portugal Portugal 30 Estonia Estonya

Malta Malta

43
14 Heorhiya Heorhiya 74 Heorhiya Heorhiya 21
15 Estonia Estonya 49 Republic of Ireland Irlanda 8 Hilagang Macedonia Hilagang Macedonia 39
16 Republic of Ireland Irlanda 42 Estonia Estonya 6 Republic of Ireland Irlanda 34












Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "Eurovision Junior – Programmation et infos" [Junior Eurovision – Schedule and info]. Nice Music Live (sa wikang Pranses). 2023-11-26. Nakuha noong 2023-07-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Bashforth, Emily (2022-12-11). "France wins Junior Eurovision 2022 with 13-year-old entry Lissandro". Metro (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Farrant, Theo (12 Disyembre 2022). "France's Lissandro wins Junior Eurovision Song Contest 2022". Euronews. Nakuha noong 2023-07-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Randanne, Fabien (2023-04-03). "Nice accueillera la prochaine édition de l'Eurovision Junior" [Nice to host the next edition of Junior Eurovision]. 20minutes.fr (sa wikang Pranses). Nakuha noong 2023-07-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "16 countries to send 'Heroes' to compete at 21st Junior Eurovision Song Contest | EBU". EBU. 2023-08-29. Nakuha noong 2023-08-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Revealed: The 16 countries participating in Junior Eurovision 2023". European Broadcasting Union (sa wikang Ingles). 2023-08-29. Nakuha noong 2023-08-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Participants of Nice 2023". European Broadcasting Union (EBU). Nakuha noong 29 Agosto 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Granger, Anthony (29 Oktubre 2023). "Portugal: RTP Announces Junior Eurovision 2023 Broadcasting Plans". The song was written and composed by Fernando Daniel, João Direitinho, Aurora Pinto and Twins (as well as by Júlia herself).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Junior Eurovision 2023: Stage and Hosts revealed!". Junioreurovision.tv. European Broadcasting Union. 27 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Rémi (10 Oktubre 2023). "Eurovision Junior 2023 : Laury Thilleman et Olivier Minne à la co-présentation ! (MàJ : Ophenya rejoint le duo)". L'Eurovision au Quotidien (sa wikang Pranses).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2