Pumunta sa nilalaman

Sago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Tapioca)
Perlas na sago

Ang sago ay isang pulbong gawgaw na mula sa prinosesong ubod ng punong palma ng sago. Tinatawag ding sago ang mga bunga ng punong ito. Isa itong pagkain o inuming pang-meryenda (na karaniwang kasama ng gulaman) sa Pilipinas na ginagamit sa halu-halo at mga minatamis na pagkain.[1][2]

Sa maraming kaso, nagmula ito sa Metroxylon sagu. Isa ang pangunahing pangunahing pagkain para sa maraming tao na naninirahan sa Bagong Ginea at Maluku. Tinatawag ito na saksak, rabia, at sagu sa mga lugar na iyon.

Ang pinakamalaking tagapagtustos ay karaniwang nasa Timog-silangang Asya, partikular sa Indonesia at Malaysia. Madalas na ipinapadala ang malalaking dami ng sago sa Europa at Hilagang Amerika para sa mga layunin ng pagluluto. Sa maraming bansa kabilang ang Australya,[3] Brasil[4] at Indya, tinutukoy din ang perlas ng tapioca na gawa sa ugat ng kamoteng-kahoy[5] bilang sago, sagu, sabudana, atbp.

Mga tala sa kasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sago ay natala ng mananalaysay na Tsino na si Zhao Rukuo (1170–1231) noong Dinastiyang Song. Sa kanyang gawang Zhu Fan Zhi (1225), isang koleksyon ng mga paglalarawan ng mga dayuhang bansa, isinulat niya na ang kaharian ng Boni ay "walang trigo, kundi abaka at bigas, at ginagamit nila ang sha-hu (sago) para sa butil".[6]

Tradisyonal na niluluto ito at kinakain sa iba't ibang anyo. Maaari itong igulong sa pamamagitan ng pagpapakulo nito sa mainit na tubig. Bumubuo ito ng pasta na parang pandikit (papeda), o bilang pankeyk.

Ang sago ay kadalasang ibinebenta sa anyo ng "perlas", na ang maliit na bilugan na gawgaw na nagiging mala-gulaman sa pamamagitan ng pag-init. Maaaring pakuluan ang perlas ng sago ng tubig o gatas at asukal para maging matamis na pudin ng sago.[7] Kamukha ng mga perlas ng sago ang iba pang mga perlas na gawgaw tulad ng mga perlas na gawa sa gawgaw ng kamoteng-kahoy (tapioca[8]) at gagaw ng patatas. Kumpara sa mga perlas ng kamoteng-kahoy, mamuti-muti ang perlas ng totoong sago, hindi pantay ang sukat, malutong, at napakamadaling iluto.[9] Karagdagan pa dito, kadalasang minemerkado ang perlas ng kamoteng-kahoy bilang "sago", yayamang, mas mura silang gawin. Maaari silang magamit nang salitan sa ilang mga lutuin o meryenda.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  2. Laquian, Eleanor at Irene Sobreviñas. Filipino Cooking Here and Abroad, nasa wikang Ingles, 1977 (Unang Taon ng Paglilimbag), National Bookstore, Lungsod ng Maynila, Pilipinas, pahina 161 at 189, ISBN 9710800620
  3. "8 things you may not know about sago" (sa wikang Ingles). 26 Nobyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Sagu de vinho tinto (Tapioca Pearls in Red Wine)" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-13. Nakuha noong 2019-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Corbishley, Douglas A.; Miller, William (1984). "TAPIOCA, ARROWROOT, AND SAGO STARCHES: PRODUCTION". Starch: Chemistry and Technology (sa wikang Ingles). Elsevier. pp. 469–478. doi:10.1016/b978-0-12-746270-7.50019-7. ISBN 978-0-12-746270-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Harrisson, Tom (1969). "Bolyum 1". Brunei Museum Journal (sa wikang Ingles). Muzium Brunei. 1: 106.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Sago Pudding with Palm Sugar (Sago Gula Melaka)" (sa wikang Ingles). mycookinghut.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Marso 2022. Nakuha noong 9 Marso 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Alexandra Petilla; Rafia Q. Shah; Jyothi Setti; Jose C. Magboo; Amaryllis Garupa Selk; Gita Bantwal; Suzanne Olipane; Madge Kho; Ruchira Handa; Chris Santos-Brosnihan; Jumuna B. Vittal; Roosebelt Balboa; Antoinette G. Angeles; Dr. S. Jayasankar; Sivagama Sundhari Sikamani; Socorro M. Bannister; Blanca G. Calanog; Carmencita Q. Fulgado; Rosario E. Gaddi; Salvador Portugal; Marivic L. Gaddi; Jerry P. Valmoja; Peter Nepomuceno; Carmelita Lavayna; Atonia A. Suller; JoAnn C. Gayomali; Florence T. Chua; Theresa Gatwood; Mama Sita; Century Park Hotel-Manila; The Peninsula Hotel-Manila; Holiday Inn-Manila (1998). Recipe Book of Filipino Cuisine. Pittsburg, Pennsylvania: Naresh Dewan.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  9. "Real Sago vs Tapioca Pearls + Sago Pudding Recipe" (sa wikang Ingles). 15 Oktubre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)