Pizza
Uri | Flatbread |
---|---|
Kurso | Tanghalian o hapunan |
Lugar | Italya |
Rehiyon o bansa | Campania (Napoles) |
Ihain nang | Mainit o mainit-init |
Pangunahing Sangkap | Masa, sarsa (kadalasang sarsang kamatis), keso (dairy o begano) |
Baryasyon | Calzone, panzerotti, stromboli |
|
Ang pizza (Ingles /ˈpiːtsə/ PEET-sə, Italyano: [ˈpittsa], Napolitano: [ˈpittsə]) ay isang pagkaing nagmula sa Italya na karaniwang binubuo ng bilog, patag, at nakaalsang masa na pinapatungan ng kamatis, keso at iba pang mga sahog (samu't saring uri ng tsoriso, dilis, kabute, sibuyas, olibo, gulay, karne, hamon, atbp.), na niluluto sa mataas na temperatura, kinaugaliang nasa pugon na ginagatungan ng kahoy.[1][2] Kung minsan, tinatawag na pizzetta ang maliit na pizza. Pizzaiolo ang tawag sa taong gumagawa ng pizza.
Sa Italya, hindi nakahiwa ang pizza na inihahain sa restawran, at kinakain gamit ang kutsilyo at tinidor.[3][4] Subalit sa mga kaswal na setting, hinihiwa ito para makain habang nakahawak sa kamay.
Unang naitala ang salitang pizza noong ika-10 siglo sa isang manuskritong Latin mula sa Timog Italyang bayan ng Gaeta sa Lazio, sa may hangganan ng Campania.[5] Naimbento naman ang modernong pizza sa Napoles, at mula noon sumikat ito at ang mga baryante nito sa maraming bansa.[6] Ito ay naging isa sa mga pinakasikat na pagkain sa mundo at karaniwang fast food sa Europa, Kaamerikahan at Australasya. Makikita ito sa mga pizzeria (mga "pizzahan"), mga restawran na nag-aalok ng lutuing Mediteraneo, sa pag-takeout, at bilang pagkaing kalye.[6] Ibinebenta ng mga iba't ibang kompanya ang pizza nang nakahanda na, na maaaring ipalamig, sa mga pamilihan, na ipapainit muli sa oben sa bahay.
Ang Associazione Verace Pizza Napoletana (lit. Asosasyon ng Tunay na Napolitanong Pizza) ay isang samahang di-pangkalakalan na itinatag noong 1984 na may punong-tanggapan sa Napoles na naglalayong magtaguyod ng tradisyonal na Napolitanong pizza.[7] Noong 2009, sa kahilingan ng Italya, inirehistro ang Napolitanong pizza sa Unyong Europeo bilang pagkain na Traditional Speciality Guaranteed (lit. Garantisadong Tradisyonal na Espesyalidad),[8][9] at noong 2017 naisama ang sining ng paggawa nito sa talaan ng UNESCO ukol sa di-materyal na pamanang kultural.[10]
Si Raffaele Esposito ang kadalasang itinuturing na ama ng modernong pizza.[11][12][13][14]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Pizza" (sa wikang Ingles). New World Encyclopedia. Nobyembre 24, 2022. Nakuha noong 10 Pebrero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "144843". Oxford English Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) edisyon). Oxford University Press. Setyembre 2005.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Naylor, Tony (6 Setyembre 2019). "How to eat: Neapolitan-style pizza" [gf]. The Guardian (sa wikang Paano kainin: Napolitanong pizza). London. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Setyembre 2019. Nakuha noong 20 Setyembre 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link) - ↑ Godoy, Maria (13 Enero 2014). "Italians To New Yorkers: 'Forkgate' Scandal? Fuhggedaboutit". The Salt (blog). National Public Radio. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Setyembre 2019. Nakuha noong 20 Setyembre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Maiden, Martin. "Linguistic Wonders Series: Pizza is a German(ic) Word" [Serye ng Hiwagang Lingguwistiko: Salitang Herman(iko) Ang Pizza]. yourDictionary.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2003-01-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Miller, Hanna (Abril–Mayo 2006). "American Pie" [Amerikanong Pie]. American Heritage (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Pebrero 2012. Nakuha noong 4 Mayo 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Associazione Verace Pizza Napoletana (AVPN)". Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Hulyo 2017. Nakuha noong 11 Hulyo 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Official Journal of the European Union, Commission regulation (EU) No 97/2010 Naka-arkibo 2013-06-03 sa Wayback Machine., 5 February 2010
- ↑ International Trademark Association, European Union: Pizza napoletana obtains "Traditional Speciality Guaranteed" status Naka-arkibo 2014-08-19 sa Wayback Machine., 1 April 2010
- ↑ "Naples' pizza twirling wins Unesco 'intangible' status" [Pagpapaikot ng pizza ng Napoles, nanalo ng estadong 'di-materyal' sa Unesco]. The Guardian (sa wikang Ingles). London. Agence France-Presse. 2017-12-07. ISSN 0261-3077. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-12-07. Nakuha noong 2017-12-07.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Arthur Schwartz, Naples at Table: Cooking in Campania (1998) [Napoles at Mesa: Pagluluto sa Campania] (sa wikang Ingles), pa. 68. ISBN 9780060182618.
- ↑ John Dickie, Delizia!: The Epic History of the Italians and Their Food (2008) [Delizia!: Ang Epikong Kasaysayan ng mga Italyano at ang Kanilang Pagkain] (sa wikang Ingles), pa. 186.
- ↑ Father Giuseppe Orsini, Joseph E. Orsini, Italian Baking Secrets (2007) [Mga Italyanong Sikreto sa Paghuhurno] (sa wikang Ingles), pa. 99.
- ↑ "Pizza Margherita: History and Recipe" [Pizza Margherita: Kasaysayan at Resipi]. ITALY Magazine (sa wikang Ingles). 14 Marso 2011. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 7 Pebrero 2013. Nakuha noong 2022-02-21.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)