Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 2014

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Archive Isang arkibo ang pahinang ito. Paki-usap, huwag baguhin ang nilalaman nito.. Ilagay ang mga bagong komento sa kasalukuyang pahina ng usapan.

Sinupan ng mga nagdaang "Alam Ba Ninyo" noong taong 2014

[baguhin ang wikitext]

Paunawa: May mga ilang buwan na walang naitalang Alam ba ninyo? sa taong ito.

Setyembre 2014

[baguhin ang wikitext]
  • ... na ang alkohol na amyl ay isa sa 8 mga alkohol na may pormulang C5H11OH?
  • ... na ang sakit na Ebola ay isang karamdaman na dulot ng isang birus?
  • ... na ang alkali ay ang matubig na solusyon na mayroong halaga ng pH na mahigit sa pito?
  • ... na ang epinephrine at ang adrenalin ay iisang hormone lamang?
  • ... na ang akromegalya ay isang kalagayang medikal na nangyayari kapag ang glandulang putwitaryo ay gumagawa ng labis na hormonang pampalaki pagkatapos ng pubertad?
  • ... na si Scott Bradlee ay isang piyanistang kumpositor na lumikha ng mga bidyong sumikat at lumaganap sa YouTube?
  • ... na bagaman nakarehistrong tatak-pangkalakal ang JumboTron na pagmamay-ari ng Sony Corporation, itinigil ng Sony ang paggawa ng mga kagamitang ito noong 2001 at simula noon ang salitang jumbotron ay naging pangkalahatang tatak-pangkalakal?
  • ... na matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hinati ang Kampo Murphy sa dalawang kampo, ang Kampo Crame at ang Kampo Aguinaldo?
  • ... na ang Boléro ni Maurice Ravel ang dahilan ng pagkapanalo ng dalawang mananayaw sa yelo noong Olimpiko ng 1984?
  • ... na ang Shabu-shabu ay isang masabaw na lutuing Hapones?
  • ... na si Hans Bethe ang pinakadakilang manlulutas ng suliranin noong ika-20 daantaon?
  • ... na si Swamp Thing ay isang kathang-isip na humanoid na halaman?
  • ... na si Arnold Sommerfeld ay ang pisiko na nagpasimula ng mga kaunlaran sa pisikang atomiko at kuwantum?
  • ... na si Peter Barakan ay ang punong-abala sa seryeng Begin Japanology?
  • ... na si Paul Forman ay isang Amerikanong historyador na awtor ng dalawang kontrobersiyal na mga tesis?
  • ... na mula kay Gilbert N. Lewis nahubog ang modernong mga teoriya ng pagsasanib na kimikal?
  • ... na tinawag ni Lee de Forest ang kaniyang sarili bilang ang "Ama ng Radyo"?
  • ... na si Friedrich Paschen ay ang pisikong Aleman na nakilala dahil sa mga pagdiskarga ng kuryente?
  • ... na si Reggie Lee ay may dalawang nakababatang kapatid na lalaki si Lee, ang musikerong si Nathan at manlalarawan ng komiks na si R.V. Valdez?
  • ... na ang mayang Costa ay isa lamang sa mga maraming uri ng pipit na pinapangalanang "maya" sa [[wikang Pilipino]?