Pumunta sa nilalaman

Unibersidad ng Amsterdam

Mga koordinado: 52°22′06″N 4°53′25″E / 52.3683°N 4.8903°E / 52.3683; 4.8903
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang pintang The Anatomy Lesson of Dr. Nicolaes Tulp ni Rembrandt ay nagpapakita ng isang aralin sa anatominya na nagaganap sa Amsterdam noong 1632, ang taon kung kailan tinatag ang unibersidad. Si Nicolaes Tulp ay itinuturing na isa sa mga ama ng Faculty ng Medisina.[1]
Gusali ng Unibersidad ng Amsterdam. Sa harap na gusali matatagpuan ang Akademikong Klub ng Unibersidad.

Ang Unibersidad ng Amsterdam (dinaglat na bilang UvA, Olandes:Universiteit van Amsterdam; Ingles: University of Amsterdam) ay isang pampublikong unibersidad na matatagpuan sa Amsterdam, Netherlands.

Itinatag noong 1632 sa pamamagitan ng mga munisipal na awtoridad at pinalitan ng pangalan upang isunod sa lungsod ng Amsterdam, ang Unibersidad ng Amsterdam ay ang ikatlong pinakamatandang unibersidad sa Netherlands.[2] Ito ay isa ng ang pinakamalaking pamantasan sa pananaliksik sa Europa na may 31,186 mag-aaral, 4,794 kawani, 1,340 PhD students[3] at taunang badyet na €600 milyon.[4][5] Ito ay ang pinakamalaking unibersidad sa Netherlands base sa pagpapatala. Ang pangunahing kampus ay matatagpuan sa gitnang Amsterdam, na may ilang mga fakultad na matatagpuan sa mga katabing borough. Ang unibersidad ay may pitong fakultad: Humanidades, Agham Panlipunan at Pang-asal, Ekonomika at Negosyo, Agham, Batas, Medisina, at Pagdedentista.

Ang Unibersidad ng Amsterdam ay nakapagprodyus ng anim na Nobel Laureates at limang punong ministro ng Netherlands.[6] Sa 2014, ito ay niranggo bilang ika-50 sa mundo, ika-15 sa Europa, at una sa Netherlands ayon sa QS World University Rankings. Ang unibersidad ay nasa hanay ng Top 50 sa buong mundo sa pitong mga erya noong 2011 ayon sa QS World University Rankings sa larangan ng lingguwistika, sosyolohiya, pilosopiya, heograpiya, agham, ekonomika at ekonometrika, at accountancy at pananalapi.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The Anatomy Lesson of Dr Nicolaes Tulp". UvA. Nakuha noong 2011-06-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Belzen, Jacob (2010). Towards Cultural Psychology of Religion: Principles, Approaches, Applications. p. 215.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. http://www.uva.nl/over-de-uva/uva-profiel/feiten-en-cijfers/feiten-en-cijfers.html
  4. "Facts and figures". University of Amsterdam. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-02-06. Nakuha noong 2013-12-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Annual Report 2009". University of Amsterdam. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-11-11. Nakuha noong 2011-07-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Academic awards". University of Amsterdam. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-09-27. Nakuha noong 2011-06-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "QS World University Rankings 2011". QS. Nakuha noong 2011-09-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

52°22′06″N 4°53′25″E / 52.3683°N 4.8903°E / 52.3683; 4.8903