Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2009 Hulyo 3
Itsura
- Huminto sa pakikipagtulungan ang African Union sa International Criminal Court dahil inakusahan nito si Pangulong Omar al-Bashir ng Sudan ng krimeng digmaan (war crimes). (BBC)
- Tatlong tao ang namamatay at higit sa isang dosena ang nasugatan sa mga kaguluhan matapos itapon ang isang patay na baboy sa isang ginagawang moske sa Mysore, India.(CNN)
- Ipinahayag na maaring litisin si John Demjanjuk sa pagtulong sa pagkamatay ng 29,000 Hudyo sa kampong pampuksa sa Treblinka. (RTÉ)
- Pumirma ang mga Ministro ng Enerhiya ng Algeria, Niger at Nigeria ng kasunduan sa Trans-Saharan gas pipeline. (Reuters) (Bloomberg) (BBC)
- Nakaapekto ang pagbaha sa mga bahagi ng Kondado ng Mayo at Kondado ng Galway sa Ireland. (RTÉ) (The Irish Times)
- Dumating ang Kalihim-Heneral ng United Nations na si Ban Ki-moon sa Burma, at nakipagpulong sa lider ng junta na si Senior General Than Shwe at ang pagtawag para sa pagpapalabas ng mga bilanggong pampolitika. (BBC) (Bangkok Post)
- Dalawang kawaning Irani na nagtatrabaho para sa embahada ng Britanya sa Tehran ang haharap sa paglilitis para sa diumano'y pag-udyok ng mga protesta. (BBC)
- Tatlong species ng dinosauro—Australovenator wintonensis , Wintonotitan wattsi at Diamantinasaurus matildae—ang natuklasan sa Australia. (BBC) (Sydney Morning Herald)
- Inanyayahan ng Syria si Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos sa Damascus summit. (Sky News)
- Ibinilanggo si Cheb Mami, Algeryanong musiko ng raï, ng limang taon sa France para sa tangkang pagpilit sa dating partner na magpalaglag. (BBC) (IOL) (Reuters)
- Nagbitiw si Manuel Pinho, Ministro ng Ekonomiya ng Portugal, matapos na magsenyas ng cuckold sa isang MP ng oposisyon. (BBC)
- Ipinasimpapawid ng Hilagang Korea ang unang patalastas nito ng serbesa, para sa Taedonggang beer. (BBC) (The Los Angeles Times)
- Dalawang pang tao ang namamatay sa Viareggio, Italy, pagkaraan ng pagsabog ng tren, umabot na sa 21 ang namatay. (RTÉ)
- Anim na mga tao, kabilang ang tatlong bata, ang namatay matapos ang isang sunog sa isang high rise residential tower block sa Camberwell, timog London, England. (BBC)
- Nagbukas ang Russia ng isang ruta para sa Estados Unidos para makapadala ng armas sa Afghanistan. (The New York Times)
- Ipinahayag ng Amerikanong politiko na si Sarah Palin, ang kasalukuyang Gobernador ng Alaska, ang kanyang pagbibitiw bilang Gobernador, na magkakabisa sa Hulyo 26. (Fox News) (CNN)
- Dalawang tagatulong na manggagawa, kasama ang isa babaeng Irish, ng charity na GOAL ang dinukot ng isang armadong grupo sa rehiyon ng Darfur sa Sudan. (RTÉ)
- Labintatlo katao ang nasugatan matapos madiskaril ang isang tren na may rutang Paris-Cahors malapit Limoges, France. (RTÉ)
- Ang isang lindol na may magnitude na 6.0 na sa Dagat ng Cortez ang gitna ang nagyanig sa kanlurang Mexico. (IOL)