Pumunta sa nilalaman

Panapanahon sa Bibliya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang mga panapanahon sa Bibliya ay ang mga petsa, kaarawan, panahon, o nasasakop na kapanahunang itinakda - nakaugalian man, pagtataya, o tiyakang matutukoy - para sa mga pangyayaring naganap o nabanggit sa Bibliya. Kaugnay ng mga pagkakasunud-sunod ng mga kaganapan noong pinakamaagang mga panahon, partikular na ang nasa Lumang Tipan ng Bibliya, maaari lamang makapagbigay ng mga tinatayang petsang nakapaloob sa isang piniling daantaon. Hinggil sa mas huling bahagi ng ikalawang milenyong BK (bago dumating si Kristo), may tiyakang makapagtatakda ng kaarawang nasa loob ng piniling dekada, dahil ito sa mga natuklasang mga mas nakapagpapatibay na mga tala. Samantalang nakapagtakda naman ng petsang nasa loob ng piniling taon ang mga nangyari sa huling mga libong taon BK, bagaman may mga pagkakaiba-iba ang mga pagtataya ayon sa ginagamit na kalendaryo. May gumagamit ng kalendaryong lunar (ayon sa galaw ng buwan) at mayroong gumagamit ng solar (ayon sa galaw ng araw). Para sa kapanahunan ng Bagong Tipan ng Bibliya, mas lubos ang katiyakan ng pagtatakda ng mga pagkakasunud-sunod ng mga panahon ng mga pangyayari bagaman may mga petsang hindi talaga malalaman ng may katiyakan, katulad ng kapanganakan ni Hesus at ng kaniyang pagkakapako sa krus.[1]

Payak na paglalarawan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Narito ang isang payak na paglalarawan ng mga pagkakasunud-sunod o kronolohiya ng mga kaganapan sa Bibliya:[2]

Bahagi
Sakop na Petsa/Kaarawan
Pangunahing Tauhan/
Kapanahunan
ni/nina/ng
Tipan sa Bibliya
Kaganapan sa Bibliya/
Kaugnay na Aklat ng Bibliya
Kasabay o Katapat na mga Pangyayari sa Daigdig
I Simula Adan at Eba Lumang Tipan (a) Paglalang sa sanlibutan (Henesis 1; Juan 1:1)
(b) Pagbagsak ng tao sa kasalanan
II Noe Lumang Tipan (a) Paglukob ng baha sa mundo (Henesis 6)
(b) Pagkalat ng mga tao
(c) Pagkakaroon ng iba't ibang wika
III ca. 2100 BK Abraham Lumang Tipan Pagkapili ng Diyos kay Abraham (Henesis 12) Noong 2500 BK, naitayo ang mga tagil o piramide sa Ehipto
IV Moises Lumang Tipan Pinamunuan ni Moises ang paglaya at pag-alis ng mga Israelita mula sa Ehipto (Exodus)
V 1000 BK Mga Hari (Saul, David, at Salomon) Lumang Tipan Nag-iisang kaharian (1 Samuel 8) Noong mga 1000 BK, nagkaroon ng impluho ang Hinduismo sa Indiya
VI Mga Hari Lumang Tipan Nahating kaharian
VII Mga Hari Lumang Tipan Nadalang-bihag na mga kaharian:
(a) Israel noong 722 BK (2 Mga Hari 17)
(b) Juda noong 586 BK (2 Mga Hari 25)
Noong mga 500 BK, natatag ang Budismo sa Indiya
VIII Mga Hari Lumang Tipan Nasulat ang huling aklat ng Lumang Tipan sa Bibliya: ang Malakias 3 (a) Noong 336 BK, nagsimula ang pamumuno ni Alejandro ang Dakila
(b)Noong 214 BK, sinimulan ang pagtatayo ng Dakilang Moog ng Tsina
(c) Noong 27 BK, naganap ang pagbangon ng Imperyong Romano
IX Hesus Bagong Tipan (a) Kapanganakan ni Hesus (Lukas 1:32)
(b) Buhay at mga gawain ni Hesus (Mga Ebanghelyo nina Mateo, Markos, Lukas, Juan)
X AD 30 Hesus Bagong Tipan (a) Kamatayan ni Hesus (Juan 19:15)
(b) Pagsapit ng ikatlong araw mula nang mamatay si Hesukristo, nabuhay na muli si Hesus
XI Mga alagad (mga apostol) Bagong Tipan Mga Gawa 2:41
XII Hanggang kasalukuyan Mga Kristiyano at ang Simbahan ngayon Bagong Tipan Kristiyanismo
  1. Reader's Digest (1995). "Biblical Chronology". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. The Committee on Bible Translation (1984). "The Drama of the Bible: A Visual Chronology, pahina A8 hanggang A9". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)