Pumunta sa nilalaman

Benigno Aquino III

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Team PNoy)
Kagalang-galang

Benigno Simeon Aquino III
Ika-15 Pangulo ng Pilipinas
Ikalimang Pangulo ng Ikalimang Republika
Nasa puwesto
30 Hunyo 2010 – 30 Hunyo 2016
Pangalawang PanguloJejomar Binay
Nakaraang sinundanGloria Macapagal-Arroyo
Sinundan niRodrigo Duterte
Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal
Nasa puwesto
30 Hunyo 2010 – 9 Hulyo 2010
Nakaraang sinundanRonaldo Puno
Sinundan niJesse Robredo
Senador ng Pilipinas
Nasa puwesto
30 Hunyo 2007 – 30 Hunyo 2010
Kinatawan ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Ikalawang Distrito ng Tarlac
Nasa puwesto
30 Hunyo 1998 – 30 Hunyo 2007
Nakaraang sinundanJose Yap
Sinundan niJose Yap
Personal na detalye
Isinilang8 Pebrero 1960(1960-02-08)
Maynila, Pilipinas
Yumao24 Hunyo 2021(2021-06-24) (edad 61)
Quezon City, Pilipinas
KabansaanPilipino
Partidong pampolitikaPartido Liberal (1998–2021)
RelasyonBenigno Aquino, Jr. (Ama)
Corazon Aquino (Ina)
Maria Elena "Ballsy" Cruz (Ate)
Aurora Corazon "Pinky" Abellada (Ate)
Victoria Eliza "Viel" Dee (Nakabatang Kapatid)
Kristina Bernadette "Kris" Yap (Bunsong Kapatid)
Alma materPamantasang Ateneo de Manila
TrabahoEkonomista, Politiko
PropesyonEkonomista, Serbisyo sibil
Websitiowww.noynoy.ph/

Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III (Pebrero 8, 1960Hunyo 24, 2021) higit na kilalá sa paláyaw na Noynoy Aquino o sa tawag na P-Noy, ay Pilipinong politiko na naglingkod bilang ika-15 pangulo ng Pilipinas mula 2010 hanggang 2016.

Ipinanganak sa Maynila, natapos ni Aquino ang kaniyang Batsilyer sa Sining na Dalubhasa sa Ekonomiks mula sa Pamantasang Ateneo de Manila noong 1981, at sumáma sa kaniyang pamilya nang ipatapon ng pamahalaang Marcos ang mga ito sa Estados Unidos. Bumalik siya sa Pilipinas noong 1983 pagkatapos ang pagpaslang sa kaniyang ama at humawak ng ilang mga posisyon sa pribadong sektor. Noong 1998, nahalal siya bílang Kinatawan ng ika-2 Distrito ng lalawigan ng Tarlac.

Siya ang ikaapat na henerasyon ng mga politiko sa kanilang pamilya: ang kaniyang lolo sa tuhod, si Servillano "Mianong" Aquino, ay naglingkod bílang delegado sa Kapulungan ng Malolos; ang kaniyang lolo, si Benigno Aquino, Sr., ay naglingkod bílang Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula noong 1943 hanggang 1944; at ang kanyang mga magulang na sina dating Pangulong Corazon Aquino at Senador Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. Kasapi si Aquino ng Partido Liberal ng Pilipinas.[1]

Si Aquino ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na binata at wala pang anak. Dáting kasintahan ni Aquino si Shalani Soledad, isang konsehal sa lungsod ng Valenzuela at pamangkin ni dating senador Francisco Tatad.[2][3][4] Noong Nobyembre 2010, kinumpirma ni Aquino na naghiwalay na sila ni Soledad.[5] Dati niya ring sinuyo si Korina Sanchez,[2][6] Bernadette Sembrano,[2] at Liz Uy.[5][7]

Si Aquino ay nahalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas noong 1998 bílang kinatawan ng ikalawang distrito ng Tarlac. Siya ay muling nahalal noong 2001 at 2004 at nagsilbing kinatawan hanggang 2007. Dahil sa limitasyon ng termino, hindi na siya makakatakbong muli sa halalan ng kinatawan.

Si Aquino ay tumakbo at nahalal sa Senado noong 2007. Siya ang ikaanim na pinakamataas na nakuhang boto sa mga 37 kandidato para sa 12 bakanteng upuan ng senado.

Pangulo ng Pilipinas (2010–2016)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkatapos ng kamatayan ng kaniyang inang si Corazon Aquino noong 1 Agosto 2009, maraming mga tao ang tumawag kay Noynoy upang tumakbo sa halalan ng pagkapangulo kabílang ang Noynoy Aquino for President Movement (NAPM) na kampanya sa buong bansa upang lumikom ng 1 milyong lagda upang hikayatin si Aquino na tumakbo sa halalan ng pagkapangulo. Bago nito noong 26 Nobyembre 2008, hinalal ng partido Liberal si Mar Roxas bilang pangulo ng partido at standard-bearer ng partido para sa halalan ng pagkapangulo sa darating na 2010 halalan ng pagkapangulo. Dahil sa malakas na pagsuporta kay Noynoy bílang kandidato ng partido Liberal para sa pagkapangulo, inihayag ni Mar Roxas noong 1 Setyembre 2009 na aatras na siya bílang kandidato ng pagkapangulo ng partido at inihayag ang kaniyang suporta sa pagtakbo ni Noynoy.

Tumakbo at nagwagi si Aquino sa halalang Pagkapangulo noong 2010 at nakakuha ng 15,208,678 na boto. Noong 9 Hunyo 2010, naiproklama na si Noynoy bílang Pangulo ng Pilipinas kasáma si Jejomar Binay bílang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Sila ay naiproklama sa Batasang Pambansa, Quezon City, Kongreso ng Pilipinas.[8]

Sa ilalim ng pamumuno ni Noynoy Aquino, ang rate ng paglago ng GDP ng Pilipinas noong 2012 ay 6.8 porsiyento na sinasabing ikalawang pinakamataas sa Asya. Ang Fitch Ratings ay nagtaas ng Pilipinas sa "BBB-" with a stable outlook na unang pagkakataong ang Pilipinas ay nakatanggap ng gayong katayuan ng grado ng pamumuhunan sa Pilipinas. Itinaas din ng World Economic Forum ang Pilipinas sa 10 punto sa itaas na kalahati ng ranggong pagiging kompetetibo nitong pandaigdigan sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga pagbuti sa ekonomiya ay sinasabing sanhi ng mga hakbang na isinasagawa ni Noynoy upang pataasin ang pagiging bukás ng pamahalaan at sugpuin ang korapsiyon na muling nagbigay ng pagtitiwalang internasyonal sa ekonomiya ng Pilipinas. Gayunpaman, sinasabing ang mga mayayamang pamilya lámang ang nakinabang at nakikinabang sa pagbuti ng ekonomiya. Ang pagiging hindi pantay ng sahod sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap sa Pilipinas ay nananatiling mataas. Noong 2012, isinaad ng Forbes Asia na ang magkakasámang kayamanan ng 40 pinakamayamang pamilya sa Pilipinas ay lumago ng $13 bilyong dolyar noong 2010 hanggang 2011 sa $47.4 bilyon na pagtaas na 37.9 porsiyento. Ang pagtaas sa kayamanan ng mga pamilyang ito ay katumbas ng 76.5 bahagdan ng kabuuang pagtaas ng GDP ng Pilipinas sa panahong ito. Ang hindi pantay na sahod ng mga mamamayang Pilipino ang pinakamataas sa Asya. Sa Thailand, ang kayamanan ng 40 mga mayayamang pamilya ay tumaas lamang ng 25 porsiyento sa 2012 samantalang sa Malaysia ay 3.7 porsiyento at sa Hapon ay 2.8 porsiyento lamang.

Noong 2013, ang rate ng paglago ng GDP ay 7.2 porsiyento mula 6.8 posiyento noong 2012 na ang pinakamalakas na dalawang taon ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas mula noong 1950.[9] Ayon sa SWS Poll, ang kawalang trabaho sa Pilipinas ay tumaas mula 21.7 porsiyento (9.6 milyong katao) noong Setyembre 2013 sa 27.5 porsiyento (12.1 milyong katao) noong Disyembre 2013.

Personal na búhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Aquino ay naging kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na binata at wala pang anak. Dáting kasintahan ni Aquino si Shalani Soledad, isang konsehal sa lungsod ng Valenzuela at pamangkin ni dáting senador Francisco Tatad.[2][3][4] Noong Nobyembre 2010, kinumpirma ni Aquino na naghiwalay na sila ni Soledad.[5] Dati niya ring sinuyo si Korina Sanchez,[2][6] Bernadette Sembrano,[2] Grace Lee at Liz Uy.[5][7]

Mahilig si Aquino sa pamamaril (shooting) at bilyar,[10][11] subalit sa kasalukuyan, ang paglalaro ng mga video game ang kanyang nagiging libangan dahil hindi na niya magawa ang dati niyang mga libangan.[12] Mahilig siya sa kasaysayan,[10][11] at mahilig makinig ng mga musika.[11][12] Hindi umiinom ng mga alak si Aquino,[13] subalit siya ay naninigarilyo, at umaming nakauubos siya ng hanggang sa tatlong pakete ng sigarilyo sa isang araw.[14] Noong kampanya para sa pagkapangulo, ipinangako niya na ititigil niya ang paninigarilyo kapag siya ay nanalo sa halalan.[15] Subalit, napagpasiyahan niyang hindi niya ititigil ang paninigarilyo, at sinabing maninigarilyo lang siya sa "tamang" panahon.[16][17]

Sakit at kamatayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

seSpekulasyon tungkol sa kalusugan ni Aquino ay nagsimulang kumalat sa Agosto 2019, noong hindi siya nakadalo sa 36th anibersaryo ng pagpatay sa kanyang ama. Subalit ang kanyang tagapagsalita, si Abigail Valte, ay nagsabi na "hindi naman seryoso ang kanyang sakit".[18] Sa Nobyembre 2019, naiulat na may pneumonia si Aquino.

Si Aquino ay na-conpina sa Makati Medical Center noong Disyembre 2019 para sa pagrerepasong ehekutibo. Na-conpina siya sa ICU, pero ayon sa kaniyang tagapagsalita, hindi naman siya'y nasa kondisyong kritikal at ang kaayusang iyon ay para limitado ang kaniyang mga bisita.[19][20] Kalaunan ay sinabi ni Senador Francis Pangilinan na ang pag-konpinya sa kanya ay dahil sa sakit sa bato. Dinagdag ni Pangilinan na si Aquino ay apektado rin ng hypertension at diabetes.[21] Mula noon, regular na nagpaparepaso siya para sa pagpanatili ng kanyang kalusugan.[22]

Sa maagang oras ng Hunyo 24, 2021, nakita si Aquino ng kanyang kasambahay sa kanyang recliner na walang malay sa kanyang bahay sa West Triangle, Lungsod Quezon. Agad siyang pinadala ng ambulansiya papunta sa Capitol Medical Center ng Diliman, kung saan siyang namatay, alas 6:30 ng umagang iyon. (PHT),[23] Ang idineklarang sanhi ng pagkamatay ay renal disease (sakit sa bato).[24][25] Ayon sa kanyang personal na tsuper, magpapa-dialysis sana siya noong on Hunyo 21, pero tumanggi siya dahil ang kanyang katawan ay "mahina na". Isa pang dialysis ay initakda isang araw bago sa kanyang kamatayan, pero tumanggi ulit si Aquino again dahil sa parehong dahilan[26] Ang dating sekretarya ng gawaing-bayan ni Aquino, Rogelio Singson, ay sinabi na meron syang itinakdang angioplasty para makahanda sa isang paglipat ng bato (kidney transplantation).[27]

Ang kanyang labi ay pinakrema sa huling oras ng araw. May misa na nangyari sa Pamantasang Ateneo de Manila, ang kanyang alma mater, noong Hunyo 25.[28] Nakatakda siyang ilibing sa Manila Memorial Park sa Parañaque katabi ng kanyang magulang sa Hunyo 26. Ilang oras pagkatapos ng anunsiyo tungkol sa kanyang kamatayan, si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagdeklara ng sampung araw ng "pambansang pagluluksa" para sa kanyang kamatayan mula Hunyo 24 hanggang Hulyo 3, 2021. Dineklara din niya na lahat ng pambansang watawat ay ililipad sa half-mast bilang tanda ng pagluluksa.[29]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "'Noynoy' Poised to Run for President". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 2009-09-01. Nakuha noong 2012-01-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 Avendaño, Christine (2009-08-13). "Sorry, Josh, Tito Noy Has a Girlfriend". Inquirer.net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-14. Nakuha noong 2013-10-11.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Catapat, Willie L. (2009-09-02). "Noynoy's Girlfriend to Stand by Her Man". Mb.com.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-19. Nakuha noong 2012-01-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Noynoy's 'Girlfriend' Being Groomed for Congress". GMA News Online (sa wikang Ingles). 2009-08-12. Nakuha noong 2012-01-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 Avenda, Christine O. (2010-11-13). "Yes, Aquino Dating His Stylist, Liz Uy". Inquirer.Net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-11-14. Nakuha noong 2013-10-11.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Rodriguez-Deleo, Jaja (2009-09-03). "Korina Sanchez on Her Past with Noynoy Aquino: 'That Was a Lifetime Ago!'". Mb.com.ph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-19. Nakuha noong 2012-01-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Jumilla, Lynda (2010-11-12). "Aquino Admits Dating Liz Uy". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-07-21.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Teves, Maria Althea (2010-06-08). "Final Tally: Binay Leads Roxas by 700,000 Votes". ABS-CBN News Online (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Yap, Karl Lester M.; Yap, Cecilia (2014-01-29). "Philippines Posts Strongest Two Years of GDP Growth Since 1950s". Bloomberg (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 "Senator Benigno S. Aquino III". Senate of the Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-02-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 11.2 "Official Program Aquino Inaugural (Excerpts)" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-02-12. Nakuha noong 2017-09-08 – sa pamamagitan ni/ng scribd.com.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Calica, Aurea (2010-02-22). "A Day in the Life... of Noynoy Aquino". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-07-21.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Quezon, Manuel L., III (2010-06-19). "Trivia on Aquino and Binay". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2012-01-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  14. "Palace Won't Stop Noynoy from Smoking". Sun.Star (sa wikang Ingles). 2010-05-25. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-11-14. Nakuha noong 2012-01-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Aquino Promises to Quit Smoking if He Wins". manilastandardtoday.com (sa wikang Ingles). 2010-02-20. Nakuha noong 2012-01-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  16. "Noynoy Says He Will Smoke Even on No-Tobacco Day". GMA News Online (sa wikang Ingles). 2010-05-31. Nakuha noong 2012-01-23.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Crisostomo, Sheila; Calica, Aurea (2010-05-25). "Noynoy Won't Quit Smoking". Philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-07-21.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Valente, Catherine (2019-08-22). "Ex-President Aquino 'Down with Flu,' Says Spokesman". The Manila Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-06-25. Nakuha noong 2021-06-25.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Aguinaldo, Sandra; Panti, Llanesca T. (2019-12-10). "'In Same Good Condition', Noynoy Aquino Moved from ICU to Regular Room". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 24, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Ex-President Aquino Moved from ICU to Regular Room – Spokesperson". CNN Philippines (sa wikang Ingles). 2019-12-11. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-06-24. Nakuha noong 2021-06-24.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Noynoy Aquino Was Preparing for Kidney Transplant Before Death, Friends Say". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 2021-06-25. Nakuha noong 2021-06-25.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Bordey, Hana (2021-06-24). "Ex-President Noynoy 'In and Out' of Hospital Even Before COVID-19 Pandemic — Aquino Family". GMA News Online. Nakuha noong Hunyo 24, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Former Philippines President Benigno 'Noynoy' Aquino Dies at 61". Japan Today (sa wikang Ingles). 2021-06-24. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-06-24. Nakuha noong 2021-06-24.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Morales, Neil; Lema, Karen (2021-06-24). "Ex-Philippine President Benigno Aquino Dies of Renal Failure at 61". Reuters (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-06-24.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Aguilar, Krissy (2021-06-24). "Ex-President Noynoy Aquino Died 'Peacefully in His Sleep' – Family". Inquirer.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-06-24. Nakuha noong 2021-06-24.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Tenorio, Bum, Jr. (2021-06-25). "'Namatay Siya sa Pagkakahimbing': Longtime Driver Recalls Moments Before Noynoy Was Rushed to the Hospital". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-06-25.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  27. "Noynoy Aquino Was Preparing for Kidney Transplant Before Death, Friends Say". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 2021-06-25. Nakuha noong 2021-06-25.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Marquez, Consuelo (2021-06-24). "PNoy's Remains Cremated, to Be Buried Saturday". GMA News Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-06-24.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Kabiling, Genalyn (2021-06-24). "PH Declares 10 Days of National Mourning for Aquino". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-06-24.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kanunu-nunuan

[baguhin | baguhin ang wikitext]