Pumunta sa nilalaman

Tubig-rosas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tubig-rosas
Mga bote ng tubig-rosas at mga talulot ng rosas
UriPinalasang tubig
LugarIran (Sinaunang Persiya)
Rehiyon o bansaAsya at Europa
Pangunahing SangkapTalulot ng rosas
Karagdagang SangkapTubig

Ang tubig-rosas ay pinalasang tubig na nagagawa sa paglugom o pagbabad ng mga talulot ng rosas sa tubig.[1] Ito ang bahaging hidrosol ng destilado ng talulot ng rosas, isang gulgol ng produksiyon ng langis ng rosas para magamit sa pabango. Ginagamit din ang tubig-rosas bilang pampalasa ng pagkain, bilang sangkap sa kosmetika at medisina, at para sa mga layuning panrelihiyon sa buong Eurasya.

Ang Gitnang Iran ay tahanan ng taunang pistang Golabgiri tuwing tagsibol. Libu-libong turista ang bumibisita sa lugar upang ipagdiwang ang pag-aani ng rosas para sa produksyon ng tubig-rosas.[2][3] Iran ang pinagmumulan ng 90% ng produksiyon ng tubig-rosas sa mundo.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Rosewater recipes" [Mga resipi ng tubig-rosas]. BBC Food (sa wikang Ingles).
  2. "GOLĀB". Encyclopaedia Iranica (sa wikang Ingles). Bol. XI (ika-online (na) edisyon). Encyclopaedia Iranica Foundation. 2012. pp. 58–59. ISSN 2330-4804. Nakuha noong 24 Marso 2021.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Rosewater festivals draw visitors to central Iran" [Mga pista ng tubig-rosas, nakakaakit ng mga bisita papunta sa gitnang Iran]. Tehran Times (sa wikang Ingles). 3 Mayo 2018. Nakuha noong 1 Hunyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Iran Meets 90% of Global Rosewater Demand" [Iran, Tinugunan Ang 90% ng Demand ng Mundo para sa Tubig-rosas]. Financial Tribune (sa wikang Ingles). 15 Hunyo 2019. Nakuha noong 16 Abril 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)