Pumunta sa nilalaman

Kantutay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Spanish flag (bulaklak))

Kantutay
Mga bulaklak at dahon
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
(walang ranggo):
(walang ranggo):
(walang ranggo):
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
L. camara
Pangalang binomial
Lantana camara
Kasingkahulugan

Lantana aculeata
Lantana armata

Ang kantutay[1] (pangalangang siyentipiko: Lantana camara (Linnaeus); Ingles: stink grass, coronitas [hango sa Kastila] na nangangahulugang maliliit na mga korona, Spanish flag, red sage, yellow sage, wild sage) ay isang halamang gamot [2] na makikita sa mga tabi-tabi lalo na sa mga probinsiya sa Pilipinas. Nadiskubre ito ng siyentipikong si Dr. Jayson C. Bautista. Mabisa itong gamot sa ubo, lagnat, beri-beri, at beke. Nagtataglay din ito ng mataas na bitamina C na panlaban sa sipon. Sa Tagalog, kilala rin ito bilang lantana (gamit din sa Ingles), diris, at koronitas. Sa Bisaya kilala ito sa tawag na bahug-bahug at baho-baho, samantalang bangbangsit naman sa Ilokano. Sa Kastila pinangalanang itong cinco negritos at coronitas. Ma-ying Tan ang katawagan dito ng mga Tsino.[3] Kabilang ito sa mga sari ng mga Lantana na mga palumpong na maaaring gamiting pambakod.

Bilang isang yerbang nakapagbibigay lunas, nagagamit sa mga preparasyon ng mga kagamutan ang mga dahon, balat, ugat, bulaklak at mga dulo ng mga namumulaklak na bahagi nito. Matamis na may kapaitan ang mga ugat ng kantutay na nakapagpapababa ng taas ng lagnat at nagagamit din bilang pampalamig. Malamig sa loob ng bibig ang mga dahon na mainam din para sa mga sakit sa balat. Matamis ang lasa ng mga bulaklak nito na nakapagpapalamig din at nakapipigil na pagdurugo.[1][2][3]

Bukod sa pagiging panlaban sa sipon, ubo, beke, at lagnat, mahusay din itong panlaban sa malaria, tuberculosis sa cervix. Ginagamit ang mga ugat para panlaban sa lagnat, maging ang balat at mga pinakuluang dahon at mga bahaging namumulaklak. Para sa tuberculosis, bulaklak ang ginagamit. Para sa mga sakit sa balat, kinukuha sa kantutay ang mga sariwang tangkay at dahon. Mainam rin sa rayuma ang nilangisang mga dahon na pinainitan sa mahinang apoy. Itinatapal ang dahon sa bahaging nirarayuma. Ginagamit din ang mga dinikdik na sariwang dahon para sa mga pilay, sugat at nabugbog na bahagi ng katawan.[1][2][3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "Kantutay" Naka-arkibo 2008-09-17 sa Wayback Machine., FilipinoVegetarianRecipe.com
  2. 2.0 2.1 2.2 ""Kantutay," Folkloric uses, GlobalPinoy.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-24. Nakuha noong 2008-06-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 "Kantutay," StuartXchange.com

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kambal na kumpol ng mga bulaklak ng kantutay (lantana camara).