Pumunta sa nilalaman

Buwan (astronomiya)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lunar)
Para sa ibang gamit, tingnan ang buwan (paglilinaw) at luna (paglilinaw).
Ang Buwan

Ang buwan (sagisag: ☾) ay ang natatanging likas na satelayt ng daigdig, at ito ang panglima sa tala ng pinakamalalaking mga buntabay sa sangkaarawan.Crescent (Unicode: ) ang sumasagisag sa buwan.

Mula sa buntunan ng daigdig papunta sa buntunan ng buwan, ang pangkaraniwang layo ay 384,403. 3,474 km ang bantod ng buwan. Ika-anim ng hatak ng daigdig ang kabuuang batak ng buwan. Nakakalibot ang buwan sa daigdig sa loob ng 27.3 na araw, nguni't dahil sa pana-panahong pag-iiba sa kaayusan ng kaayusang araw-daigdig-buwan, ang nakikita na bilis ng paglibot ng buwan mula sa daigdig ay 29.5 na araw. Kung minsan, nag-tataman ang orbit ng buwan at ng araw, dahil dito, isang eklipse ang nabubuo.

Ang buwan, bukod sa daigdig, sa ngayon ay ang natatanging bagay sa santinakpan kung saan ang tao'y nakapaglakad na, sa kilalang mga pakay Apollo, na ang pinakakilala sa lahat ay ang Apollo 11.

Ang buwan ay tinatawag sa iba't ibang pangalan sa iba't ibang wika ng daigdig, hindi tulad ng ibang mga buntabay ng ibang mga buntala. Ang buwan ay minsan-minsan ring tinatawag na "Luna", hango mula sa wikang Latin.

Pagpunta sa Buwan ng mga tao

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pagitan ng 1969 at 1972, nagpadala ang Apollo program ng Estados Unidos ng labindalawang tao upang lumapag sa Buwan, sina Neil Armstrong at Buzz Aldrin ng Apollo 11 ang una sa kanila. Sina Frank Borman, James Lovell at William Anders ng Apollo 8 ang unang ipinadala sa Buwan. Bago ng panahong iyon, target ang Buwan ng maraming paglapag at pag-orbit ng mga space probe, na sinimulan ng Soviet Luna 1 noong 1959.