Instant noodles
![]() Ramyun sa uring instant noodles | |
Uri | Luglog |
---|---|
Rehiyon o bansa | Hapon |
Gumawa | Momofuku Ando |
Pangunahing Sangkap | Pinatuyong o bago-lutuing pansit, pampasarap |
|
Ang instant noodles, lit. na 'madaliang pansit', ay tuyo o naka-luto na noodles o pansit, at madalas na nabili sa isang pakete na kasamang panimpla. Ang tuyong pansit na ito ay karaniwang kinakain pagkatapos nang ito ay naluto o nababad sa kumukulong tubig para sa mga 2-5 minuto. Ang instant noodles o Ramyun ay unang naimbento ng Momofuku Ando ng Nissin Foods ng Hapon.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mababakas ang kasaysayan ng pansit sa Tsina sa maraming mga dantaon, at may ebidensya na ang isang pansit na pinakuluan at pagtapos piniprito at hinahain sa isang sabaw, tulad ng pansit na Yi, na mababakas sa sinaunang Tsina.[1] Sang-ayon sa alamat, noong panahon ng dinastiyang Qing, nilagay ng isang punong tagapagluto ang luto nang pansit na gawa sa itlog sa tubig na para pakuluin. Para maligtas sila, hinango niya ang pansit at piniprito sa mainit na mantika at hinahain bilang isang sabaw.[1] Sang-ayon sa Journal of Ethnic Foods, ang unang pakete ng instant noodle ay nakatatak bilang "pansit na Yi."[1]
Inimbento ang makabagong instant noodles ni Momofuku Ando sa bansang Hapon.[2][3] Unang pumasok sa merkado ang mga ito noong Agosto 25, 1958 ng kompanya ni Ando, ang Nissin, sa ilalim ng tatak na Chikin Ramen.[4]
Kalusugan at nutrisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kadalasang pinupuna ang instant noodles bilang masama sa kalusugan at inuuri bilang tsitsirya.[5] Ang isang hain ng instant noodles ay mataas sa karbohidrata, asin, at taba, subalit mababa sa protina, fiber o pibra, bitamina, at esensyal na mga mineral.[6][7][8]
Pagkonsumo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Popular na pagkain ang instant noodles sa maraming bahagi sa mundoo, at sumasailalim sa mga pagbabago ng lasa upang umakma sa panlasang lokall. Noong 2018, inulat ng World Instant Noodles Association na 103.620 bilyong pakete ng instant noodle ang kinunsumo sa buong mundo. Nagkonsumo ang Tsina (at Hong Kong) ng 40.250 bilyong pakete, habang nagkonsumo ang Indonesia ng 12.540 bilyon.[9] Pinakamataas ang TImog Korea sa mundo sa bawat kapitang pagkonsumo, sa 75 pakete. Sinundan ito ng Biyetnam sa 54 pakete, at Nepal sa 53.[10]
Country | 2014 | 2015 | 2016 | 2017 | 2018 | 2019 | 2020 | 2021 | 2022 | 2023 |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
![]() |
44.40 | 40.43 | 38.52 | 38.97 | 40.25 | 41.45 | 46.35 | 43.99 | 45.07 | 42.21 |
![]() |
13.43 | 13.20 | 13.01 | 12.62 | 12.54 | 12.52 | 12.64 | 13.27 | 14.26 | 14.54 |
![]() |
5.34 | 3.26 | 4.27 | 5.42 | 6.06 | 6.73 | 6.73 | 7.56 | 7.58 | 8.68 |
![]() |
5.50 | 5.54 | 5.66 | 5.66 | 5.78 | 5.63 | 5.97 | 5.85 | 5.98 | 5.84 |
![]() |
5.00 | 4.80 | 4.92 | 5.06 | 5.20 | 5.43 | 7.03 | 8.56 | 8.48 | 8.13 |
![]() |
4.28 | 4.08 | 4.10 | 4.13 | 4.40 | 4.63 | 5.05 | 4.98 | 5.15 | 5.10 |
![]() |
3.32 | 3.48 | 3.41 | 3.75 | 3.98 | 3.85 | 4.47 | 4.44 | 4.29 | 4.39 |
![]() |
3.59 | 3.65 | 3.83 | 3.74 | 3.82 | 3.90 | 4.13 | 3.79 | 3.95 | 4.04 |
![]() |
3.07 | 3.07 | 3.36 | 3.39 | 3.46 | 3.57 | 3.71 | 3.63 | 3.87 | 3.95 |
![]() |
2.37 | 2.37 | 2.35 | 2.23 | 2.37 | 2.45 | 2.72 | 2.85 | 2.83 | 2.55 |
![]() |
1.94 | 1.84 | 1.57 | 1.78 | 1.85 | 1.91 | 2.00 | 2.10 | 2.20 | 2.20 |
![]() |
1.52 | 1.54 | 1.65 | 1.76 | 1.82 | 1.92 | 2.46 | 2.62 | 2.79 | 2.98 |
![]() |
1.11 | 1.19 | 1.34 | 1.48 | 1.57 | 1.64 | 1.54 | 1.59 | 1.65 | 1.57 |
![]() |
1.34 | 1.37 | 1.39 | 1.31 | 1.37 | 1.45 | 1.57 | 1.58 | 1.55 | 1.64 |
![]() |
0.90 | 0.85 | 0.89 | 0.96 | 1.18 | 1.17 | 1.16 | 1.36 | 1.51 | 1.55 |
Sa bilyong pakete. Pinagmulan: World Instant Noodles Association[11] |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 Zhang, Na; Ma, Guansheng (1 Setyembre 2016). "Noodles, traditionally and today". Journal of Ethnic Foods (sa wikang Ingles). 3 (3): 209–212. doi:10.1016/j.jef.2016.08.003. ISSN 2352-6181.
- ↑ Wallace, Bruce (8 Enero 2007). "Entrepreneur Momofuku Ando, 96". The Washington Post (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Agosto 2022. Nakuha noong 25 Hunyo 2021.
- ↑ "Inventor of instant noodles dies" Naka-arkibo 2018-03-27 sa Wayback Machine. BBC News. 6 Enero 2007 (sa Ingles)
- ↑ Celia Hatton (28 Setyembre 2018). "The Eternal Life of the Instant Noodle". BBC. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Abril 2020. Nakuha noong 10 Marso 2020.
- ↑ "Stay away from instant noodles to keep healthy". Consumers Association of Penang. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Disyembre 2018. Nakuha noong 7 Disyembre 2012.
- ↑ "Instant ramen noodles are low in fiber, vitamins and minerals and high in carbohydrates. The package comes complete with seasonings that are typically very salty. Ramen Noodles and Chronic Illness Naka-arkibo 2012-12-19 sa Wayback Machine.
- ↑ Instant noodles are a highly processed food which lack nutritive value. Instant noodles are high in carbohydrates, sodium and other food additives, but low on essential elements such as fiber, vitamins and minerals. Stay Away from Instant Noodles to KeepHealthy Naka-arkibo 2018-12-26 sa Wayback Machine.
- ↑ Hope Ngo (23 Pebrero 2001). "Instant noodles a health hazard: report" (sa wikang Ingles). CNN. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Oktubre 2012. Nakuha noong 7 Nobyembre 2012.
- ↑ "Global Demand for Instant Noodles". World Instant Noodles Association (WINA). 9 Mayo 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Abril 2019. Nakuha noong 4 Hunyo 2019.
- ↑ Parpart, Erich (3 Hunyo 2019). "Next-Level Noodles". Bangkok Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Hunyo 2019.
- ↑ "Global Demand, World Instant Noodles Association". instantnoodles.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Marso 2025.
{{cite web}}
: CS1 maint: url-status (link)
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Instant Noodle Review
- Instant Ramen Home Page Naka-arkibo 2009-05-20 sa Wayback Machine. (ng Japan Convenience Foods Industry Association)
- (sa Ingles) Ramenlicious Naka-arkibo 2010-07-22 sa Wayback Machine. recipes
- (sa Ingles) The Official Ramen Homepage Naka-arkibo 2010-04-14 sa Wayback Machine.
- (sa Ingles) World Instant Noodles Association Naka-arkibo 2010-07-04 sa Wayback Machine.
- (sa Hapon) The Momofuku Andō Instant Ramen Museum Naka-arkibo 2008-05-27 sa Wayback Machine., ng Nissin Food Products