Paligsahang Pang-awitin ng Eurovision para sa mga Bata 2023
Ang Junior Eurovision Song Contest 2023 ay ang ika-21 na edisyon ng Junior Eurovision Song Contest na inorganisa ng European Broadcasting Union (EBU) at ng host broadcaster France Télévisions. Naganap ang paligsahan noong ika-26 ng Nobyembre 2023 sa Palais Nikaïa sa siyudad ng Niza sa Pransiya, matapos ang pagkapanalo ng bansa noong 2022 ng kantang Oh maman! ni Lissandro . Ito ang ikalawang pagkakataon na nag-host ang Pransiya ng Junior Eurovision Song Contest, ang pinakauna bilang Paris noong 2021.
Labing-anim na mga bansa ang nakilahok sa paligsahan, kasama na ang Estonya na makikilahok sa una nitong pagkakataon at ang Alemanya na babalik matapos ang pagliban nito noong nakaraang taon. Habang, ang Kasakistan at Serbia ay hindi nakilahok sa edisyon na ito. Ito rin ang unang pagkakataon na ang mga bansang nasa "Big Five" (Alemanya, Espanya, Italya, Pransiya, at Reyno Unido) sa Eurovision Song Contest ay sama-samang makikilahok sa paligsahan.
Si Zoé Clauzure ng Pransiya ang nagwagi ng paligsahan ng may kantang "Cœur". Ang Pransiya ang ikalawang bansang manalo sa Junior Eurovision Song Contest nang sunod-sunod, matapos ang Poland noong 2018 at 2019. Ang tatlong panalo ng Pransiya ang tumabla sa bilang ng panalo ng bansang Heorhiya, ang may hawak ng record sa may pinakamaraming panalo sa Junior Eurovision. Ang Espanya, Armenya, Reyno Unido and Ukranya ang kumumpleto ng top five. Samantala, ang Alemanya ay nakakuha ng pinakamataas nitong resulta (ika-9) at ang Albanya ay nakakuha ng ikalawang pinakamataas na resulta (ika-8). Habang ang Heorhiya naman ay tumabla sa kanilang pinakamababang resulta (ika-14) at ang Irlanda ay nagtapos ng huling puwesto sa una nitong pagkakataon.
Lokasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naganap ang paligsahan sa Palais Nikaïa sa Niza,[1] matapos ang pagkawagi ng bansa sa 2022 edisyon ng kantang "Oh maman!" ni Lissandro.[2][3] Ito ang ikalawang beses na magho-host ang Pransiya ng Junior Eurovision Song Contest, ang ika-una bilang Paris noong 2021.[4]
Mga Bansang Kalahok
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Agosto 29, 2023, inanunsyo ng EBU na 16 na bansa ang lalahok sa paligsahan, kung saan ang Estonya ay magde-debut at bumalik ang Alemanya pagkatapos ng isang taong pagliban, habang ang Kasakistan at Serbia ay hindi lalahok. [5]
Bansa | Brodkaster | (Mga) Mang-aawit | Kanta | Salin sa Tagalog | Wika | (Mga) Manunulat ng Kanta |
---|---|---|---|---|---|---|
Albanya | RTSH | Viola Gjyzeli | "Bota ime" | "Ang Aking Mundo" | Albanes |
|
Alemanya | NDR | Fia | "Ohne Worte" | "Walang mga Salita" | Aleman[a] | |
Armenya | AMPTV | Yan Girls | "Do It My Way" | "Gawin Ko ng Aking Paraan" | Armenyo, Ingles |
|
Espanya | RTVE | Sandra Valero | "Loviu" | "Mahal Kita" | Kastila[b] |
|
Estonya | ERR | Arhanna | "Hoiame kokku" | "Manatiling Sama-sama" | Estonyo, Ingles |
|
Heorhiya | GPB | Anastasia at Ranina | "Over the Sky" | "Sa Ibabaw ng Kalangitan" | Heorhiyano, Ingles |
|
Hilagang Macedonia | MRT | Tamara Grujeska | "Kaži mi, kaži mi koj" (Кажи ми, кажи ми кој) | "Sabihin Mo, Sabihin Mo kung Sino" | Macedonio, Ingles |
|
Irlanda | TG4 | Jessica McKean[c] | "Aisling" | "Panaginip" | Irlandes |
|
Italya | RAI | Melissa at Ranya | "Un mondo giusto" | "Isang Makatarungang Mundo" | Italyano, Ingles |
|
Malta | PBS | Yulan | "Stronger" | "Mas Malakas" | Ingles |
|
Nederlandiya | AVROTROS | Sep at Jasmijn | "Holding On to You" | "Nakahawak Sa'yo" | Olandes, Ingles | Robert Dorn |
Polonya | TVP | Maja Krzyżewska | "I Just Need a Friend" | "Kailangan Ko Lang ng Isang Kaibigan" | Polako, Ingles |
|
Portugal | RTP | Júlia Machado | "Where I Belong" | "Kung Saan Ako Nabibilang" | Portuges, Ingles |
|
Pransiya | France Télévisions | Zoé Clauzure | "Cœur" | "Puso" | Pranses |
|
Reyno Unido | BBC | Stand Uniqu3 | "Back to Life" | "Balik sa Buhay" | Ingles |
|
Ukranya | UA:PBC | Anastasia Dymyd | "Kvitka" (Квітка) | "Bulaklak" | Ukranyo, Ingles | Svitlana Tarabarova |
Mga Taga-presenta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sina Laury Thilleman, Olivier Minne, at Ophenya ang mga taga-presenta ng palabas;[9] Si Olivier Minne ay dating nagpresenta ng 2021 edisyon. Si Ophenya naman, isang Pranses na influencer, ay naging isang "digital ambassador", na gumagawa ng mga posts sa social media channels ng Junior Eurovision.[10]
Ang opening ceremony, na naganap noong ika-20 ng Nobyembre sa Hotel Negresco, ay prinesenta nina Carla Lazzari, lumahok para sa Pransiya sa Junior Eurovision Song Contest 2019, at Manon Théodet. Habang nagaganap ang seremonya, ang bawat delegasyon ay tinanggap nina Laura Tenoudji at Ophenya, at isinagawa ang draw.
Resulta
[baguhin | baguhin ang wikitext]R/O | Bansa | Mang-aawit | Kanta | Salin | Puntos | Puwesto |
---|---|---|---|---|---|---|
1 | Espanya | Sandra Valero | "Loviu" | "Mahal Kita" | 201 | 2 |
2 | Malta | Yulan | "Stronger" | "Mas Malakas" | 94 | 10 |
3 | Ukranya | Anastasia Dymyd | "Kvitka" | "Bulaklak" | 128 | 5 |
4 | Irlanda | Jessica McKean[c] | "Aisling" | "Panaginip" | 42 | 16 |
5 | Reyno Unido | Stand Uniqu3 | "Back to Life" | "Balik sa Buhay" | 160 | 4 |
6 | Hilagang Macedonia | Tamara Grujeska | "Kaži mi, kaži mi koj" | "Sabihin Mo, Sabihin Mo kung Sino" | 76 | 12 |
7 | Estonya | Arhanna | "Hoiame kokku" | "Manatiling Sama-sama" | 49 | 15 |
8 | Armenya | Yan Girls | "Do It My Way" | "Gawin Ko sa Aking Paraan" | 180 | 3 |
9 | Polonya | Maja Krzyżewska | "I Just Need a Friend" | "Kailangan Ko Lang ng Isang Kaibagan" | 124 | 6 |
10 | Heorhiya | Anastasia at Ranina | "Over the Sky" | "Sa Ibabaw ng Kalangitan" | 74 | 14 |
11 | Portugal | Júlia Machado | "Where I Belong" | "Kung Saan Ako Nabibilang" | 75 | 13 |
12 | Pransiya | Zoé Clauzure | "Cœur" | "Puso" | 228 | 1 |
13 | Albanya | Viola Gjyzeli | "Bota ime" | "Ang Aking Mundo" | 115 | 8 |
14 | Italya | Melissa at Ranya | "Un mondo giusto" | "Isang Makatarungang Mundo" | 81 | 11 |
15 | Alemanya | Fia | "Ohne Worte" | "Walang mga Salita" | 107 | 9 |
16 | Nederlandiya | Sep at Jasmijn | "Holding On to You" | "Nakahawak Sa'yo" | 122 | 7 |
Detalyadong resulta ng mga boto
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Eurovision Junior – Programmation et infos" [Junior Eurovision – Schedule and info]. Nice Music Live (sa wikang Pranses). 2023-11-26. Nakuha noong 2023-07-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bashforth, Emily (2022-12-11). "France wins Junior Eurovision 2022 with 13-year-old entry Lissandro". Metro (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Farrant, Theo (12 Disyembre 2022). "France's Lissandro wins Junior Eurovision Song Contest 2022". Euronews. Nakuha noong 2023-07-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Randanne, Fabien (2023-04-03). "Nice accueillera la prochaine édition de l'Eurovision Junior" [Nice to host the next edition of Junior Eurovision]. 20minutes.fr (sa wikang Pranses). Nakuha noong 2023-07-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "16 countries to send 'Heroes' to compete at 21st Junior Eurovision Song Contest | EBU". EBU. 2023-08-29. Nakuha noong 2023-08-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Revealed: The 16 countries participating in Junior Eurovision 2023". European Broadcasting Union (sa wikang Ingles). 2023-08-29. Nakuha noong 2023-08-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Participants of Nice 2023". European Broadcasting Union (EBU). Nakuha noong 29 Agosto 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Granger, Anthony (29 Oktubre 2023). "Portugal: RTP Announces Junior Eurovision 2023 Broadcasting Plans". The song was written and composed by Fernando Daniel, João Direitinho, Aurora Pinto and Twins (as well as by Júlia herself).
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Junior Eurovision 2023: Stage and Hosts revealed!". Junioreurovision.tv. European Broadcasting Union. 27 Setyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rémi (10 Oktubre 2023). "Eurovision Junior 2023 : Laury Thilleman et Olivier Minne à la co-présentation ! (MàJ : Ophenya rejoint le duo)". L'Eurovision au Quotidien (sa wikang Pranses).
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/>
tag para rito); $2