Pumunta sa nilalaman

Sistemang Mataas na Paaralang Pang-agham ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Philippine Science High School)
Mataas na Paaralang Pang-agham ng Pilipinas
Impormasyon
Itinatag1964
Executive DirectorLilia T. Habacon[1]
Number of students9,317 (Panuruang Taon 2020-2021)[2]
Campus16
AccreditationISO:2015 Accredited
AffiliationKagawaran ng Agham at Teknolohiya
Websitepshs.edu.ph

Ang Sistemang Mataas na Paaralang Pang-agham ng Pilipinas (Philippine Science High School System sa Ingles) ay pangkat ng mga pampublikong mataas na paaralan sa Pilipinas na pinatatakbo ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya na may partikular na pagtuon sa pananaliksik at pagsasanay sa larangan ng agham at teknolohiya. [3]

Ginagawaran ng scholarship ng ahensya ang mga mag-aaral na Pilipinong may angking husay sa agham at matematika. Ang pagkakatanggap sa MPAP ay dinaraan sa pamamagitan ng Pambansang Paligsahang Pagsusulit[4] na bukas lamang sa mga mamamayang Pilipino. Itinatakda sa kontrata na pinipirmahan ng bawat iskolar sa pagsisimula ng kanilang pag-aaral sa MPAP na sila ay kumuha ng kurso sa kolehiyo na may kinalaman sa larangan ng agham pangkalikasan, sipnayan, o inhinyeriya.[5]

Sa unang 24 taon nito, iisa lamang ang kampus ng MPAP, ang kasalukuyang Main Campus sa lungsod Quezon. Kalaunan, bawat rehiyon sa Pilipinas[6], maliban sa Bangsamoro[7], ay may kampus.

Kampus Lokasyon Taon ng Pagkatatag Direktor
Main Campus (NCR) Agham Road, Diliman, Lungsod Quezon 1964 Lawrence V. Madriaga
Timog Mindanao (XI) Sto. Niño, Tugbok District, Lungsod ng Dabaw 1988 Jonald P. Fenecios
Silangang Visayas (VIII) Pawing, Palo, Leyte 1992 Yvonne M. Esperas
Kanlurang Visayas (VI) Bito-on, Jaro, Lungsod ng Iloilo 1992 Shena Faith M. Ganela
Lambak ng Cagayan (II) Masoc, Bayombong, Nueva Vizcaya 1998 Erick John H. Marmol
Gitnang Mindanao (X) Nangka, Balo-i, Lanao del Norte 1998 Franklin L. Salisid
Bikol (V) Tagongtong, Goa, Camarines Sur 1998 Lorvi B. Pagorogon
Ilokos (I) San Ildefonso, Ilocos Sur 2002 Dr. Ronnalee N. Orteza
Gitnang Visayas (VII) Talaytay, Argao, Cebu 2005 Dr. Rachel Luz V. Rica
Rehiyong Administratibo ng Cordillera (RAC) Purok 12, Lime Kiln, Irisan, Baguio 2009 Edward C. Albaracin
Gitnang Luzon (III) Lily Hill St., Clark Freeport Zone, Lungsod ng Angeles, Pampanga 2009 Theresa Anne O. Diaz
Soccsksargen (XII) Paraiso, Koronadal City, South Cotabato 2012[8] Edman Gallamaso
Caraga (XIII) Ampayon, Butuan, Agusan del Norte 2013 Engr. Ramil A. Sanchez
CALABARZON (IV-A) Sampaga, Lungsod ng Batangas 2015 Jose M. Andaya Jr.
Tangway ng Zamboanga (IX) Cogon, Dipolog 2015 Chuchi Garganera
MIMAROPA (IV-B) Rizal, Odiongan, Romblon 2016 Romeo C. Ongpoy, Jr.

Pamunuan ng Sistema

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Lupon ng mga Katiwala (Board of Trustees) ang pinakamataas na tagapagpatupad ng patakaran. Sa ibaba nito ay ang Komiteng Tagapagpaganap (ExeCom) na binubuo ng mga direktor ng iba't ibang kampus ng MPAP na nagbibigay ng mga rekomendasyon at mungkahing mga patnubay sa para sa kanilang pagpapatibay.[9]

Pagkakatatag ng unang kampus

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinatag ang Mataas na Paaralan ng Agham sa Pilipinas sa pamamagitan ng Batas ng Republika 3661 na inakda ng kongresistang si Virgilio Afable at nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal noong 1963.[10] Nakasaad dito ang tungkulin ng MPAP na "mag-alok ng libreng pag-aaral sa antas ng mataas na paaralan nang may pagdiin sa mga asignaturang kaugnay sa paghahanda ng mga mag-aaral nito sa landas ng larangan ng agham."

Ang unang kampus ay nagsimulang umiral sa isang loteng pag-aari ng GSIS malapit sa Quezon Memorial Circle noong ika-5 ng Setyembre, 1964, sa pamumuno ng Pambansang Alagad ng Agham na si Gregorio Velasquez.[11][12] Noong 1970, lumipat ito sa kasalukuyang pwesto ng Main Campus sa Kalsada ng Agham sa Diliman, Quezon City.

Paglawak at Pagkakatatag ng Sistema ng MPAP

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagsapit ng dekada 1980, nagsimulang lumaganap ang MPAP sa iba't ibang rehiyon sa bansa. Itinatag ang unang rehiyunal na kampus sa lungsod ng Davao noong 1988[13] at sinundan ng kampus sa Iloilo noong 1993[14], ang unang kampus sa kabisayaan. Pagsapit ng 1998 ay mayroon nang pitong kampus sa buong kapuluan.

Upang magkaroon ng nagkakaisang pamantayan at pambansang pamunuan ang bawat kampus, nilagdaan ng pangulong Fidel V. Ramos noong 1997 ang Batas ng Republika 8496 o ang Batas ng Sistema ng MPAP.[15]

Ilan sa mga kilalang alumni

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Mandate and Officials". Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 9, 2017. Nakuha noong Abril 8, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-07-17. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. mPshSsAEiOUXYZ (2019-04-04). "The PSHS System – Philippine Science High School System" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  4. "National Competitive Examination (NCE)". irc.pshs.edu.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-07-17. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "PSHS scholars face legal action for enrolling in non-S&T courses in college". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. https://pshs.edu.ph/mandate-and-officials/
  7. https://scitechanddigital.news/2018/08/28/dost-calls-for-pisay-scholarship-applicants-for-2018-national-competitive-examination/
  8. "PSHS-SRC opens for the pioneer batch". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-05. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2023-07-17. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "PHILIPPINE LAWS, STATUTES AND CODES - CHAN ROBLES VIRTUAL LAW LIBRARY". www.chanrobles.com. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "About Us". carc.pshs.edu.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-07-17. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "A 'Pisay' for changing times". RAPPLER (sa wikang Ingles). 2014-09-06. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. User, Super (2013-12-03). "History". smc.pshs.edu.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-07-17. Nakuha noong 2023-07-17. {{cite web}}: |last= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "History of PSHSWVC". Philippine Science High School Western Visayas Campus (sa wikang Ingles). 2015-12-08. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-07-17. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Republic Act No. 8496". lawphil.net. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. mPshSsAEiOUXYZ (2023-04-04). "𝗪𝗔𝗧𝗖𝗛: 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝘁𝗵𝗲 𝗚𝗔𝗠𝗘𝗖𝗛𝗔𝗡𝗚𝗘𝗥𝗦 𝗳𝗿𝗼𝗺 𝗣𝗶𝘀𝗮𝘆 🔥🔥🔥🔥 – Philippine Science High School System" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  17. 17.0 17.1 "PSHS Alumni Feature – https://pshs.edu.ph/pshs-alumni-feature/" (sa wikang Ingles). 2023-05-25. Nakuha noong 2023-07-17. {{cite web}}: External link in |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  18. "Victoria Tauli-Corpuz, former Special Rapporteur (2014-2020)". OHCHR (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Brown, Alleen (2019-07-30). "More Than 160 Environmental Defenders Were Killed in 2018, and Many Others Labeled Terrorists and Criminals". The Intercept (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Dalisay, Butch. "Sharing my umbrella". Philstar.com. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "PSHS Alumni Feature – https://pshs.edu.ph/pshs-alumni-feature/" (sa wikang Ingles). 2023-05-25. Nakuha noong 2023-07-17. {{cite web}}: External link in |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  22. "PSHS Alumni Feature – https://pshs.edu.ph/pshs-alumni-feature/" (sa wikang Ingles). 2023-05-25. Nakuha noong 2023-07-17. {{cite web}}: External link in |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  23. Dalisay, Butch. "Intelligence without values". Philstar.com. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Pisay Activists Memorial - Nimfa B. del Rosario". sites.google.com. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "PRWC » NPA-Ifugao (Nona del Rosario Command) Archives". PRWC | Philippine Revolution Web Central. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. https://news.abs-cbn.com/nation/metro-manila/03/26/14/pnoy-wont-allow-transfer-pshs
  27. "PSHS Alumni Feature – https://pshs.edu.ph/pshs-alumni-feature/" (sa wikang Ingles). 2023-05-25. Nakuha noong 2023-07-17. {{cite web}}: External link in |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  28. "FAST FACTS: Philippine Science High School". RAPPLER (sa wikang Ingles). 2014-09-06. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "PSHS Alumni Feature – https://pshs.edu.ph/pshs-alumni-feature/" (sa wikang Ingles). 2023-05-25. Nakuha noong 2023-07-17. {{cite web}}: External link in |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  30. "Jun Abaya: 'A good soldier'". RAPPLER (sa wikang Ingles). 2012-08-31. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Mag-log in sa Facebook". Facebook. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "PSHS Alumni Feature – https://pshs.edu.ph/pshs-alumni-feature/" (sa wikang Ingles). 2023-05-25. Nakuha noong 2023-07-17. {{cite web}}: External link in |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  33. brigadanibarry (2015-12-01). "Rep. Gutierrez receives Pisay Gawad Lagablab Award for exemplary leadership, public service". BRIGADA NI BARRY (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "FAST FACTS: Philippine Science High School". RAPPLER (sa wikang Ingles). 2014-09-06. Nakuha noong 2023-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. https://www.esquiremag.ph/politics/news/karlo-nograles-facts-a00297-20200407-lfrm
  36. Author, Pikapika. "Exclusive: Jeffrey Hidalgo, ang singer na naging chemical engineer na ngayon ay erotica director na | Pikapika | Philippine Showbiz News Portal". www.pikapika.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-17. {{cite web}}: |last= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. How a Science High School Prepared Me For Theatre | Dingdong Novenario | TEDxYouth@PSHSMain, nakuha noong 2023-07-17{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. News, G. M. A. (2021-05-06). "Atom Araullo reveals he originally wanted to become a scientist". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-07-17. {{cite web}}: |last= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. https://www.esquiremag.ph/long-reads/features/atom-araullo-man-at-his-best-2022-interview-a2056-20221125-lfrm3