Tubig-rosas
Uri | Pinalasang tubig |
---|---|
Lugar | Iran (Sinaunang Persiya) |
Rehiyon o bansa | Asya at Europa |
Pangunahing Sangkap | Talulot ng rosas |
Karagdagang Sangkap | Tubig |
|
Ang tubig-rosas ay pinalasang tubig na nagagawa sa paglugom o pagbabad ng mga talulot ng rosas sa tubig.[1] Ito ang bahaging hidrosol ng destilado ng talulot ng rosas, isang gulgol ng produksiyon ng langis ng rosas para magamit sa pabango. Ginagamit din ang tubig-rosas bilang pampalasa ng pagkain, bilang sangkap sa kosmetika at medisina, at para sa mga layuning panrelihiyon sa buong Eurasya.
Ang Gitnang Iran ay tahanan ng taunang pistang Golabgiri tuwing tagsibol. Libu-libong turista ang bumibisita sa lugar upang ipagdiwang ang pag-aani ng rosas para sa produksyon ng tubig-rosas.[2][3] Iran ang pinagmumulan ng 90% ng produksiyon ng tubig-rosas sa mundo.[4]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mula noong sinaunang panahon, ginagamit ang mga rosas sa panggamot, nutrisyon, at pinagkukunan ng pabango.[2]
Ang mga pabangong rosas ay gawa sa langis ng rosas, na tinatawag ding attar ng mga rosas, na isang timpla ng mga bolatil na langis-esensiyal na nakuha sa pagdedestila ng mga dinurog na talulot ng rosas sa singaw. Isang gulgol nitong proseso ang tubig-rosas.[5] Bago ang pagbuo ng pamamaraan ng pagdedestila ng tubig-rosas, ginamit na ang mga talulot ng rosas sa lutuing Persa bilang pampabango at bilang pampalasa sa mga putahe.[6] Malamang na nagmula ang tubig-rosas sa Persiya,[7][8][9] kung saan kilala ito sa katawagang gulāb (گلاب), mula sa gul (گل rosas) at ab (آب tubig). Sa Griyegong Medyebal, inangkin bilang zoulápin ang katawagan.[10]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Rosewater recipes" [Mga resipi ng tubig-rosas]. BBC Food (sa wikang Ingles).
- ↑ 2.0 2.1 "GOLĀB". Encyclopaedia Iranica (sa wikang Ingles). Bol. XI (ika-online (na) edisyon). Encyclopaedia Iranica Foundation. 2012. pp. 58–59. ISSN 2330-4804. Nakuha noong 24 Marso 2021.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rosewater festivals draw visitors to central Iran" [Mga pista ng tubig-rosas, nakakaakit ng mga bisita papunta sa gitnang Iran]. Tehran Times (sa wikang Ingles). 3 Mayo 2018. Nakuha noong 1 Hunyo 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Iran Meets 90% of Global Rosewater Demand" [Iran, Tinugunan Ang 90% ng Demand ng Mundo para sa Tubig-rosas]. Financial Tribune (sa wikang Ingles). 15 Hunyo 2019. Nakuha noong 16 Abril 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Adamson, Melitta Weiss (2004-01-01). Food in Medieval Times [Mga Pagkain sa Panahong Medyebal] (sa wikang Ingles). Greenwood Publishing. p. 29. ISBN 9780313321474.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Adamson, Melitta Weiss (2004). Food in Medieval Times [Mga Pagkain sa Panahong Medyebal] (sa wikang Ingles). Greenwood Publishing Group. p. 29. ISBN 978-0-313-32147-4.
Rose petals were already used in Persian cookery to perfume and flavor dishes long before the technique of distilling rose water was developed. The person commonly credited with the discovery of rose water was the tenth-century Persian physician Avicenna.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Adamson, Melitta Weiss (2004). Food in Medieval Times (sa wikang Ingles). Greenwood Publishing Group. p. 29. ISBN 978-0-313-32147-4.
Rose petals were already used in Persian cookery to perfume and flavor dishes long before the technique of distilling rose water was developed. The person commonly credited with the discovery of rose water was the tenth-century Persian physician Avicenna.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Marks, Gil (2010). Encyclopedia of Jewish Food. HMH. p. 791. ISBN 978-0-544-18631-6.
In 800 CE, the Arab scholar Jabir ibn Hayyan in-vented an improved still. About two centuries later, the Bukharan-born physician ibn Sina (980-1037), whose name was latinized as Avicenna, discovered how to use the still to extract the essential oil from flower petals. This allowed for the steam distillation of floral waters, particularly rose water
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Boskabady, Mohammad Hossein; Shafei, Mohammad Naser; Saberi, Zahra; Amini, Somayeh (2011). "Pharmacological Effects of Rosa Damascena". Iranian Journal of Basic Medical Sciences. 14 (4): 295–307. ISSN 2008-3866. PMC 3586833. PMID 23493250.
The origin of Damask rose is the Middle East and some evidences indicate that the origin of rose water is Iran
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tubig-rosas sa Encyclopædia Iranica (sa Ingles)