Banaag at Sikat
May-akda | Lope K. Santos |
---|---|
Bansa | Pilipinas |
Wika | Tagalog |
Dyanra | Kathang-isip |
Petsa ng paglathala | 1906 |
Ang Banaag at Sikat[1] ay isa sa mga isinaunang mahabang salaysaying pampanitikan na isinulat ni Lope K. Santos sa wikang Tagalog noong 1906.[2] Bilang isang aklat na tinaguriang “bibliya ng mga manggagawang Pilipino”[2], umiinog ang mga dahon ng nobelang ito sa buhay ni Delfin, sa kaniyang pag-ibig sa isang dalagang anak ng mayamang nagmamay-ari ng lupa, habang tinatalakay din ni Lope K. Santos ang mga paksang panlipunan: ang sosyalismo, kapitalismo, at mga gawain ng mga nagkakaisang-samahan ng mga liping manggagawa.[3], nasa wikang Ingles, Mga Lathalain Hinggil sa Kalinangan at Sining, Tungkol sa Kalinangan at Sining, nccang ang akdang ito ni Lope K. Santos ito ang “nagbigay-daan para maisulat ang iba pang mga nobelang nasa wikang Tagalog”[4] na may pinagsanib na mga paksang hinggil sa pag-ibig, pangkabuhayan, at sa makatotohanan at gumagalaw na katayuan ng lipunan.[5][6] Bagaman isa ito sa pinakaunang mahabang salaysayin sa Pilipinas na nakaantig ng damdamin ng lipunan, sinasabi na naging pamukaw-kasiglahan din ito ng kilusang Hukbalahap o Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon.[7]
Hindi ito ang pinakaunang nobelang Tagalog[5], sapagkat nalimbag ang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos matapos ang Nena at Neneng (1905), ang itinuturing na pinakaunang nobelang Tagalog na nilimbag bilang isang aklat, na isinulat ni Valeriano Hernandez Peña.[5] Subalit may mas nauna pang nobelang Tagalog, ang Kababalaghan ni P. Brava ni Gabriel Beato Francisco, na lumabas sa paraang hulugan sa mga pahina ng babasahing Kapatid ng Bayan noong 1899.[7]
Ang salin sa Ingles ng pamagat na Banaag at Sikat ay kumakatawan sa katagang “mula sa maagang pagbubukang-liwayway hanggang sa ganap na pagkalat ng liwanag” ng araw (From Early Dawn to Full Light), na nagmula sa isang pagsusuri nina Patricio N. Abinales at Donna J. Amoroso.[8]
Buod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hinggil sa mga buhay ng magkaibigang Delfin at Felipe ang nobelang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos:
Si Delfin ay isang sosyalista, samantalang si Felipe ay isang anarkista. Bilang sosyalista, naniniwala at hinahangad ni Delfin na mapalaganap ang kaisipang sosyalismo sa lipunan, kung saan ang mga mamamayan ang may higit na karapatan sa lahat ng mga gawaing pangangalakal, mga pag-aari, at mga pagawaing pambansa. Bagaman isang mahirap na nag-aaral ng abogasya at nagtatrabaho bilang manunulat sa isang pahayagan, matindi ang paniniwala ni Delfin na matatamo lamang ang isang lipunang makamaralita sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan, isang pakikibakang hindi nababahiran ng pagdanak ng dugo.
Si Felipe naman - na may adhikaing anarkismo - ay naniniwala sa marahas na pagbuwag sa mga namamayaning kapangyarian at kalupitan ng mga mayayamang may-lupa. Ibig niyang pawiin ang mga abusadong maykapangyarihan na naghahari sa lipunan. Bagaman anak ng isang mayamang pinuno ng isang bayan, kinamumuhinan ni Felipe ang mga gawi at karahasan ng kaniyang ama. Mas mamarapatin niyang magkaroon ng pagkakapantay ang lahat ng uri ng mga mamamayan: walang pagkakaiba ang mga mahihirap at ang mga mayayaman.
Mga pangyayari
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dahil nga sa pagkamuhi sa nakagisnang buhay bilang mayaman at anak ng isang marahas na may-salapi, nilisan ni Felipe ang tahanan ng kaniyang ama para mamuhay bilang kaisa ng mga maralita. Iniwan niya ang marangyang pamumuhay upang makasama ang mga karaniwang uri ng mga mamamayan ng lipunan. Nakitira si Felipe sa tahanan ng isang amain sa kumpil sa Maynila. Subalit kinamuhian din niya ang amaing si Don Ramon dahil wala itong pinagkaiba sa kaniyang ama: mayaman din at malupit sa mga tauhan nito. Umibig si Felipe kay Tentay, isang babaeng mahirap subalit may dangal. Pinilit si Felipe ng kaniyang ama na magbalik sa kanilang kabahayan sa bayan ng Silangan, ngunit napalayas lamang dahil sa pagtuturo ni Felipe sa mga tauhang magbubukid at utusan sa bahay ng kanilang mga likas na karapatan bilang tao.[1]
May tatlong anak si Don Ramon, na amain ni Felipe, at inibig ni Delfin ang isa sa mga ito. Nang magbunga at magdalang tao si Meni, itinakwil ito ni Don Ramon. Sumama si Meni sa kasintahang si Delfin at namuhay bilang isang mahirap. Dahil sa ginawang ito ni Meni, nilisan ni Don Ramon ang bansang Pilipinas, kasama ang isang tinatangkilik at kinakasamang katulong sa bahay. Napatay si Don Ramon habang nasa New York, kaya't binalik ang kaniyang bangkay sa Pilipinas. Si Ruperto, ang dating nawawalang kapatid ni Tentay, ang nagbunyag ng dahilan kung bakit pinaslang si Don Ramon: ang kalupitan nito sa kaniyang mga utusan.[1]
Nagtapos ang nobela sa pagpapaiwan nina Felipe at Delfin sa may puntod ni Don Ramon. Pinagusapan nila ang kanilang mga adhikain, paniniwala at paninindigang panlipunan. Nilisan nila ang libingan na sinasalubong ang kadiliman at kalaliman ng gabi.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Santos, Lope K. Banaag at Sikat, Bookmark, Pilipinas, 1988
- ↑ 2.0 2.1 Talaan ng mga mungkahing pamagat (List of Recommended Titles), nasa wikang Ingles, pcgny.net, 11 Nobyembre 2002
- ↑ "Quindoza-Santiago, Lilia (Dr.) Kalinangang Pilipino noong Kapanahunan ng mga Amerikano (Philippine Culture during the American Period)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-04-06. Nakuha noong 2008-02-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mallari, Luisa J. Ang Talaang-Balangkas ng mga Panitikan sa Timog-Silangang Asya: Mga Panitikan ng Burma, Cambodia, Indonesya, Laos, Malaysia, Pilipinas, Thailand, at Biyetnam (The Canon in Southeast Asian Literatures: Literatures of Burma, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, the Philippines, Thailand, and Vietnam), David Smyth (patnugot), nasa wikang Ingles, Curzon/Routledge, 2000 ISBN 0700710906
- ↑ 5.0 5.1 5.2 Nobelang-Tagalog”, filipiniana.net, WikiPilipinas, nasa wikang Ingles, 2007[patay na link]
- ↑ San Juan, Epifanio. Ang Pagtukso sa Pilipinas: Mga Pagsusuring-Pangkaisipan ng Ugnayang Pampanitikang ng Pilipinas-Estados Unidos (The Philippine Temptation: Dialectics of Philippines-U.S. Literary Relations), nasa wikang Ingles, Palimbagan ng Pamantasang Temple, 1996, pahina 218/may 305 mga pahina, ISBN 156639418X
- ↑ 7.0 7.1 Herbert, Patricia M. at Anthony Crothers Milner (mga patnugot), “Pilipinas”, Timog-Silang Asya: Mga Wika at Mga Panitikan – Isang Gabay na May-Pagpili (Southeast Asia: Languages and Literatures – A Select Guide), nasa wikang Ingles, Grupo ng Aklatan sa Timog-Silangang Asya, 1989, ISBN 0824812670
- ↑ Abinales, Patricio N. at Donna J. Amoroso. Katayuan at Lipunan sa Pilipinas (State and Society in the Philippines), Pagsusuri, nasa wikang Ingles, Lanham, New York, Oxford:Palimbagang Rowman at Littlefield, Inc., 2005, pahina 27/xxxiv-may 353 pahina/; at Kalatas ng IAAS/bilang 43, iaas.nl, ISBN 0742510247
Iba pang mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mojares, Resil B. Mga Pinagmulan at Pagsikat ng Nobelang Pilipino: Isang Malawakang Pag-aaral ng Nobela hanggang 1940 (Origins and Rise of the Filipino Novel: A Generic Study of the Novel Until 1940), nasa wikang Ingles, Leonard Casper (manunuri), Ang Diyaryo ng mga Pag-aaral ng Asya, aklat bilang 45, bilang. 1 Nobyembre 1985, pahina 198-199
- Brakel, L. F., M. Balfas, Mohd. Taib Bin Osman, J. Gonda, Bahrum Rangkuti, B. Lumbera, at Hans Kahler. Panitikan (Literaturen), nasa wikang Ingles at Aleman, Aklat-Imbakang L. J. Brill, 1976, ISBN 9004043314.
- Talledo, Tomas. Pagsusuri ng "Sa Pamamagitan Lamang ng Pakikipagsapalaran: Mga Pagmumuni-muni hinggil sa Kalinanangan, Politika at Lipunan ng Pilipinas" (Only By Struggle: Reflections on Philippine Culture, Politics and Society) ni Epifanio San Juan, Jr., nasa wikang Ingles, Mga Aklat ng Giraffe, Lungsod ng Quezon, Pilipinas, 2002, Ibon.org. 2008[patay na link]
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Orihinal na kopya ng Banaag at Sikat mula sa New York Public Library sa Google Books