Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Setyembre 23
Itsura
- Hindi bababa sa anim na katao namatay sa pagguho ng isang minahan sa Lalawigan ng Kayanza, hilagang Burundi. (RTT News) (BBC)
- Estados Unidos at iba pang kanluraning bansa kasama na ang Britanya, Suwesya, Australya, Belhika, Urugway at Espanya lumabas ng Nagkakaisang mga Bansa matapos sabihin ng Pangulo ng Iran na si Mahmoud Ahmadinejad na sinasabi ng iba na ang Mga pag-atake noong Setyembre 11 ay gawa-gawa ng Pamahalaan ng Estados Unidos upang protektahan ang Israel. (AP via Star Tribune), (Voice of America), (CNN)
- Pangulo ng Estados Barack Obama nakipagpulong kay Pangulo ng Tsina Wen Jiabao kung saan ang halaga ng Renminbi, ang pananalapi ng Tsina, ang pangunahing usapin. (Reuters)
- Hilagang Korea nagbalasa ng mga matataas na opisyal ilang araw bago ang pagpupulong ng Partido Manggagawa ng Korea na inaasahang magdudulot ng paglilipat ni Kim Jong-il ng pamamahala sa kanyang anak na lalaki na si Kim Jong-un. (AFP) (Korea Herald)
- Komisyon sa halalan ng Guniya iminungkahi ang Oktubre 10 bilang bagong petsa para sa pangpanguluhang halalan. (Reuters) (CNN)