Produksiyon ng kape sa Pilipinas
Nagsimula ang produksiyon ng kape sa Pilipinas noong 1740 nang ipinakilala ng Kastila ang kape sa mga isla.. Naging isang pangunahing industriya ito sa Pilipinas dati, sa punto na naging ikaapat na pinakamalaking bansa ng paggawa ng kape 200 taong nakalilipas.
Bilang noong 2014, gumagawa ang Pilipinas ng 25,000 metrikong tonelada ng kape at niraranggo bilang ika-110 ayon sa output. Gayunpaman, mataas ang lokal na pangangailangan ng kape na may 100,000 metrikong tonelada ng kape na nauubos sa bansa kada taon.[1] Ang Pilipinas ay isa sa iilang mga bansa na namumunga ng apat na pangunahing uri ng kapaki-pakinabang na kape; Arabica, Liberica (Barako), Excelsa at Robusta.[2] 90 porsiyento ng kape na ginawa sa bansa ay Robusta. Nagkaroon ng mga pagtatangka upang buhayin muli ang industriya ng kape.[3]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga unang taon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinakilala ang kapeng Arabica na baryante sa Kanlurang Java noong 1690. Ipinasok na nang palihim ng mga peregrinong Muslim ang butong Yemeni sa kanlurang India, ang tunay na pinagmumulan ng mga punlang Dutch, at marahil na ipinakilala ito sa Sumatra. Ibinenta ang kape ng Kanlurang Sumatra sa mga Britanikong dayuhan at Amerikanong misyonero na nagpalaganap nang higit pa ng kape, marahil sa Pilipinas noong ikalabing walong siglo. Lumago ang pag-inom ng kape sa Timog-silangang Asya at iniugnay sa kultura ng Islam.[4] Ipinakilala ang kape sa Pilipinas noong 1730, nang nagtanim ang isang Franciscanong prayle ng unang puno ng kape sa Lipa, Batangas. Nagmula sa Mehiko ang kape na ipinakilala sa Pilipinas. Itinaguyod ang produksiyon ng kape sa huli ng mga Agustinyanong prayle na si Elias Nebreda at Benito Varas sa iba pang bahagi ng Batangas gaya ng Ibaan, Lemery, San Jose, Taal, at Tanauan. Ang mga plantasyon ng kape ay naging bahagi ng pundasyon ng ekonomiya ng Batangas at sa kalaunan pinangalanan ang Lipa bilang kapital ng kape ng Pilipinas.[5][2][6]
Paglago sa ika-19 siglo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkatapos ng Digmaang Sibil ng Amerika, noong 1865, nagkaroon ng biglaang pagtaas ng pangangailangan ng kapeng Filipino sa Estados Unidos dahil mas mura ang pag-angkat ng kape mula sa Pilipinas kaysa sa pag-angkat ng kape mula sa Brasil. Ang Barako mula sa Batangas ay ipinadala mula sa Manila papunta sa San Francisco. Ipinadala ang kalahati ng luwas ng kape sa Pilipinas sa taong iyon sa San Francisco. Nagsimula rin ang pag-angkat ng kape sa Europa kasunod ng pagbubukas ng Kanal Suez noong 1869. Noong 1876, ipinakilala ang kape sa bayan ng Amadeo sa kalapit na Cavite at nagsimulang gumawa ng kape ang lalawigan. Gayunpaman, nanatili ang Lipa bilang pangunahing tagagawa ng kape sa Pilipinas at naging mas mahal ang barakong Batangas ng 5 beses kumpara sa butong Java. Noong 1880, naging ikaapat ang Pilipinas sa pinakamalaking tagaluwas ng mga butong kape. Bumaba ang produksiyon ng kape sa mga kakompetensyang rehiyon ng Brasil, Aprika at Java noong nakakaapekto ang kalawang ng kape sa mga rehiyon at mula 1887 hanggang 1889, ang Pilipinas ang tanging pinagkukunan ng kape sa mundo.[6][5]
Paghina noong 1880s-1890s
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1889, nagkaroon ng napakatinding paghina ang produksiyon ng kape sa bansa kasunod ng pagpapakilala ng kalawang ng kape sa bansa at ng pagdaragdag ng insidente ng pagsiklab ng mga insekto. Halos nilipol ng mga elementong ito ang lahat ng puno ng kape sa Batangas. Noong 1891, nabawasan ang produksiyon ng kape sa bansa at naging 1/6 ng kabuuang produksiyon nito dalawang nakaraang taon. Sa panahong ito, nabawi na ng Brazil ang posisyon nito bilang isang pangunahing tagagawa ng kape. Inilipat ang mga buto na buhay pa rin sa Cavite dahil marami ang lumipat na magsasaka sa Batangas papunta sa pagpapatubo ng ibang pananim.[5]
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong dekada 1950, nagpakilala ang pamahalaan ng Pilipinas, na may tulong mula sa mga Amerikano, ng iba't ibang baryante ng kape sa bansa na mas lumalaban. Nagsimula ang produksiyon ng kapeng kagyat (instant coffee) sa mga komersyal na dami na nagresulta sa pagtaas ng pangangailangan para sa kape..Maraming magsasaka ang nagsimulang bumalik sa pagpapatubo ng kape noong dekada 1960. Pansamantalang huminto ang pag-angkat ng kape dahil sa sobra sa merkado ng mundo dahil sa biglang paglaganap ng mga kapihan. Noong 1980, naging miyembro ang Pilipinas ng International Coffee Organization (ICO). [5]
Ika-21 siglo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pangangailangan para sa kape ay nakaranas ng pagtaas. Noong 2002, ang taunang pagkonsumo ng kape ng Pilipinas ay 75,000 metrikong tonada. Tumaas ang numerong ito na maging 170,000 metrikong tonada taun-taon noong 2018. Sa parehong taon, nagsimulang mag-angkat ang Pilipinas ng kape dahil sa mababang produksiyon ng kape na 35,000 metrikong tonelada taun-taon. Iniaangkat ang halos 75,000-100,000 metrikong tonelada ng pinatuyong butong kape na nagkakahalaga ng ₱7−10 bilyon mula sa Byetnam at Indonesia ayon sa Kagawaran ng Pagsasaka o Department of Agriculture (DA).[7]
Sa 2016, ayon sa PhilMech, isang ahensya sa ilalim ng DA, Mindanao ang nangunguna sa lokal na produksiyon ng mga pinatuyong butong kape. Ang Sultan Kudarat ang lalawigan na nagpapatubo ng pinakamaraming kape sa isla. Ang produksiyon ng kape sa mga tradisyunal na lugar ng paglilinang tulad ng Cordillera at Calabarzon ay nakaranas ng pagbaba dahil sa malakas na bagyo na bumagsak sa rehiyon noong taong iyon.[7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "How can the Philippines be a top coffee exporter again?". The Philippine Star. Nakuha noong 15 Nobyembre 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Coffee's Rich History in the Philippines". Philippine Coffee Board. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Pebrero 2012. Nakuha noong 15 Nobyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippines tries to reignite production". Nikkei Asian Review. Nakuha noong 15 Nobyembre 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://books.google.com.ph/books?id=QKgraWbb7yoC&pg=PA360&lpg=PA360&dq=1690+coffee+in+Sumatra+the+Philippines&source=bl&ots=3YpTKd77Z_&sig=USygI0_hd5Hnnh4tshqzHa9RziQ&hl=en&sa=X&ved=0ahUKEwiV2PiNkPXXAhUJwrwKHfQcBxQQ6AEISzAH#v=onepage&q= 1690% 20coffee% 20in% 20Sumatra% 20the% 20Philippines & f = false
- ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 "Uplifting the local brew". Manila Standard. Nakuha noong 15 Nobyembre 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 "Coffee for Christmas". The Manila Times. Nakuha noong 15 Nobyembre 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 Domingo, Leander (23 Marso 2018). "Philippine coffee industry gets boost". Manila Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Marso 2018. Nakuha noong 23 Marso 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)