Wikipedia:Kapihan/Arkibo 5
Wikipedia ng iba pang mga katutubong wika
[baguhin ang wikitext]Tulungan nyo akong magkaroon ng Wikipedia sa Bikol (bik). Higit sa tatlong milyon ang mananalita ng wikang ito. At isa po ako dun. Ang Bikol po ay pangkalahatang tawag tulad ng Bisaya. Gusto kong gawan yung Central Bicolano (bcl). --Filipinayzd 06:16, 30 Hulyo 2007 (UTC)
Maari kang humiling sa meta:Requests for new languages. Kung nai-set-up mo na ang iyong proposal doon, maari kang mag-iwan ng komento sa Wikipedia:Kapihan o sa en:Wikipedia:Tambayan Philippines upang may susuporta sa iyong proposal. --bluemask 06:23, 30 Hulyo 2007 (UTC)
Filipino Wikipedia
[baguhin ang wikitext]Iminumungkahi kong buhayin ang panukalang ipagpatuloy ang pagkakaroon ng hiwalay na proyekto para sa Filipino Wikipedia.
Hindi pa ganap na naisasakatuparan ang wikang ito na magsilbing kompromisong wika na maglulundo sa mga Pilipino ayon na rin sa nasasaad sa Konstitusyon. Subalit nararapat lamang na magkaroon nito upang ito ay mapaunlad.
Wala pang katutubong mananalita ng Filipino (gayun din ng defuct nang Pilipino) hindi tulad sa Tagalog at iba pang mga wika sa Pilipinas. Ang istruktura nito ay batay sa wikang Tagalog at ang talasalitaan ay binubuo ng Ingles, Kastila at iba't ibang mga katutubong wika. Ang Filipino ay ang magiging pangalawang wika mga Pilipino at katutubong wika ng mga Pilipinong mamumulat na ito ang wikang sinasalita (hindi ang alinmang katutubong wika).
Ang pinaka-malapit sa katuturan ng wikang Filipino ay ang Taglish:
- Ang istruktura nito ay sa Tagalog
- Gumagamit ng mga salitang English (hindi sugnay o parirala)
- Gumagamit ng mga salitang Kastila (gumagamit ng mga salitang Kastila ang Tagalog)
Tanging ang kulang na lamang sa Taglish ay ang paggamit ng mga katutubong mga salita.
Malapit rin sa katuturan ng wikang Filipino ang mga katutubong wikang gumagamit ng mga salitang English at Tagalog maliban sa:
- Iba ang istruktura nito (istrukturang katutubo depende sa wika)
Kung may mga wikang nagpapalit-wika mula katutubo patungong Tagalog (hal. Bikol-Tagalog), ito ay mas malapit kaysa sa nabanggit.
--Filipinayzd 10:28, 30 Hulyo 2007 (UTC)
- Magandang araw po! Hindi po ako sumasang-ayon sa pagkakaroon ng hiwalay na FILIPINO o TAGLISH na wikipedia. Dahil..kung hindi man po imposible,mahirap pong mapaunlad ang isang wika gamit ang wikipedia...kung titingnan po natin ang ibang wikang banyaga tulad ng Japanese,may mga salitang inggles itong hiram ngunit hindi nila binabago ang tawag sa kanilang wika,Niponggo pa rin ang wika...kung hindi man po ako nagkakamali,ang wikang FILIPINO ay isang proyekto ng pamahalaan natin...nais nitong magkaroon ng isang wikang pangkalahatan sa bansang Pilipinas, na tulad ng sa Tsina,may Cantonese,Fukien,Mandarin at Mongolian..ngunit ang lahat ng tao sa kanila'y nakakaintindi ng Mandarin...mapapansin na mabilis nila itong nagawa dahil ang uri ng pagsulat nila'y symbolic na nagmula pa sa panahon ng Emperor Chin Shi Huang at hindi ito alphabetical at ang kapansin-pansin din ay ang hindi pagbabago ng wikang Mandarin,na kahit ito ang wikang pambansa,ito pa rin ang tawag sa kanya..Mandarin...hehehe. :)....sa aking palagay,huwag na lamang natin ipaghiwalay ang Tagalog sa Filipino dahil iilan lamang ang mga salitang banyagang ginagamit natin sa Tagalog at ang kadalasan ay mga "technical"....siguro kung iisipin kong may hiwalay na Filipino Wikipedia..."i-co-copy-paste" na lamang ang mga artikulo mula dito sa Tagalog wikipedia...hehehe...hiwa-hiwalay na po tayo sa Presidente, ang Senado at Kongreso hiwa-hiwalay na din...huwag na natin ipaghiwalay ang mga Pilipino sa wika. :P Siguro po kung maaari lang po imumungkahi ko po sa lahat na mag-pokus muna tayo ng isip at tiyaga sa pagpapalawak ng Tagalog Wikipedia, bago ang iba pang wika o diyalekto ng Pilipinas...mungkahi lang po. Salamat muli! Squalluto 07:44, 1 Agosto 2007 (UTC)
- ..."i-co-copy-paste"... Katanggap-tanggap ba ito sa Tagalog Wikipedia o hindi mo lang maisa-Tagalog? Ito ay isa sa kahinaan ng Tagalog. Sa Filipino, maaari ito subalit ganito: ikokopi-peyst o iko-copy-paste. --Filipinayzd 16:53, 1 Agosto 2007 (UTC)
- Magandang araw po! Hindi po ako sumasang-ayon sa pagkakaroon ng hiwalay na FILIPINO o TAGLISH na wikipedia. Dahil..kung hindi man po imposible,mahirap pong mapaunlad ang isang wika gamit ang wikipedia...kung titingnan po natin ang ibang wikang banyaga tulad ng Japanese,may mga salitang inggles itong hiram ngunit hindi nila binabago ang tawag sa kanilang wika,Niponggo pa rin ang wika...kung hindi man po ako nagkakamali,ang wikang FILIPINO ay isang proyekto ng pamahalaan natin...nais nitong magkaroon ng isang wikang pangkalahatan sa bansang Pilipinas, na tulad ng sa Tsina,may Cantonese,Fukien,Mandarin at Mongolian..ngunit ang lahat ng tao sa kanila'y nakakaintindi ng Mandarin...mapapansin na mabilis nila itong nagawa dahil ang uri ng pagsulat nila'y symbolic na nagmula pa sa panahon ng Emperor Chin Shi Huang at hindi ito alphabetical at ang kapansin-pansin din ay ang hindi pagbabago ng wikang Mandarin,na kahit ito ang wikang pambansa,ito pa rin ang tawag sa kanya..Mandarin...hehehe. :)....sa aking palagay,huwag na lamang natin ipaghiwalay ang Tagalog sa Filipino dahil iilan lamang ang mga salitang banyagang ginagamit natin sa Tagalog at ang kadalasan ay mga "technical"....siguro kung iisipin kong may hiwalay na Filipino Wikipedia..."i-co-copy-paste" na lamang ang mga artikulo mula dito sa Tagalog wikipedia...hehehe...hiwa-hiwalay na po tayo sa Presidente, ang Senado at Kongreso hiwa-hiwalay na din...huwag na natin ipaghiwalay ang mga Pilipino sa wika. :P Siguro po kung maaari lang po imumungkahi ko po sa lahat na mag-pokus muna tayo ng isip at tiyaga sa pagpapalawak ng Tagalog Wikipedia, bago ang iba pang wika o diyalekto ng Pilipinas...mungkahi lang po. Salamat muli! Squalluto 07:44, 1 Agosto 2007 (UTC)
- Magpapanggap lang akong devil's advocate para sa munting usapan na ito: paano naman sabihin na gusto mong gawin ang "copy-paste" sa ibang katutubong wika tulad ng Cebuano, Ilokano, Kapampangan o Bikol? --bluemask 04:37, 2 Agosto 2007 (UTC)
- Hindi ko alam. Sa Filipino, yun na nga, "ikokopi-peyst" mula sa "copy-paste" na nilapian ng "i-" at inulit ang tunog ng unang silabol na /ko/. --Filipinayzd 10:00, 2 Agosto 2007 (UTC)
- oki...kaya lang po kung susundin natin ang mga nais ng mga modernong lingwistiko,dapat po siguro "ikakapipeyst"...baka maisip ng iba pandikit na gawa sa kape...hehe :)....tsaka wala na pong "hyphenations" dahil "supposedly" kabilang na siya sa talasalitaan ng Filipino....at siympre po hindi naman po siguro kinakailangan na Filipino ang itawag,sabihin na lamang natin na pinauunlad natin ang wikang Tagalog. :)....kaya po pala ako gumagamit ng mga salitang banyaga dahil sa pahinang Kapihan po maaari natin ipaalam ang ating mga kuro-kuro(although inaamin kong hindi ako dalubhasa sa wikang Tagalog o kahit anong wika) sa pagkakaalam ko po...unless we do have to speak pure Filipino/Tagalog just to get our ideas heard/read here? :) Squalluto 16:44, 2 Agosto 2007 (UTC)
- Hmmm...napaisip nga naman po ako sa copy-paste ng ibang diyalekto....experiment:kapampangan:"kupyamakat"?...hehehe..."Ikapipeyst mo na lang yun!" translation: "Kupyamakat mu ne muy ta!" :P Pwede! :P Squalluto 16:44, 2 Agosto 2007 (UTC)
- Iyan ang kahinaan ng kasalukuyan tuntunin sa paghihiram ng mga banyagang salita at gamit ng gitling. Walang tuntunin para sa mga patinig na hindi konsistent ang tunog sa letrang kumakatawan (lahat ng patinig sa English ay hindi konsistent o higit sa dalawang tunog ang katumbas). Ang o sa "copy" ay /o/. Kung susundin ang tuntuning "kung ano ang bigkas, iyon ang sulat" magkakaroon ng iba-ibang pagsulat nito (ikapipeyst, ikopi-peyst atbp.) Para sa dinig ng iba /a/ ang "o" sa "copy". Ito ang hindi nababanggit sa kasalukuyang tuntunin. Batay sa bigkas ba ng katutubo ng hinihiram na salita o sa bigkas ng manghihiram? Kung sa una, maiiwasan ang pagkakaroon pagkakaiba-iba ng baybay samantalang kabalintunahan kung sa huli. Ginagamit ang gitling kung nilalapian ang banyagang salitang hindi binaybay gamit ang ortograpiyang Filipino. Ginagamit rin ang gitling sa mga tambalang salita. Kung itatratong tambalang salita ang "copy-paste", "ikopi-peyst" ito. Hindi sinasabi ng Filipino na /kopyahin at idikit/ ang isang artikulo sa internet, halimbawa. Ang sinasabi nya /ikopipeyst/. Hindi ito maaari sa Tagalog. Sa Filipino, kering-keri. Este pwedeng-pwede pala. --Filipinayzd 05:55, 3 Agosto 2007 (UTC)
Ang Filipino ay tulad sa Taglish subalit gumagamit ng ortograpiyang Filipino at hindi purista. Ang pagpapalit-wika sa Filipino ay hanggang sa loob ng salita lamang at hindi sa loob pangungusap o buong talata.
- Pagpapalit-wika sa loob ng salita
- "Vinavakyum ito papalabas" - sa loob ng isang salita (vinavakyum)
- "Parang shell ang teeth." - sa buong salita (shell, teeth)
- "Minemelt nito ang phlegm." - sa loob ng isang salita at buong salita (minemelt, phlegm)
- Pagpapalit-wika sa loob ng pangungusap
- "Maghahanap kaagad ako ng trabaho after our graduation."
- "Matalino sana but she's so boring."
- Pagpapalit-wika sa loob ng talata
- "May sasabihin ako sayo. You remind me of my ex-girlfriesnd. Mabait din sya tulad mo. She loves chocolates." --Filipinayzd 06:47, 3 Agosto 2007 (UTC)
- Magandang araw po! kaya po pala hindi tayo nagkakaintindihan ay dahil ang pagkakaalam ko po,hindi pareho ang Taglish at Filipino,kung may magkapareho man...Filipino po at Tagalog. :) Ang Taglish po,ung tulad ng huling halimbawa nyo na may english sentence sa loob ng tatlong sentences..kumpletong english lahat ng salita sa isang sentence at ung iba Tagalog sentences at ung may english words sa loob ng sentence...ito ang pagkakaalam kong Taglish. Ang Filipino ay napapaloob lamang po sa pagpapalit ng isang banyagang salita sa baybay ng Tagalog gamit ang sikat na "kung anong basa siya ang baybay"...tulad ng halimbawa nyong Vinavakyum,na sa tingin ko po'y maaari namang gamitin ang "Hinihigop papaloob"...at ung pagtagalize ng isang salitang banyaga tulad ng "Minemelt"...ganito nga ang Filipino. Yung nalalaman ko po ay nakabase sa libro at pagsasaliksik na ginawa nina Teresita Fortunato na ang pamagat ay "Pulitika ng Wika"...nabanggit ko po ito sa mga komento ko sa may bandang itaas. :) pero definitely,tulad ng ginagawa ko ngayon,ang taglish ay magkaiba sa Filipino/Tagalog. Hindi po siguro katatanggap-tanggap dito sa Tagalog Wikipedia ang "you make tusok-tusok naman the fishball!" o kaya "Manong! you make para naman the jeep to the side na!" hehe. :) Wala din po naman tayong karapatan o kakayahang magbago ng wika o bumuo ng panibagong wikang gagamitin ng buong Pilipinas kaya baka abutin tayo ng taon sa usapang ito..hehe... :) Marami pa akong bitin na artikulong kailangang tapusin. :) Isipin na lamang natin na itong tagalog wikipedia ang wikipedia ng Filipino...palawakin natin, at ito ang wikipedia ng lahat ng Pilipino kahit cebuano,bikolano,kapampangan,muslim ay maiintindihan ang lahat ng artikulo dito. :) salamat po! Squalluto 10:07, 3 Agosto 2007 (UTC)
- Hindi ang isyung "meron namang katumbas para sa hinihiram na salita" ang isyu. Ang tanong, ito ba ang ginagamit ng mga Filipinong binaggit mo sa huling pangangungusap. Bakit ikaw, hindi mo ginamit ang "pangungusap" sa halip na "sentence"? Nagfi-Filipino ka kasi. Ang pagpapalit-wika (isang halimbawa ay ang Taglish) ay iba-iba, inter-sentential switching, intra-sentential switching atbp tulad ng mga halimbawa ko sa itaas. Hindi pa naisasakatuparan ang wikang Filipino. Wala pang mga tuntunin o konkretong solusyon para sa istandardisasyon ng wikang ito. Ang binanggit mong halimbawa (ng pagpapalit-wika) na "you make tusok-tusok naman the fishball" ay hindi Taglish kundi Inglog. Filipino WIkipedia ang panukala at hindi Taglish o Inglog. --Filipinayzd 11:30, 3 Agosto 2007 (UTC)
- Code-switching is distinct from pidgin (Hindi matatawag na Spanish o Bisaya ang Zamboangueño, gayun din ang Taglish o Ingalog na English o Tagalog) in which features of two languages are combined. Code-switching is also different from (but is often accompanied by) spontaneous borrowing of words from another language, sometimes outfitted with the inflections of the host language, sometimes not.
- Code-switching within a sentence tends to occur more often at points where the syntax of the two languages align
- Intersentential switching, switching outside the sentence or clause level, for example at sentence or clause boundaries
- Intra-sentential switching, switching within a sentence or clause
- Tag-switching, switching a tag phrase or word from language B into language A (this is a common intra-sentential switch)
- Intra-word switching, switching within a word itself, such as at morpheme boundary
- Likas sa Filipino ang paghihiram at pagpapalit-wika (English, Kastila at mga katutubong wika) subalit hanggan sa Intra-word switching lamang dapat (hindi ito nababanggit o nililinaw sa tuntunin ng Filipino kaya nagdudulot ng kalituhan). --Filipinayzd 11:30, 3 Agosto 2007 (UTC)
- Ayus! Isa na lang po ang masasabi ko. Naniniwala pa rin ako na hanggang ngayon ang Filipino at Tagalog(palitan ang kahulugan dahil ang Tagalog ang ginawang pambansang wika at ang tawag sa wika ng mga "P"ilipino ay "F"ilipino) ay iisa at ang Taglish at ang pinakabagong Inglog ay isang panakip butas("katam") para hindi alamin, at mapaunlad ang sarili sa paggamit ng sariling wika. :) Salamat po! :) Squalluto 13:36, 3 Agosto 2007 (UTC)
- Hindi malinaw ang kaisipan sa isinulat mo. Ang kasalukuyang Filipino ay hindi ang nasasaad sa Konstitusyon. Dinedevelop (pa rin) ito (hanggang sa ngayon) kaya ganoon (kung kailan ay ibang isyu na, depende kung idedevelop o patatagalin sa estadong mala-Tagalog pa rin). Hindi nawala ang Tagalog nang nagkaroon ng Pilipino at Filipino kaya hindi katanggap-tanggap ang argumentong "pinalitan lang pangalan". Ibinatay lamang ito sa Tagalog (nasasaad sa Konstitusyon na ibabatay sa isang katutubong wikang Filipino/likas sa Pilipinas, at Tagalog nga ang pinili, ang pambansang wika) kung kaya't patuloy sa pagyabong ng wikang Tagalog at ang hinangong wika ditong Filipino (sa teknikalidad ay diyalekto na kung itatangi ay barayti) ay ganun rin. Kung sa isang daan o kalye, ang Tagalog (tulad ng iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas) ay high-way at ang Filipino ay daan na limiko (mula sa Tagalog) sa ibang direksyon. Patuloy sa kanyang direksyon ang high-way ganun rin ang lumikong daan (hindi isinara ang high-way ng Tagalog). Hangarin ng Wikipedia na magkaroon ng proyekto ang bawat "daan ng wika" sa daigdig. Ang Filipino ay isa ring "daan". -Filipinayzd 14:00, 3 Agosto 2007 (UTC)
- Magandang gabi po. sorry...last na..huling hirit ko na...heheeh... Hmmmm.....Ang alam ko nga po na nasa konstitusyon natin ay Tagalog ang gagamiting batayan ng pambansang wika...and as of the moment,the constitution is silent about this "Filipino" because in the first place, the writers of our constitution may have thought of the absurdity of forming a new and distinct national language from scratch. Kung sakali pong naipasa na sa kongresso at sa senado ang batas na "pagdevelop" ng isang bagong wika...tsaka na po natin problemahin ang isyu ng FILIPINO vis-a-vis TAGALOG. Tagalog? Filipino? ika nga ng mga tineygers,"whatever". :) salamat! Squalluto 14:54, 3 Agosto 2007 (UTC)
- Ang pagpapagamit ng mga letrang FJVZ ng KWF na sinuspende ng DepEd, marahil ay paraan bukod sa pagpapaunlad ng Filipino, na madissociate ito sa Tagalog dahil hanggang sa kasalukuyan mala-Tagalog pa rin ito. --Filipinayzd 16:12, 3 Agosto 2007 (UTC)
Categories
[baguhin ang wikitext]Magandang gabi po! Napansin ko po na meron pong mga categories na nakaPula,siguro po bago at hindi pa registered...pwede po ba tayo magregister ng mga categories,o kailangan ko na lamang pong pumili sa mga available...:) kasi po halos lahat ng nilagyan ko ng categories,nakapula. :) salamat po! Squalluto 10:22, 5 Agosto 2007 (UTC)
Bot status for PipepBot
[baguhin ang wikitext]Hello! I ask for permission to run my interwiki bot PipepBot here, and to get a bot flag for it.
- Operator: it:User:Pipep
- Purpose: Interwiki
- Software: Pywikipedia
- Have bot flag at: als, am, an, ar, az, bat-smg, be-x-old, bn, bs, ca, ceb, cs, cv, da, en, eo, et, fo, fur, fy, ga, hr, id, is, ka, ksh, la, lb, li, lv, mk, ml, nap, nds, nds-nl, nn, no, pms, roa-tara, scn, simple, sl, sr, sv, th, uk, vec, zea
- Details: Interwiki using Pywikipediabot. It mostly runs manually assisted. May run automatically in some cases.
Thank you! --it:User:Pipep 18:23, 11 Agosto 2007 (UTC)
- Granted. --bluemask 02:21, 12 Agosto 2007 (UTC)
- Thank you! --it:User:Pipep 05:04, 12 Agosto 2007 (UTC)
Preparation of Fundraiser 2007
[baguhin ang wikitext]Hi, this is just a first introduction message to tell you: there is more to come. I am dealing with the Project Management of the Fundraiser 2007 and therefore will search for contacts of wikimedians who can help us to do our tasks on all projects. I am actually also building the structure for the fundraiser on Meta. We will need people who help to design buttons, translate texts of buttons, documents, sitenotices etc. Should you feel you want to co-operate please let me know. You can reach me on my meta user page or by e-mail at scretella (at) wikimedia (dot) org. If you wish to notify us that you would like to co-operate on translations, it would be nice if you used e-mail and copied the e-mail to me and Aphaia (aphaia (at) gmail (dot) com). Thank you for your attention and I hope to meet you soon! Cheers :-) -- 4 September 2007 Sabine
Piksyonal na Karakter Category
[baguhin ang wikitext]Papapaano ba baguhin ang mga pamagat ng mga kategoryang katulad nito, na sa halip na isalin nang salita-sa-salita ay isinalin nang pagkakabigkas-sa-bigkas. Ang tamang salin nito ay "Kathang-isip na mga tauhan". Kung sino man ang may kakayahan at kaalaman para maayos ang pagkakamaling ito, sana naman ay magawa nya itong ayusin.
Narito pa ang ilang mga salin sa aking palagay ay makatutulong sa tamang pagsasalin ng mga salita mula sa ibang wika lalo na mula sa wikang Ingles.
Reference --- Sanggunian Summary/Synopsis --- Buod External Link --- Ugnay Panglabas
Spam on sports articles
[baguhin ang wikitext]Hi. I am en:User:B. I noticed today what appears to be a spam campaign using the Tagalog Wikipedia. See en:Wikipedia:Administrators'_noticeboard#Massive_spam_campaign_on_athlete_articles for my report on en's ANI. If you take a look at Category:Living people, it looks like someone has copy/pasted several articles on American football players and run them through an automated translator. All of these articles have a spam link to a "fan site" at the bottom. I believe that someone is trying to use the Tagalog Wikipedia to advertise their "fan site" network.
I can't imagine that in a Wikipedia with 7000 articles, some American football players would be the top priorities for creation. I don't speak any language other than English, so hopefully some users here can read this. ;) Thanks. --B 23:36, 19 Setyembre 2007 (UTC)
- This matter has been taking care of. Please see more comments on en:Wikipedia:Administrators'_noticeboard#Massive_spam_campaign_on_athlete_articles. --Jojit fb 06:26, 20 Setyembre 2007 (UTC)
"Network" the redux
[baguhin ang wikitext]Ayon sa diksyonaryong Sagalongos, ang salitang "network" ay maaaring isalin bilang "lambat-lambat". Maaari ba itong gamitin dito (hal. pantelebisyong lambat-lambat). --Sky Harbor 04:58, 26 Agosto 2007 (UTC)
- Salamat ayon yung hinahanap kong salita kasi ang hirap magsalin ng mga salitang teknikal sa kompyuter.--Felipe Aira 00:30, 21 Oktubre 2007 (UTC)
- Hindi kaya mas magandang pakinggan kung "lambat-lambat pantelebisyon" ang gamitin? 58.71.27.88 14:41, 7 Nobyembre 2007 (UTC)
- Hindi rin siguro kasi sa tingin ko mali ang pagsasalin noon dahil kinakailangan nito ng isang pang-akop. (hl: lambat-lambat na pantelebisyon) -- Felipe Aira 10:41, 8 Nobyembre 2007 (UTC)
- Hindi kaya mas magandang pakinggan kung "lambat-lambat pantelebisyon" ang gamitin? 58.71.27.88 14:41, 7 Nobyembre 2007 (UTC)
Mga komento muli sa pagsalin ng interface
[baguhin ang wikitext]May nakikita akong mga problema sa pagsalin ng ilang mga bahagi ng interface sa Tagalog Wikipedia. Ngunit hindi ako nagsasabi na ako'y purista, may ilang mga suhestiyon sa pagsasaayos at pagbago ng ilang mga terminolohiya na ginagamit sa Wikipediang ito:
- Kontrasenyas (password): Ayon sa unang tuntunin ng Palabaybayan ng Tagalog, dapat gamitin ang hudyat
- Akawnt (account): May ilang mga salin para sa salitang ito; maaaring gamitin ang kuwenta
- Komunidad: Matagal nang ginagamit ang salitang ito sa Wikipedia, ngunit tulad ng salitang kontrasenyas, dapat gamitin ang katutubong salitang pamayanan
- Window: Bintana (ikalawang kahulugan ng diksyonaryong Padre English: such an opening with its frame and glass)
- Portal: Portada
- Non-profit (sa Unang Pahina): Hindi kumikinabang
- Source: Pinagmulan
Ito rin ay ayon sa pagkakatulad ng interface sa Wiktionary, Wikibooks at Wikinews. Sa susunod, baka ito ay gagawin rin sa BetaWiki. --Sky Harbor 11:50, 17 Setyembre 2007 (UTC)
- Sang-ayon ako sa lahat ng mga salin mo maliban sa portal. Ang tagalog ng portal ay lagusan ngunit hindi malinaw na gawing "lagusan ng pamayanan" ang "portal ng komunidad". Minabuti ko na lamang na gamitin ang puntahan ng pamayanan kahit hindi ito ang diretsong salin dahil mas madaling unawain at ganoon ang ideya ng pahinang iyon na isang "puntahan" para magabayan ang mga tagagamit ng Wikipedia. --Jojit fb 08:00, 18 Setyembre 2007 (UTC)
- Magdadagdag na rin ako ng ilang mga salitang teknikal, lalo na sa isang namespace:
- Template: suleras (titiyakin kung ito ay pang-maramihan o hindi)
- Public domain: dominyo publiko (Tinagalog na Espanyol, tulad ng notaryo publiko)
- Go: Puntahan
- Project page: Pahina ng proyekto
- Copyright: Karapatang-ari (kaya ang salitang "copyrighted" ay naka-karapatang-ari o kinarapatang-ari)
- Redirected from...: Ikinakarga mula sa... (ginagamit ng KWF sa kanilang wiki)
- Redirect: Redireksyon
- Shortcut: Tuwirang daan
- May ilang salin din sa Tagalog Wiktionary na maaaring gamitin ng Wikipedia, tulad ng tulong sa captcha (MediaWiki:Captchahelp-text; salin sa Wiktionary ngunit ito pa ay linilinis). At sana, mahanap ko ang salin ng "stub". --Sky Harbor 11:45, 18 Setyembre 2007 (UTC)
- Maaari bang gamitin ang salitang usbong imbis na stub? - Dragonbite 01:15, 21 Setyembre 2007 (UTC)
- Pwede. May mga salin na rin ako para sa mga tala o log:
- Block log: Tala sa pagharang
- Bot status log: Tala sa kalagayang bot
- Deletion log: Tala sa pagbura
- Import log: Tala sa pag-angkat
- Move log: Tala sa paglipat
- Patrol log: Tala sa pagbantay
- Protection log: Tala sa pagsanggalang
- Upload log: Tala sa pagkarga
- User creation log: Tala sa bagong-likhang tagagamit
- User protection log: Tala sa pagsanggalang ng tagagamit
- User rename log: Tala sa pagbabagong-bansag ng tagagamit
- User rights log: Tala sa karapatan ng tagagamit
- Ginamit dito ang sa dahil ito ay ayon sa tamang balarila (ang "log on blocking" ay mas maganda sa tainga kaysa sa "log of blocking"). Dahil sa iyon, ang "protect" ay ipagsanggalang at ang "unprotect" ay huwag ipagsanggalang. --Sky Harbor 12:07, 21 Setyembre 2007 (UTC)
Tungkol din ito sa interface; doon sa kababaan ng mga artikulo makikita mo doon ang impormasyon kung kailan huling binago ang pahina. Naisip ko lang na ang format nito ay hindi dapat araw/buwan/taon; halimbawa: 24 Setyembre 2007. Hindi dapat siguro ito ang ginagamit dahil ang format na ito ay ang sistemang Briton. Dapat siguro ang ginagamit natin ay ang sa sarili nating sistema; halimbawa: ika-24 ng Setyembre 2007. Salamat. Felipe Aira 02:48, 29 Setyembre 2007 (UTC)
Isang bagay nanaman ito tungkol sa interface ng Wikipediang ito. Doon sa kaliwang itaas na bahagi ng pahina nandoon ang nabigasyon at doon sa nabigasyon nakalagaya ang "Walang-piling artikulo". Sa tingin ko mas maganda kung muling papangalanan ito ng "Kahit anong artikulo" dahil nakakalito ang "Walang-piling artikulo" dahil kahit noon bago palang ako dito akala ko ang kahulugan noon ay walang napiling artikulo (antas ng kaayusan ng artikulo) sa kasalukuyan hanggang nalaman ko na lang na ang kahulugan noon ay "Random article" sa Ingles. Sa tingin ko mas makakabuti ang "Kahit anong artikulo" dahil kung isasalin ito sa Ingles ang salitang makukuha ay any article na mas malapit naman sa "Random article" kaysa sa salin ng "Walang-piling artikulo" na pwede ring mangahulugan ng no chosen/featured article. --Felipe Aira 10:58, 1 Oktubre 2007 (UTC)
- Tingnan ang usapan sa Wikipedia:Kapihan/Archive_4#Mga pagbabago sa interface. Ayon sa nabasa ni Sky Harbor sa diksyunaryo ni Sagalongos, ang salin daw ng random sa Tagalog ay walang-pili. Ngunit tama ang sinulat mo na nakakalito o mahirap intindihin ang terminong walang-pili. Mayroon ngang nagkumento sa akin offline na hindi daw niya maintindihan kung ano yung walang-piling artikulo. Maaari din naman na ilagay sa panaklong ang salin mula sa Ingles at magiging artikulong walang-pili (random) katulad ng ginawa sa upload file na isinalin bilang magkarga ng talaksan (file). Sa ganitong paraan madali itong unawain at napapanatili nito ang tumpak na salin sa Tagalog. Maaari din gamitin ang mungkahi mo na gawin itong "kahit anong artikulo" (any article) at ang nauna kong ginamit na "mag-iba ng pahina" (change page) o kaya'y "ibahin ang artikulo". Pero ang Wikipedia ay consensus, kailangan nating sumang-ayon sa isa't isa kung ano dapat ang gamitin. Hindi ko muna ito babaguhin hangga't hindi tayo maka-reach ng consensus. --Jojit 01:16, 2 Oktubre 2007 (UTC)
Nakita ko sa Simple English Wikipedia na ginamit ang katagang "show any page" na pamalit sa "random article". Kung gayon maaari nating gamitin ang salin na "ipakita ang kahit anong artikulo". Ngunit masyado itong mahaba, kaya ang gagamitin ko na lamang ay "Piliin alin mang artikulo". --Jojit (usapan) 01:25, 3 Oktubre 2007 (UTC)
- Maling balarila ang salin na iyon. Dapat ito ay Pumili ng alinmang artikulo, ngunit mas sang-ayon ako sa Pahinang walang-pili (random). --Sky Harbor 12:17, 3 Oktubre 2007 (UTC)
Maaari bang i-tag ang tagagamit na ito bilang isang bot? Parang bot ang kanyang kilos sa pagsulat ng mga stub na hindi pa ma-tag ng tama, kaya artipisyal lamang ang pagtaas ng bilang ng mga artikulo sa Wikipedia. --Sky Harbor 09:07, 12 Oktubre 2007 (UTC)
10,000 na ang mga artikulo
[baguhin ang wikitext]Malapit na magkaroon ng 10,000 na bilang ng mga artikulo. Kung sino man ang makapagmasid sa petsa ng pagkaroon ng ika-10,000 na artikulo ng ating wikipedia, pakibantay po. At kung puwede, kung aling artikulo ang ika-10000 mas maganda. Jordz 10:55, 19 Oktubre 2007 (UTC)
- Magsusubaybay ako kung maaari, ngunit nararamdaman ko na artipisyal lang ang pagtaas ng bilang ng mga artikulo dahil sa mga gawain ng tagagamit na si Wikiboost (tingnan ang itaas). --Sky Harbor 00:01, 20 Oktubre 2007 (UTC)
- tila nga isa itong bot. Mananaliksik
- Kung hindi ako nagkakamali: ang Bantayan, Cebu ang ika-10,000 na artikulo. - Dragonbite 00:34, 20 Oktubre 2007 (UTC)
- Tama ka diyan. --Sky Harbor 00:35, 20 Oktubre 2007 (UTC)
- Nagagalak ako na hindi bot ang gumawa ng ika sampung libong artikulo. :-) -- Jojit (usapan) 00:51, 20 Oktubre 2007 (UTC)
Ihinayag ko na rin ang milestone na ito sa Tambayan Philippines. -- Jojit (usapan) 00:39, 20 Oktubre 2007 (UTC)
- Ipina-alam ko na rin ang bagay na ito sa Metapub ng Meta-Wiki para mailipat nila ang link ng Tagalog Wikipedia sa portada para sa lahat ng wika sa Wikipedia.
Mga Artikulo
[baguhin ang wikitext]- Nabasa ko ang isang komento sa Ingles na Wikipedia,marahil nga ay dapat mapagbuti pa ang pagdaragdag ng mga artikulo dito, subalit, lahat naman marahil ng mga artikulo ay nagsisimula sa isang "stub", bago ito maisama o mapili sa mga "Napiiling Artikulo". Ganoon pa man, binabati ko ang mga tagagamit ng Tagalog Wikipedia sa pag-abot sa 10,000 bilang. Mabuhay. --Mananaliksik 01:51, 20 Oktubre 2007 (UTC)
Mga Piling Artikulo
[baguhin ang wikitext]Paki tignan nga ang Wikipedia:Mga napiling artikulo at pag-isipan muli kung bakit naging mga piling artikulo yung mga nakalista doon. Para sa akin ang kimika, Kasaysayan ng Pilipinas, Alkimiya, Wiki at Keso lang ang mga karapat dapat na piling artikulo. Halos lahat ng nandoon puro mga stub, kulang-kulang ang impormasyon at mga sanggunian upang patunayan ang mga nilalaman. Note:Pwede na rin ang Pilosopiya pero wala nga itong sanggunian.--Felipe Aira 05:41, 20 Oktubre 2007 (UTC)
- Sa tingin ko, gumawa tayo ng pahina na katulad sa en:Wikipedia:Featured article review para ma-review ang ating mga napiling artikulo. Maaari mong umpisahan ito kung gusto mo. --Jojit (usapan) 07:43, 25 Oktubre 2007 (UTC)
- Sinimulan ko na. Yung mga kaugnay na pahina ukol dito ay susunod na rin. Wikipedia:Pamantayan_ng_mga_napiling_artikulo:Inuna ko muna ito. -- Felipe Aira 06:25, 29 Oktubre 2007 (UTC)
- Binago ko na rin yung Wikipedia:Mga napiling artikulo. -- Felipe Aira 12:21, 29 Oktubre 2007 (UTC)
- Tapos na. -- Felipe Aira
- Aba mukhang kahit mayroon nang WP:NABALIK wala pa ring nangyayari. Mag-iisang buwan na noong ginawa ko ito wala pa ring nangyayari. Kaya inaanyayahan ko kayong lahat na: SA LALONG MADALING PANAHON, ating alisin ang mga tinatawag nating mga "napiling artikulong" hindi naman karapat-dapat. Para sa mas mataas na kalidad ng Wikipedya! -- Felipe Aira 11:46, 26 Nobyembre 2007 (UTC)
Wikipedya
[baguhin ang wikitext]Siguro kailangan na nating baguhin ang pangalan ng wiking ito kung ikukumpara sa mga ibang wiki katulad ng Pranses, Catalan at Espanyol binago nila ang pangalan ng kanilang Wikipedia upang sumang-ayon sa kanilang lokal na wika. Siguro iyon din ang dapat gawin natin. Isa pa sa mga rason ay kung papanatiliin nating Wikipedia hindi magiging Wikipedia ang basa nito kundi wi-ki-pe-di-a pero kung Wikipedya ang pagsasabi nito ay magiging katulad ng sa Ingles. At 'di ba nga ang kahulugan ng Wikipedia ay Wiki + [encyclo]pedia kung susunurin natin iyon Wikipedya rin ang kakalabasan (Wiki + [ensiklo]pedya). Siguro pwede rin nating idagdag itong usapang ito sa Tamabayan Philippines bilang dagdag na suporta sa usapang ito.--Felipe Aira 05:48, 20 Oktubre 2007 (UTC)
- Iminungkahi ko ito ngayon. Maliban sa Wikibooks, ito ay ang mga sinang-ayunang pangalan:
- Wikipedia: Wikipedya
- Wiktionary: Wiksyonaryo
- Wikinews: Wikibalita
- Wikiquote: Wikisipi
- Wikisource: Wikimulan
- Wikispecies: Wikisari
- Wikiversity: Wikibersidad
- Commons: Karaniwang Wikimedia
- Para sa Wikibooks, ang tatlong maaaring pilian ay ang Wikilibro, Wikibasa o Wikiaklat/Wikiklat. --Sky Harbor 11:43, 20 Oktubre 2007 (UTC)
- Ibig sabihin ba noon ay pwede na nating palitan yung logo ng Wikipedya at Wiksyonaryo? Note: Ano ba yung ginamit na font doon sa logo? Kasi para mapalitan na.--Felipe Aira 00:47, 21 Oktubre 2007 (UTC)
- Ok ito pero baka maging precedent ito sa mga artikulo o entry sa mga proyekto ng Wikimedia sa Tagalog. Halimbawa, maaaring may mag-contest na gawing Koke ang Coke o ang Microsoft gawing Liitlambot. Kailangan muna nating i-polish ang mga polisiya ng mga proyekto katulad ng Wikipedia:Mga kombensyon sa pagsusulat ng mga artikulo bago nating i-implement ang pagpapalit ng mga pangalan ng proyekto para maging malinaw ang operasyon dito. At kailangan ring humingi ng consensus sa komunidad katulad ng ginawa sa Wikipedia:Filipino o Tagalog?. --Jojit (usapan) 08:05, 26 Oktubre 2007 (UTC)
- Ngunit ang mga binigay mong halimgawa ay mga brandnames at kahit ako ay naniniwala na hindi talaga kailangang isalin pa iyon dahil walang katumbas at mga pangalan ng mga kompanya ang mga iyon. At siguro para makakuha ng sang-ayunan ginawa ko itong pahinang ito: WP:Wikipedya. -- Felipe Aira 11:57, 5 Nobyembre 2007 (UTC)
- Kaya nga hinalimbawa ko ang mga tatak (brand), kasi may mga taong tinuturing na brand ang Wikipedia (katulad ng Encyclopedia Britannica) at maaari nilang i-contest na dapat din na gawin ito sa ibang brand. Kaya i-minungkahi ko muna na i-polish natin ang mga kombensyon sa pagsusulat ng mga artikulo para maging malinaw ang mga pagsasalin sa Wikipediang Tagalog. --Jojit (usapan) 00:54, 9 Nobyembre 2007 (UTC)
- Ngunit ang mga binigay mong halimgawa ay mga brandnames at kahit ako ay naniniwala na hindi talaga kailangang isalin pa iyon dahil walang katumbas at mga pangalan ng mga kompanya ang mga iyon. At siguro para makakuha ng sang-ayunan ginawa ko itong pahinang ito: WP:Wikipedya. -- Felipe Aira 11:57, 5 Nobyembre 2007 (UTC)
- Ok ito pero baka maging precedent ito sa mga artikulo o entry sa mga proyekto ng Wikimedia sa Tagalog. Halimbawa, maaaring may mag-contest na gawing Koke ang Coke o ang Microsoft gawing Liitlambot. Kailangan muna nating i-polish ang mga polisiya ng mga proyekto katulad ng Wikipedia:Mga kombensyon sa pagsusulat ng mga artikulo bago nating i-implement ang pagpapalit ng mga pangalan ng proyekto para maging malinaw ang operasyon dito. At kailangan ring humingi ng consensus sa komunidad katulad ng ginawa sa Wikipedia:Filipino o Tagalog?. --Jojit (usapan) 08:05, 26 Oktubre 2007 (UTC)
- Ibig sabihin ba noon ay pwede na nating palitan yung logo ng Wikipedya at Wiksyonaryo? Note: Ano ba yung ginamit na font doon sa logo? Kasi para mapalitan na.--Felipe Aira 00:47, 21 Oktubre 2007 (UTC)
Nominasyon ni Sky Harbor
[baguhin ang wikitext]Kailangan na natin ng karagdagang tagapangasiwa sa Tagalog Wikipedia dahil lumalaki na ito. Kaya, ni-nominate ko si Sky Harbor bilang Tagapangasiwa. Magkumento, sumuporta, o di sumuporta dito. --Jojit (usapan) 02:20, 23 Oktubre 2007 (UTC)