Talaan ng mga lungsod sa Suwesya
Ito ay isang talaan ng mga lungsod sa makabagong Suwesya na dating nakatamasa ng mga pribilehyong panlungsod, kaya binigyan sila ng karapatan na tawagin ang kani-kanilang sarili bilang bayan (Suweko: stad, plural städer). Tumutukoy ang taon sa taong itinatag o kung kailang binigyan sila ng kartang. Hindi kasama sa talaang ito ang mga bayan sa Pinlandiya na itinatag noong pamumuno ng Suwesya.
Buod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa ligal at pang-administratibong konteksto, hindi na ginagamit ang salitang stad sa Suwesya mula nang isinagawa ang pagbabago noong 1971 kung kailang tanging kommun (munisipalidad) lamang ang umiiral na uri ng lokal na pamahalaan. Bago ang pagbabagong ito may 132 mga sentrong urbano (133 noong 1966) na may titulong stad.
Ang mga sentrong urbano ng mga munisipalidad na ito ay tinatawag pa ring stad sa pang-araw-araw na pag-uusap at pinili ng 14 sa mga munisipalidad na patuloy na tawagin ang kani-kanilang sarili bilang stad para sa layuning pagbebenta, bagamat ilan sa kanila ay sumasaklaw ngayon sa malalaking mga pook na rural kasunod ng pagsasanib ng ilang mga munisipalidad sa isa't-isa noong dekada-1970 at 1980. Ang 14 na mga munisipalidad na ito ay: Munisipalidad ng Borås, Munisipalidad ng Göteborg, Munisipalidad ng Haparanda, Munisipalidad ng Hälsingborg, Munisipalidad ng Landskrona, Munisipalidad ng Lidingö, Munisipalidad ng Malmö, Munisipalidad ng Mölndal, Munisipalidad ng Solna, Munisipalidad ng Estokolmo, Munisipalidad ng Sundbyberg, Munisipalidad ng Trollhättan, Munisipalidad ng Vaxholm at Munisipalidad ng Västerås.
Ang kani-kanilang mga pasiya na tawagang "stad" ang kani-kanilang mga sarili ay para lamang sa mga kadahilanang pagbebenta o pagkilala ng iba sa kanila. Sa mga sitwasyong ligal, dapat kasama sa pangalan ng munisipalidad ang salitang kommun (munisipalidad) at sa ligal na mga pangalan lamang sila tutukuyin ng mga maykapangyarihan ng pamahalaan.
Talaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ^ Pinagsama ang Skanör at Falsterbo noong 1754 sa pangalang Skanör med Falsterbo at itinuturing na iisang bayan magmula noon.
Kasalukuyan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Karamihan sa mga dating bayan sa kasalukuyan ay mga sentrong urbano (tätorter) at luklukan ng kani-kanilang mga munisipalidad. Dalawang mga luklukan o dating mga bayan at munisipalidad ay may ibang pangalan: Djursholm ay luklukan ng Munisipalidad ng Danderyd at Visby ay luklukan ng Munisipalidad ng Gotland.
Ilang mga bayang naik ay lumaki na kasabay ng kanilang mga karatig-bayan at hindi na lubos na itinuturing bilang hiwalay na mga bayan:
- Huskvarna (bahagi ng Jönköping)
- Mölndal (bahagi ng pook na urbano ng Gothenburg)
- Djursholm, Nacka, Solna, Sundbyberg (bahagi ng pook na urbano ng Estokolmo)
- Lidingö (nakahiwalay sa Estokolmo by water, pero gayunpaman ay malimit na ibinibilang sa pook na urbano nito, bagamat ayon sa Statistics Sweden isang pook na urbano ang Lidingö sa sarili nito)
Ang sumusunod ay hindi mga luklukan ng mga munisipalidad:
- Gränna (sa Munisipalidad ng Jönköping)
- Mariefred (sa Munisipalidad ng Strängnäs)
- Marstrand (sa Munisipalidad ng Kungälv)
- Sigtuna (sa Munisipalidad ng Sigtuna kung saan ang luklukan ay Märsta)
- Skanör med Falsterbo (sa Munisipalidad ng Vellinge)
- Skänninge (sa Munisipalidad ng Mjölby)
- Torshälla (sa Munisipalidad ng Eskilstuna)
- Öregrund (sa Munisipalidad ng Östhammar)
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Stad (Suwesya)
- Mga munisipalidad ng Suwesya
- Talaan ng mga pook na urbano sa Suwesya ayon sa populayson
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Map of Sweden at Archive.is (naka-arkibo 2012-12-09)