Pumunta sa nilalaman

Pasyon (Kristiyanismo)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pasyon ni Kristo)

Ang pasyon (Kastila: pasión o "paghihirap") ay isang naratibong tula ng Pilipinas, na nagsasaad ng buhay ni Hesukristo, mula kapanganakan, pagkapako niya sa krus, hanggang sa muling pagkabuhay. Ito ay may saknong ng limang linya sa bawat linya ng pagkakaroon ng walong pantig. Ang anyong na ito ng salaysay ng pasyon ay popular sa Pilipinas, lalo na sa panahon ng Mahal na Araw o Semana Santa.

Ang unang Pilipinong sumulat at kumanta ng pasyon sa Tagalog ay si Padre Gaspar Aquilino de Belen, isang katutubo ng Rosario, Batangas na pinamagatang Ang Mahal na Pasión ni Jesu Christong Panginoon Natin na Tola. Ang kanyang salin ay makikita sa "Manga Panalangin Nagtatagubilin sa Calolowa Nang Taong Naghihingalo". Dahil sa binigyan ng permiso mula sa simbahan ni Padre Antonio del Pueblo si de Belen, napahintulutan na ilimbag niya ang Pasyon sa Maynila noong 1704. Bilang kauna-unahang akda ng ganitong uri ng panitikan, ito ay nakatanggap ng karangalan. Naging mabenta pa ang akdang ito sa maraming taon kaya nailimbag itong muli sa ikalimang pagkakataon noong 1750.

Dahil sa kamangha-manghang pagtanggap sa Pasyon ni Padre de Belen, ito ay naging dahilan upang sumunod ang ibang manunulat sa kanyang mga yapak.

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Kristiyanismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.