Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hunyo 22
Itsura
- Isa ang patay at sampu ang sugatan matapos sagasaan ng isang dating manggagawa sa pagawaan ng Mazda sa Hapon ang kanyang mga katrabaho. (Kyodo) (BBC) (AFP)
- Bilang ng namatay sa kaguluhan sa katimugang Kyrgyzstan umabot na sa 251. (Dawn) (Sky News)
- Bilang ng namatay sa pagbaha at mga pagguho sa Alagoas at Pernambuco sa hilagang-silangan Brasil. (CBS)
- Estados Unidos iniimbestigahan ang sarili para matukoy kung sinusustentuhan nila ng hindi sinasadya ang Taliban sa Apganistan ng halagang $4 milyon kada linggo ng pera ng mamamayan. (Aljazeera) (BBC) (CNN)
- Pangulong José Eduardo dos Santos ng Angola binisita ang Parke ng Alaala ni Kwame Nkrumah sa Accra bilang isa sa mga lakad sa kanyang dalawang araw na pagbisita sa Ghana. (Ghana Broadcasting Corporation) (Angola Press)
- Limang katao ang patay at labingdalawa pa ang sugatan sa pagsabog ng isang bus sa Istanbul, Turkiya. Inako ng mga rebeldeng Kurdish ang responsibilidad sa pag-atake. (Anatolia News Agency) (Reuters) (Xinhua)
- Dalawang magkalabang mambabatas sa Pambansang Asambleya ng Nigeria sugatan, isa ang nabalian ng braso. (BBC)