Pumunta sa nilalaman

Sabunang bato

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Soapstone)
Sabunang bato

Ang sabunang bato (Ingles: soapstone, steatite; Kastila: esteatita) ay isang talko-eskisto, na isang uri ng banyuhing bato. Higit sa lahat, binubuo ito ng mineral talko, at sa gayon ay mayaman sa magnesyo. Gawa ito mula sa dinamotermikong pagbanyuhay at metasomatismo na nangyayari sa mga pook kung saan subdusido ang mga tektonikang plato na nagbabago ng mga bato sa pamamagitan ng init at presyon na may pag-agos ng mga likido, ngunit walang natutunaw. Libu-libong taong itong paraan para sa panlililok.

Isang bloke ng talko

Ayon sa petrolohiya, halos binubuo ang sabunang bato ng talko na may iba't ibang halaga ng klorito at anpiboles (kadalasang tremolita, antopilita, at kumingtonita, samakatuwid ang kanyang lipas na pangalan, magnesyokumingtonita), at badha sa menor na bakal-kromong oksido. Maaari itong maging eskistoso o napakalaki. Nabubuo ang sabunang bato sa pamamagitan ng pagbanyuhay ng ultramapikong protolito (hal. dunita o serpentinita) at ang metasomatismo ng siliseyang dolomita.

Ayon sa masa, ang "purong" stiatit ay humigit-kumulang na 63.37% silika, 31.88% magnesya, at 4.74% tubig. Karaniwan itong naglalaman ng kaunting bakas ng iba pang mga okisido tulad ng CaO o Al2O3.

Ang piropilita, isang mineral na halos kapareho ng talko, ay tinawag minsan na sabunang bato sa pangkaraniwang kahulugan, dahil magkatulad ang mga pisikal na katangian at pang-industriyang gamit nito, at dahil karaniwang ipinang-uukit din ito. Gayunman, di gaanong kasabon ang pagkakahabi ng mineral na ito kagaya ng sabunang bato.

Mga pisikal na katangian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Medyo malambot ang sabunang bato dahil sa mataas na nilalamang talko nito; 1 ang halaga ng talko sa antas-Mohs ng katigasan. Malasabon ang pagkakahabi ng mga mas malalambot na antas kapag nahawakan, samakatuwid ang pangalan nito. Walang tiyak na nakatakdang katigasan sa sabunang bato dahil umiiba ang dami nilalamang talko nito, mula sa 30% para sa mga markang pang-arkitektura tulad ng mga ginamit sa mga countertop, hanggang sa 80% para sa markang panlililok.

Madaling lilukin ang sabunang bato. Bilang karagdagan, ito ay matibay, hindi nasisira sa init, at mataas na kapasidad na mag-imbak ng init. Samakatuwid, libu-libong taon itong ginamit bilang panluto at pang-init.

Madalas na ginagamit ang sabunang bato bilang pambukod para sa mga pambahay at de-kuryenteng gamit dahil sa kanyang tibay at mga katangiang elektriko at dahil maaari itong hubugin para maging kumplikadong hugis bago ito hurnuhin. Sumasailalim ang sabunang bato sa mga pagbabagong-anyo at nagiging enstatite at kristobalita kapag pinainit sa mga temperatura ng 1,000–1,200 °C (1,830–2,190 °F); sa antas-Mohs, naaayon ito sa pagtaas ng katigasan (5.5-6).[1]

Mga makasaysayang paggamit

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Gawa sa sabunang bato ang ika-21 siglo na estatwa ng Iddi-Ilum ng Mari.

Karamihan sa mga agimat-iskarab ng sinaunang Ehiptong ay gawa mula sa pinakintab na stiatit.

Ginagamit ang sabunang bato para sa mga nakakalupkupan na disenyo, iskultura, koster, kawntertap ng kusina at lalabo. Madalas na gumamit ang Inuit ng sabunang bato para sa mga tradisyonal na inukit. Gumagawa ang ilang mga tribong at bandang Amerikanong Indiyano ng mga mangkok, mga tilad panluto, at iba pang mga bagay mula sa sabunang bato; sa kasaysayan, pangkaraniwan ito sa panahon ng Huling Arkaykong panahong arkeolohikal.

Ginamit ang sabunang bato na natibag sa lokalidad para sa mga puntod noong ika-19 na siglo sa hilagang-silangan ng Georgia, Estados Unidos, sa may Dahlonega, at Cleveland, bilang simpleng batong bukid at mga libingang "slot and tab".

Pinainit ang mga maliliit na bloke ng sabunang bato (8" x 10" x 1") sa lutuin o malapit sa apoy at ginamit upang magpainit ng malamig na pantulog o upang mapanatiling kumportable ang mga kamay at paa habang nagpaparagos.

Medyo sagana ang sabunang bato sa hilagang Europa. Nagtabtab ang mga Viking ng sabunang bato nang direkta mula sa mukha ng bato, hinubog ito para maging kalderong panluto, at ibinenta ito sa bahay at sa ibang bansa.[2] Maraming mga gusaling medyebal ang natirang buhay dito na gawa sa sabunang bato, kabilang dito ang Katedral ng Nidaros.

Minsan ipinantatayo ang sabunang bato ng paligid ng pugon, naka-clad sa mga lutuang nagsusunog ng kahoy, at bilang mas gustong materyal para sa mga kanterong pampainit ng kahoy dahil maaari itong sumipsip, mag-imbak, at magliyab ng init nang pantay-pantay dahil sa mataas na densidad at nilalaman magnesita (MgCO3). Ginagamit din ito para sa mga kawntertap at baldosa sa banyo dahil madaling gamitin ang materyal at dahil "tahimik na bato" ang katanigan nito. Natural na nagiging mas bagbag at matanda ang hitsura nito sa paglipas ng panahon habang napapahusay ang patina.

Ang sinaunang lungsod ng pangangalakal ng Tepe Yahya sa timog-silangan ng Persiya ay naging sentro para sa paggawa at pamamahagi ng sabunang bato sa ika-lima hanggang ikatlong millennia BC.[3] Ginamit din ito sa Minoanong Creta. Sa Palasiyo ng Knossos, kabilang sa pagkabawing arkeolohikal ang isang kahanga-hangang mesang pantagay sa anito na gawa sa stiatit.[4] Gumamit ang mga taong Yoruba ng Kanlurang Nigeria ng sabunang bato para sa maraming estatwa, lalo na sa Esie, kung saan nadiskubre ng mga arkeologo ang daan-daang mga estatwa ng lalaki at babae, at halos kalahati nito ay kasinglaki ng tao. Nakagawa rin ang Yoruba ng Ife ng isang miniyaturang obelisko na gawa sa sabunang bato na may metal na ganador na tinatawag sa pamahiin bilang "ang baston ni Oranmiyan".

Gawa sa sabunang bato ang mga panlabas na patong ng iskulturang Kristo ang Tagapagtubos sa Rio de Janeiro.

Mga modernong paggamit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ginagamit nang ilang siglo hanggang ngayon ang sabunang bato sa Indya bilang pinag-uukitan. Nagpapanganib ang pagmimina upang matugunan ang pandaigidigang panganailangan para sa sabunang bato sa tirahan ng mga tigre ng Indya.

Sa Brasil, lalo na sa Minas Gerais, dahil sa dami ng mga minahan ng sabunang bato sa Brasilenyong estado, naglilikha pa rin ang mga lokal na artista ng mga bagay mula sa materyal na iyon, kabilang ang mga kaldero at kawali, basong pang-alak, rebulto, lalagyan ng alahas, koster, at plorera. Karaniwang ibinebenta ang mga nayaring ito sa mga palengke na matatagpuan sa mga lungsod sa buong estado. Ang ilan sa mga pinakalumang bayan, lalo na sina Congonhas, Tiradentes, at Ouro Preto, ay mayroon pa ring iilang kalye na naaspaltuhan ng sabunang bato mula sa panahong kolonyal.

Gumagamit ang ilang mga Amerikanong Indiyano ng sabunang bato para sa mga pipa; maraming mga halimbawa ang natagpuan sa mga artepakto ng iba't ibang kultura at ginagamit pa rin ngayon. Nagbibigay-daan ang mababang konduksyon nito ng init sa pangmatagalang paninigarilyo nang hindi umiinit ang pipa si di-komportableng antas.[5]

Ang mga pipa at pandekorasyon ng mga lokal na hayop ay ginawa mula sa sabunang bato ni Erlikilyika, isang Australyanong taal na manlilikha (s.1865 – s.1930) sa Gitnang Australia.

Gumagamit ang ilang mga lutuang nagsusunog ng kahoy ng sabunang bato upang samantalahin ang mga kapaki-pakinabang na katangian nito na initin at kasagwilan sa sunog.

Ipinang-uukit din ang sabunang bato upang lilukin ang mga Tsinong selyo.

Sa kasalukuyan, karaniwang ginagamit ang sabunang bato pang-arkitektura, tulad ng kawntertap, baldosa, bandeha ng paliguan, at karayagang panloob.

Kabilang sa mga aktibongminahan ng sabunang bato sa Hilagang Amerika ang isa sa timog ng Lungsod ng Quebec na may mga produktong ipinagbili ng Canadian Soapstone, ang mga minahang Treasure at Regal sa Kondehang Beaverhead, Montana na minina ng Barretts Minerals Company, at isa pa sa Gitnang Virginia na pinamamahalaan ng Alberene Soapstone Company. Minimina ang sabunang bato pang-arkitektura sa Canada, Brasil, Indya, at Pinlandiya at iniaangkat sa Estados Unidos.

Ipinangmamarka ng mga manghihinang at pabrikador ang sabunang bato dahil may kasagwilan ito sa init; nananatiling lantad ito kapag inilalapat ng init. Matagal na rin itong ipinangmamarka ng mga mananahi, karpintero, at iba pang mga manggagawa sapagkat tahaw ang mga marka nito at hindi permanente.

Maaaring ipanggawa ang sabunang bato ng mga hulma para sa pagmomolde ng mga bagay mula sa mga malambot na metal, tulad ng pyuter o pilak. Madaling ukitin ang malambot na bato at hindi nasisira sa pag-init. Nagbibigay-daan ang makinis na ibabaw ng sabunang bato sa madaling pag-alis ng tapos na bagay.

Maaaring ilagay ang sabunang bato sa priser at gamitin mamaya sa halip ng yelo para palamigin ang alak nang walang pagpapalabnaw. Tinatawag na batong wiski o whiskey stones paminsan-minsan, unang ipinakilala ang mga ito noong mga 2007.[kailangan ng sanggunian] Itinatampok ng mga karamihan sa mga batong wiski ang kinang na semipulido na nagpapanatili sa malambot na hitsura ng natural na sabunang bato, habang napakakintab ng mga iba.

Ang mga seramikang gawa sa stiatit ay mga murang biaxial na porselana na may nominal na komposisyong (MgO)3(SiO2)4. Pangunahing ginagamit ang stiatit dahil sa kanyang katangiang duhalektrika at sabukod sa initin sa mga aplikasyon tulad ng baldosa, substrato, panghugas, sakla, kuwintas, at mga pangulay. Ginagamit din ito para sa mga pambukod ng mataas na boltahe na kailangang mapagtiisan ang malalaking mekanikal na pasan, hal. mga pambukod ng tungalat pampalo.

Maaaring mailantad ang mga tao sa sabunang bato sa trabaho sa pamamagitan ng paghihinga nito, pakikipag-ugnay sa balat, o pakikipag-ugnay sa mata.

Estados Unidos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagtakda ang Pamamahala sa Kaligtasan at Pangangasiwa sa Kalusugan ng ligal na limitasyon (pinahihintulutang limitasyon ng pagkakalantad) para sa pagkakalantad sa sabunang bato sa trabaho bilang 20 milyong partikulo sa bawat kubikong talampakan sa isang araw ng trabahong may tagal ng 8 oras. Nagtakda ang National Institute para sa Kaligtasan ng Kalusugan at Kalusugan ng inirerekumendang limitasyon ng pagkakalantad ng 6 mg/m3 kabuuang pagkakalantad at 3 mg/m3 pagkakalantad sa paghinga sa isang araw ng trabahong may tagal ng 8 oras. Sa mga antas ng 3000 mg/m3, ang sabunang bato ay agarang mapanganib sa buhay at kalusugan.

Ibang pangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Kilala ang batong kombarbalita, eksklusibong minimina sa Combarbalá, Chile, dahil sa mararaming kulay nito. Habang hindi sila nakikita habang minimina, lumilitaw ang mga ito pagkatapos ng pagdadalisay.
  • Ang mga batong palewa at gorara ay mga uri ng Indyanong sabunang bato.
  • Ginagamit ang mga iba't iba iba pang pangalang pang-rehiyon at pampamimili para sa sabunang bato.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Some Important Aspects of the Harappan Technological Tradition," Bhan KK, Vidale M and Kenoyer JM, in Indian Archaeology in Retrospect/edited by S. Settar and Ravi Korisettar, Manohar Press, New Delhi, 2002.
  2. Else Rosendahl, The Vikings, The Penguin Press, 1987, page 105
  3. "Tepe Yahya," Encyclopædia Britannica, 2004. Britannica Concise Encyclopedia. 3 January 2004, Britannica.com Naka-arkibo 2007-10-27 sa Wayback Machine.
  4. C.Michael Hogan (2007) "Knossos Fieldnotes", The Modern Antiquarian
  5. Witthoft, J.G., 1949, "Stone Pipes of the Historic Cherokees", Southern Indian Studies 1(2):43–62.
  6. "Soapstone sculptures". hoysala.in. 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Pebrero 2009. Nakuha noong 26 Nobyembre 2018. {{cite web}}: Unknown parameter |dead-url= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Karagdagang pagbabasa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]