Pumunta sa nilalaman

PiliPinas Debates 2016

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
PiliPinas Debates 2016
GumawaKomisyon sa Halalan
NagsaayosIba't-iba
HostJessica Soho, Mike Enriquez
(GMA Network)
Luchi-Cruz Valdez
(TV5)
Karen Davila, Tony Velasquez
(ABS-CBN
Pia Hontiveros, Pinky Webb
(CNN Philippines)
Bansang pinagmulanPilipinas
Bilang ng kabanata4 (PiliPinas Debates 2016#Buod)
Paggawa
ProdyuserIba't-iba
Lokasyon4
Oras ng pagpapalabas124 minuto
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanGMA Network
(Mindanao)
TV5
(Visayas)
ABS-CBN
(Luzon)
CNN Philippines
(Pampangalawang-pangulo)
Orihinal na pagsasapahimpapawid21 Pebrero (2016-02-21) –
24 Abril 2016 (2016-04-24)

Ang Pilipinas Debates 2016 (istilo: PiliPinas Debates 2016) ay serye ng mga Debateng Pampangulo at Pangalawang Pangulong pinangasiwaan ng Komisyon ng Halalan bilang paghahanda sa Halalang Pampanguluhan sa Pilipinas noong 9 Mayo 2016.

Ang unang debate ay ginanap noong Linggo, 21 Pebrero sa Mini-Theater Building ng Capitol University sa Cagayan de Oro. Naisahimpapawid ito sa GMA Network at nasubaybayan sa Super Radyo DZBB at mga kaakibat na istasyong radyo ng KBP at RGMA sa buong bansa. May live stream coverage ng debate na masusubaybayan. Ang debate sa Mindanao ay pinamagitan nina Jessica Soho at Mike Enriquez ng GMA Network at ni John Nery ng inquirer.net.

Ang ikalawang debate sa Visayas ay tuluyang naisahimpapawid sa TV5, AksyonTV, Bloomberg TV Philippines, Radyo5 92.3 News FM at mga kaakibat na istasyong radyo ng KBP sa buong bansa. May masusubaybayan na live stream sa news5.com.ph Naka-arkibo 2017-04-07 sa Wayback Machine., bilangpilipino.com Naka-arkibo 2017-07-18 sa Wayback Machine. at YouTube. Pinamagitan ito ng puno ng News5 na si Luchi Cruz-Valdez.

Ang CNN Philippines ang namunong-abala sa debateng Pampangalawang-Pangulo noong Linggo, 10 Abril. Pinamagitan ito nina Pia Hontiveros at Pinky Webb.

Ang ikatlo at huling debate ay naganap noong Lunes, 24 Abril, sa Student Plaza ng Unibersidad ng Pangasinan sa Dagupan.[1] Tuluyang naisahimpapawid ito sa ABS-CBN, ABS-CBN News Channel, ABS-CBN Sports and Action, Radyo Patrol 630, The Filipino Channel, iWant TV, Sky on Demand at mga kaakibat na istasyong radyo ng KBP sa buong bansa. May masusubaybayan na live stream sa news.abs-cbn.com, www.skyondemand.com.ph Naka-arkibo 2022-01-30 sa Wayback Machine. at mb.com.ph. Ang debate ay pamamagitan nila Karen Davila at Tony Velasquez.

Pagsasahimpapawid at saklaw

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Enero 2016, kinumpirma ng Komisyon sa Halalan na sila ay magdaraos ng tatlong debateng pampangulo at isang debateng pampangalawang-pangulo. Ito ang kaunaunahang pagkakataon na ang Komisyon sa Halalan ay mamumunong abala ng mga debate mula noong Pangkalahatang halalan ng 1992, kasangga ang noong ABC-5 bilang host network (sariwa mula sa pagbunsod ng kamakailang pagbabalik ng istasyong pagsasahimpapawid huling 21 Pebrero ng parehong taon, matapos ang 20-taong pamamahinga dahilan ng Martial Law.)[2]

Ang serye ng mga debate ay binansaggang bilang PiliPinas Debates 2016.[3] Ang unang salita ng pamagat ay pinagsamang mga salitang pili at Pinas, na pinaikli para sa Pilipinas.

Mga punong-abalang lungsod ng mga debate
Opisina Petsa Media partners Lokasyon
Telebisyon Pahayagan Debate Punong-abalang lungsod Unibersidad
Pagkapangulo February 21, 2016 GMA Network Philippine Daily Inquirer Mindanao Cagayan de Oro Pamantasang Capitol
March 20, 2016 TV5 Philippine Star Visayas Lungsod ng Cebu Unibersidad ng Pilipinas, Cebu[4]
April 24, 2016 ABS-CBN Manila Bulletin Luzon Dagupan Unibersidad ng Pangasinan
Pagkapangalawang Pangulo April 10, 2016 CNN Philippines BusinessMirror [en] Kalakhang Maynila Maynila Unibersidad ng Santo Tomas
  Ang kandidato ay dumalo sa debate.
  Ang kandidato ay hindi dumalo sa debate.
Pampanguluhang debate
Location Jejomar Binay Miriam
Defensor Santiago
Rodrigo
Duterte
Grace Poe Mar Roxas
Kapuluaan Lungsod
Mindanao Cagayan de Oro
Kabisay-an Cebu
Luzon Dagupan
Pangalawang-pampanguluhang debate
Location Alan
Cayetano
Chiz
Escudero
Gregorio
Honasan
Bongbong
Marcos
Leni
Robredo
Antonio
Trillanes
Rehiyon Lungsod
Pambansang Punong Rehiyon Maynila
  1. Dimalanta, Ces (Marso 28, 2016). "Last leg of presidential debate to avoid pitfalls, flaws of previous face-offs". Manila Bulletin. Nakuha noong Marso 29, 2016. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Esmaquel II, Paterno (2015-10-15). "Presidential debates: 'Ayaw natin ng duwag' – Comelec". Rappler. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-03-01. Nakuha noong 2016-03-14.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "6 presidential bets confirm attendance to Comelec debates". Philippine Star. Enero 21, 2016. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-02-22. Nakuha noong 2016-11-14.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Sibi, Juli Ann (Pebrero 22, 2016). "UP Cebu to host presidential debate". Cebu Daily News. Nakuha noong Pebrero 23, 2016. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]